All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 621 - Chapter 630
7044 chapters
Kabanata 621
Kinagat ni Monica ang kanyang mga labi; kinakabahan siya.Napagpasyahan niyang magpatuloy sa kanyang balak na umalis sa isla ng Elysian kahit na hindi magpakita si Darryl.Sa gabi ay ang pinaka magandang pagkakataon upang umalis sa isla; hindi na siya makakakuha ng isa pang pagkakataon kung papalampasin niya iyon.…Alas otso na ng gabi.Nagsisiyahan ang lahat sa kanilang oras sa pagtanggap sa hapunan sa pangunahing bulwagan.Si Monica ay uminom ng alak at pagkatapos ay nagpaalam na sa Grand Master ng langit ; sinabi na masama ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang silid.Hindi napansin ng Grand Master ng Langit ang anumang kakaiba dahil hindi pa nagawang hawakan ni Monica ang kanyang alak.Nang bumalik siya sa kanyang silid, nagpalit si Monica sa isang ordinaryong damit. Naglagay siya ng napaka- simpleng makeup upang maiwasan ang hindi makaagaw ng anumang atensyon.Nang maayos na ang lahat, kumuha siya ng sulo, sinindihan at itinapon sa kanyang kama.
Read more
Kabanata 622
Ang gusali ay luma na at wala itong elevator. Naglakad sila hanggang sa ikalawang palapag nang huminto si Jay at sinabi sa Sect Mistress, "Aking magandang binibini, dito nakatira si Darryl, magpatuloy ka at kumatok sa pintuan."Naglakad si Monica papunta sa pintuan.Sa sandaling iyon, ngumiti si Jay at inagaw ang klats nang hindi binigyang pansin ni Monica. Pagkatapos ay tumalikod siya at nagsimulang tumakbo."Ikaw—" sigaw ni Monica. Hindi niya inaasahan na aagawin sa kanya ang kanyang klats. Hindi ba siya kaibigan ni Darryl? Napakawalang hiya!Si Monica ay nanirahan sa isla ng Elysian bilang Sect Mistress nang medyo matagal. Hindi pa siya naloko bago pa noon.Nang magbalik siya sa kanyang sarili, Hindi na makita sa paligid si Jay..Kinagat ni Monica ang kanyang mga labi; galit na galit siya, ngunit hindi niya ito hinabol. Kahit na ang kanyang klats ay mahalaga, hindi na niya kailangan ang pera dahil nahanap na niya si Darryl.Pagkatapos ay kumatok siya ng dalawang beses sa pint
Read more
Kabanata 623
Gustong magtanong pa ni Monica, ngunit lumakad na ang binata.After she asked a few other persons, Monica finally managed to find Lyndon residence's address. She decided to go straight there.Matapos niyang tanungin ang ilang iba pang mga tao, sa wakas ay nagawang matagpuan ni Monica ang address ng tirahan ng Lyndon. Nagpasya siyang dumiretso doon.…Sa tirahan ng Lyndon.Ginawa ni lola Lyndon ang kanyang pang- umagang tsaa sa may bulwayagan.Ang ilan sa mga nakababatang miyembro ng pamilya ay masayang nakikipag- usap sa isa’t isa.Si Darryl, ang kanilang manugang na lalaki, ay ginawang biro ang pamilyang Lyndon sa lungsod ng Donghai. Sa wakas ay napaalis na nila ito.Isang batang lalaki ang lumakad papasok sa bulwagan at sumigaw, "Lola, mayroong isang ginang sa labas, at hinahanap niya si Darryl."Isang babaeng hinanap si Darryl?Nakasimangot si Lola Lyndon nang marinig ang pangalan. "Dali! Dali! Bilisan mo at tingnan iyo."Humakbang siya patungo sa pangunahing bulwagan, at
Read more
Kabanata 624
