All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 481 - Chapter 490
7044 chapters
Kabanata 481
Kahit na wala siyang internal energy, hindi pa rin niya magagawang umupo at hintaying mamatay si Dax! Kinamuhian niya si Abbess Mother Serendipity at ang mga tagasunod nito. Umalis na rin siya sa Donghai City pero sinubukan pa rin nitong sundan siya.Galit na galit dito si Darryl. Tatalikod na sana siya para umalis nang tawagin siya ni Rachel.“Darryl, hinihintay ka na ni Dad sa loob. Saan ka ba pupunta?”“Sabihin mo kay Dad na mayroon akong emergency na kailangang puntahan!” Nababahalang sinabi ni Darryl.“Sa tingin mo ba ay puwede mo na akong maging mensahero?” Ngisi ni Rachel. “Kung mayroon kang pupuntahan, ikaw mismo ang dapat na magsabi nito sa kaniya.”Sumimangot naman dito si Darryl. “Magpapaliwanag na lang ako sa kaniya pagbalik ko.” Nasa panganib ngayon si Dax kaya kinakailangan niya itong tulungan.“Tabi!” Sigaw ni Darryl kay Rachel.“Paano kung ayaw ko?” Malisyosong ngisi ni Rachel.“Ang sabi ko, tumabi ka!” Dito na muling sumigaw si Darryl.Dito na nanlalamig na su
Read more
Kabanata 482
Dito na nagpanic si Darryl. Sa sandaling may mangyari kay Dax, siguradong pagsisisihan niya ito habambuhay!“Palabasin mo na ako, Rachel Carter!” Sigaw ni Darryl pero walang kahit na sino ang sumagot sa kaniya.“Buwisit!” Sinuntok ni Darryl ang isang puno. Matapos makita ang papalubog na araw, wala nang nagawa si Darryl kundi maglakad ng diretso. Naisip niya na parang isang maze ang kagubatang ito na hangga’t magagawa niyang maglakad ng diretso ay magagawa niyang makita ang daanan palabas sa lugar na ito.Mabilis na naglakad si Darryl, pero matapos ang kalahating oras ay hindi pa rin niya nakita ang daanan na kaniyang pinanggalingan. Wala siyang nakita kundi walang katapusang mga puno sa paligid! Naging kakaiba ang bagay na ito para kay Darryl. Siguradong makakarating na siya sa labasan papunta sa mansyon ng mga Carter sa sandaling maglakad siya ng 30 minutes sa direksyon na kaniyang pinanggalingan, pero hindi pa rin niya nagawang makalabas sa gubat na ito. Maliban na lang kung isa
Read more
Kabanata 483
Agad na napatayo rito si Zoran. Agad ding namutla ang mukha ni Susan habang nagtatanong ng, “Sigurado ka ba na mga bakas ng yapak ang nakita mo roon?”Ang Peach Blossom Forest ay isang uri ng complex na Formation! Ang sinumang pumapasok doon ay hindi na nakakabalik pang muli!Nang pakasalan niya si Zoran, gustong gusto nang intindihin ni Susan ang Formation na bumabalot sa gubat na iyon. Maraming taon din ang ginugol niya para mapagaralan ito pero hindi pa rin niya mahanap ang solusyon para rito.Ilang taon na rin ang nakalilipas nang pumasok dito ang ilang mga nacucurious na tagasunod. Hindi na sila muling nakabalik pa mula noong araw na iyon.Wala ring kahit na anong signal sa loob ng gubat, at hindi rin magagamit ng kahit na sino ang kanilang internal energy sa loob nioto. Kahit na gaano pa ito kalakas, hindi magagawang lumipad ng kahit na sino papunta sa ibabaw ng peach blossom forest! Kaya naglagay ang mga Carter ng isang dambuhalang tablet nitong nakaraan sa daanan papasok sa
Read more
Kabanata 484