Talagang nalungkot ang Cult Mistress. Pumunta siya sa pamilyang Lyndon na may pag-asa; hindi niya inaasahan na mapahiya siya.Kinagat ni Monica ang kanyang mga labi; grabe ang naramdaman niya. Naghintay siya sandali upang kumalma bago siya umalis sa tirahan ng Lyndon. Pagkatapos ay tumungo siya sa tirahan ng mga Darby.Nabanggit ni Lola Lyndon na ang lahat ng mga kamag-anak ni Darryl ay pawang nasa tirahan ng Darby. Kailangan niyang puntahan at alamin ang tungkol doon ng mag- isa.Makalipas ang kalahating oras, sa tirahan ng mga Darby.Ang pamilyang Darby ay nagsagawa ng isang malaking proyekto sa pamilihan.Ang proyekto ay nagkakahalaga ng halos sampung bilyong pera. Ang bawat isa ay naging abala sa nagdaang ilang araw; lahat ay nasa labas para sa negosyo. Si Yumi lang ang naiwang mag- isa sa bahay. Sinuri niya ang mga account upang makuha ang kita ng pamilya Darby para sa buwan.Ang isa sa mga miyembro ng pamilya Darby ay tumakbo papunta sa kanya. "Ate, may isang binibini sa ma
Read more
Kabanata 625
Sa sinaunang libingan sa Yellow Dragon Mountain.Sina Darryl at Yvette ay nasa tabi pa rin ng kristal na kabaong; nasa paglilinang pa rin sila.Ang Immortal Energy Palm ay talagang kakaiba. Matapos ang maraming araw, Kailangan pa malaman ni Darryl ang buong proseso ng paglilinang. Mukhang kailangan pa nila ng mas marami pang oras.Si Darryl at Yvette ay nakatuon sa kanilang paglilinang na nakalimutan na nila kung nasaan sila.Sa nakaraang ilang araw, kapag si Darryl ay nasa paglilinang, dalawang makabuluhang insidente ang nangyari.Una, ito ang Elysium Gate.Ang Elysium Gate ay sumira ng ilang madilim na kapangyarihan sa nakaraang ilang araw. Ang lahat ay labis na nagpapasalamat sa kanila.Ang iba pang pangyayari ay ang isang bagong sekta na nabuo; ito ay ang Sektang bulaklak ng bundok, at si Dax ay ang punong sekta.Ang Sektang bulaklak ng bundok ay may halos sampung libong mga miyembro mula nang magsimula ito. Nagtataka ang lahat kung paano ang isang bagong sekta ay maaaring
Read more
Kabanata 626
Ang kanyang ama ay si Zoran, at ang kanyang ina ay si Susan. Mayroon din siyang kapatid na babae, si Rachel. Nakatayo sa likuran niya ang kanyang pamilya. Ngumiti ang lahat habang nakatingin sa kanya.Nag-aalala si Susan. Ang kanyang anak na babae ay labis na humahanga sa Indomitable Darby — ang kanyang silid ay puno ng mga watawat at maskara.Isinuot ni Sara ang maskara na kanyang pinunasan at tinanong si Rachel, "Ano ang hitsura ko, Ate? Mukha ba akong Indomitable Darby?"Tumawa si Rachel. "Hindi ko pa nakikilala ang Indomitable Darby. Bukod roon, lahat ng iyong maskara ay hindi tunay; kopya lamang ang mga ito."Pagkatapos ay kumuha si Rachel ng isang gintong maskara at isinuot sa kanyang mukha.Humanga din si Rachel kay Indomitable Darby. Ang lahat ng mga kababaihan ay humahanga sa isang bayani na tulad niya.Tumawa si Sara. "Kapag nakilala ko siya sa hinaharap, baka bigyan niya ako ng isang tunay na gintong maskara."Nagkatinginan sina Susan at Zoran at ngumiti nang marinig
Read more
Kabanata 627