Tumayo si Zoran sa daanan papasok sa peach blossom forest para tingnan ang mga yapak na nakita ng kanilang mga maid. Nagkalat ang mga buhangin sa paligid kaya hindi nito malaman kung kay Darryl ba ang mga yapak na ito o hindi.Papasok na sana siya sa gubat nang hilahin siya ng kaniyang mga tagasunod. Sinabi ng isa sa mga ito na, “Master, hindi po tayo sigurado kung si Darryl ba talaga ang pumasok sa gubat na iyon. Ano na po ang mangyayari sa sandaling hindi na po kayo makalabas sa gubat?”Kumalma na rin si Zoran nang marinig niya ito at nagisip ng isang sandali. “Kumuha ka ng mga tao para bantayan ang lagusang ito sa lahat ng oras, “ utos nito, “Maghanap ka rin ng mga taong maghahanap kay Darryl sa labas ng mansyon.”“Opo, Master.”Napanghinaan dito nang husto ng loob si Zoran. Ayaw niyang maniwala na kay Darryl ang mga bakas ng yapak na ito pero itinuturo ng ibang mga detalye sa pagkawala ni Darryl na nakulong nga ang kaniyang inaanak sa gubat na ito.Nakaramdam siya ng matinding
Read more
Kabanata 485
Habang umiinom siya ng tubig, naramdaman ng kaniyang binti ang pagtama nito sa isang matigas na bagay. Inakala niya na isa lang itong bato kaya yumuko si Darryl para kunin ito.Whoosh!Umangat ang bato habang tumutunog ang tubig na bumabagsak mula rito.Nasurpresa rito si Darryl. Mukhang isa nga itong maliit, gawa sa tanso at hugis rectangle na kaldero! Nababalot na ito ng lumot matapos malubog ng napakatagal na panahon sa tubig, pero nagawa pa ring makita ni Darryl ang napakagandang disenyo sa paligid nito.Mukhang nagmula ito sa Warring States period base sa itsura nito.Pero ang kumuha sa interes ni Darryl ay ang gawa sa tansong box na nakalagay sa loob ng kaldero. Isang tansong box sa loob ng kaldero na nasa ilalim ng tubig na nasa ilalim ng balon? Masyado na itong kamangha mangha!Hindi na nagdalawang isip si Darryl nang buksan niya ang box. Dito na siya nagulat nang malamang nakaselyo nang husto ang box na ito. Walang tubig na nakapasok sa loob nito kung saan nakalagay ang
Read more
Kabanata 486
Thud!Nang makalabas siya sa kagubatan, bumagsak siya at napaupo sa lupa. Halos isang linggo na rin siyang hindi kumakain at nagawang mabuhay sa paginom ng tubig sa ilalim ng balon—gutom na gutom at pagod na si Darryl sa isang linggong pagkakakulong niya sa loob ng peach blossom forest.Pero natuwa pa rin siya nang husto dahil nagawa niyang makalabas ng buhay sa gubat na iyon!“Young Master?”“…Nagpakita ang Young Master!” Sigaw ng isa sa mga tagasunod. Nagulat sila nang husto na para bang nakakita sila ng multo.“Ipaalam niyo ito kay Master ngayundin!” Sigaw ng isa sa kanila.Nanghihina na sa mga sandaling ito si Darryl. Nagngitngit ang kaniyang mga ngipin habang kinukuha ang kaniyang cellphone para tawagan si Dax.Hindi niya matawagan si Dax kaya agad niyang tinawagan si Nancy—pero hindi rin kumonekta ang kaniyang tawag dito; parehong nakapatay ang mga cellphone ng dalawa.“Hayop ka, Rachel Carter. Hinding hindi kita mapapatawad sa sandaling may mangyari kay Dax!” Mura ni Dar
Read more
Kabanata 487
Isang himala ang paglabas dito nang buhay ng kaniyang inaanak.Ngumiti naman si Darryl at sumagot ng. “Hindi ko po alam kung paano po ako nakalabas dito. Nawala po ako sa loob pero naglakad lakad lang po ako sa paligid hanggang sa muli kong makita ang daanan papasok dito. Mukhang sinuwerte lang po ako na makabalik dito,” Normal na sinabi ni Darryl.Hinding hindi niya sasabihin kung paano niya nagawang imaster ang Bai Qi Formations.Nasasabik na nagusap usap ang lahat nang sabihin niya iyon—sinuwerte si Darryl dahil nagawa niyang makalabas sa peach blossom forest matapos maglakad lakad sa paligid nito.Tumawa naman si Susan at sinabing, “Kamangha mangha ang ginawa mong iyon. Kung alam mo lang, ilang araw din kaming nagalala sa iyo! Siguradong pagod ka na kaya puwede ka nang pumunta sa kuwarto mo para magpahinga!” Nagaalalang tiningnan ni Susan si Darryl. Pero sa totoo lang ay sinusubukan niya lang itong idistract para hindi na makapagtanong ang kaniyang asawa kay Darryl ng kahit na
Read more
Kabanata 488
Naglakad si Susan papunta sa kama ni Darryl at umupo rito. Tumingin siya kay Darryl at nagtanong ng, “Darryl, mukhang hinang hina ka noong una ka naming makita mula sa gubat na iyon. Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?”Natigilan dito si Darryl. Kung nagpunta lang si Susan dito para itanong ang kaniyang lagay, bakit niya ilolock ang pinto?“Maayos na po ang pakiramdam ko matapos kong kumain nang masasarap na pagkain kanina,” tawag ni Darryl.Tumango si Susan at ngumiti. “Mabuti naman kung ganoon.”Nagtinginan sila ng ilang sandali at tahumik na umupo ng magkatabi. Hindi na nakapagpigil pa si Darryl sa kaniyang sarili. Awkward itong tumawa at nagtanong ng, “May maitutulong po ba ako sa inyo, Tita Susan?”Napakagat na lang sa kaniyang labi si Susan. Nagpunta siya rito para kay Rachel. Sa sandaling ikalat ni Darryl ang balita na niloko siya ni Rachel para pumasok sa gubat, siguradong bubugbugin ito nang husto ng kaniyang ama. Kinakailangan niyang pigilan si Darryl na gawin ito anuma
Read more
Kabanata 489
Whip!Mas naging masakit ang paglatigong ito ni Jean kaysa sa kaniyang ginawa kanina. Naramdaman ni Jean na hindi pa ito sapat kaya bigla siyang nagwala sa kaniyang kinatatayuan.Whip! Whip! Whip! Maririnig ang tunog nito sa buong bakuran ng mansyong pagmamayari ng mga Darby.Hindi na ito matiis pa ni Dax. “Hayop kayong lahat!” Sigaw nito. “Magiingat kayo dahil sisiguruhin ko na mamamatay kayong lahat sa sandaling makalabas ako rito!”“Ang lakas ng loob mong sumagot huh?” Simangot ni Jean bago nanlalamig na sabihing. “Sige, kaya mong tanggapin ang mga latigo ko hindi ba? Kung ganoon ay lalatiguhin ko na lang ang asawa at lolo mo!"Gumawa si Nancy ng isang makapanindig balahibong tili nang lampasin ni Jean ng latigo ang kaniyang balikat. Dito na tuluyang nawala sa kaniyang sarili si Dax—naging wild at napuno ng galit ang kaniyang dibdib. Sinubukan niyang pakawalan ang kaniyang sarili pero naging imposible ang bagay na ito. Masyadong mahigpit ang ginawang pagkakatali sa kaniya.M
Read more
Kabanata 490
Lumapit si Jean kay Zephyr at dumura, “Si Dax ay isang kriminal na may koneksyon sa Eternal Life Palace. Sino ka para magdesisyon kung makakaalis na ba siya rito o hindi?”“Uulitin ko ang mga sinabi ko, nandito ang Elysium Gate para kunin si Dax Sanders,” Ngiti ni Zephyr.Isang espadang may tatlong dulo ang biglang nagpakita sa harap ni Zephyr. Agad niyang pinakawalan ang kaniyang internal energy na nakapagpasabog sa espadang iyon sa buong kuwarto. Matapos inumin ang Godly Pill na ibinigay ni Darryl, Si Zephyr ay isa na ngayong Level One Martial Marquis.Kasabay nito ang paglalabas ng mga tauhan ng Elysium Gate sa mahahaba nilang mga saber.“Ikaw…” Napaatras naman ang natatakot na si Jean sa kaniyang kinatatayuan.Tumalon si Zephyr papunta kay Dax at agad na hiniwa ang mga taling nakapulupot sa katawan nito. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na nagawa pang magreact ng mga tagasunod ng Emei Sect.Natakot at nagalit si Jean habang sumisigaw ng, “Ano ang ginagawa mo! W
Read more