Nainis si Zoran nang marinig niyang minaliit ni Rachel si Darryl.Naramdaman ni Susan na hindi tama ang nangyayari. "Okay sige, huwag na natin itong pag-usapan."Tumingin si Susan kay Sara at sinabi, "Sara, susubukan naming tulungan ka sa iyong pangalawang kahilingan, ngunit hindi namin alam ang tunay na pagkatao ni Indomitable Darby."Sinabi ni Zoran, "Tama iyan, wala pang nakakakilala sa kanya, at walang nakakaalam kung ano ang hitsura niya, o kung gaano na siya katanda.""Wala akong pakialam; gusto kong makilala siya." Giit ni Sara habang nakayakap kay Susan.Ngumiti si Susan at tumingin kay Zoran. "Bakit hindi tayo kumuha ng isang taong magpapadala ng imbitasyon para sa Elysium Gate. Baka dumating ang ating kapatid na Indomitable Darby."Kahit na hindi pa niya ito nakikilala, naniniwala si Susan na ang Pinunong sekta ng Elysium Gate ay isang taong mas matanda sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit siya tinawag na bilang isang kapatid"Mabuti." Tumango si Zoran.Gagawin niya
Read more
Kabanata 628
Sa sandaling iyon, tumunog ang selpon ni Darryl.Kumunot ang noo niya. Walang signal sa kweba. Paglabas pa lang niya ay tumunog na agad ang kanyang selpon. Kinuha niya ang kanyang selpon at nakita na si Zoran ang tumatawag.Bakit siya tatawagan ng kanyang Ninong?Sinagot agad ni Darryl ang tawag.Parang masaya si Zoran nang masagot ang tawag. "Darryl, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Maraming beses na kitang tinawagan.""Ninong, naging abala ako sa nakaraang mga araw." Ngumiti si Darryl.Tumango si Zoran sa sarili. "Makinig ka, ika-labing walong kaarawan ni Sara bukas, at dapat kang dumating. Ikaw—"Ano ang nangyari?Tumingin si Darryl sa kanyang cellphone; namatay ang baterya. Siya ay nasa loob ng kweba ng maraming araw. Kahit na hindi pa niya nagamit ang kanyang telepono, patay na ang baterya. Ang selpon ay namatay bago nila natapos ang tawag. Inimbitahan siya ni Zoran sa birthday party ni Sara kinabukasan.Nagustuhan ni Darryl si Sara; siya ay isang kaibig-ibig at
Read more
Kabanata 629
Sa mansyon ng Carter sa Mid city.Alas- sais na ng gabi, at hindi pa madilim sa mga oras na iyon. Ang buong mansyon ng Carter ay naiilawan ng mga makukulay na ilaw. Ang hardin, koridor at kung saan man ay puno ng mga ilaw.Ito’y pagdiriwang na ng kaarawan ni Sara kinabukasan. Lahat ng pamilya Carter ay nilagyan ng dekorasyon ang buong mansyon ng masaya.Isang malaking, puting agila ang lumipad sa kalangitan.“Wow, napakalaking agila!”"Sobrang ganda nito. Teka, may isang tao sa agila!""Si maestro ba yon?"“Bumalik na si Maestro.”Namangha ang buong pamilya Carter na makita si Darryl na nasa agila ng niyebe.Bumaba ang higanteng agila at lumapag sa hardin.Ang lahat ay nagtipon upang tingnan ang agila ng nyebe. Nagtataka ang lahat, ngunit wala sa kanila ang nagtangkang lumapit sa ibon.Ang agila ng niyebe ay nasasabik na makita ang lahat; tuloy-tuloy nitong ipinagpag ang mga pakpak."Ayos iyan. Sige na at maglaro ka na." Ngumiti si Darryl habang kausap ang agila ng nyebe.
Read more
Kabanata 630
Hinawakan ni Darryl ang kanyang ulo; ang kanyang maliit na kapatid na babae ay masyadong kaibig-ibig!Kinunot ni Rachel ang kanyang noo at sinabi, "Sara, bumaba ka nga!"Paano niyang nagawang yakapin ang walang kwentang lalaking iyon? Paano niyang nagawang yakapin siya ng ganoong paraan? Masyadong nakakabastos naman iyon!"Wala akong pakialam; masaya ako." Ngumiti si Sara. "Kuya Darryl, ano ang ibibigay mo sa akin para sa aking kaarawan bukas?"Ngumiti si Darryl. "Huwag kang magalala. Naghanda ako ng isang malaking regalo para sa iyo. May magpapadala rito dito bukas. Sorpresa iyon!""Talaga?" Tuwang-tuwa si Sara; hinalikan niya sa pisngi si Darryl. "Kuya Darryl, ikaw na talaga ang pinaka magaling!"Pilit na ngumiti si Darryl."Sara!" Inis na si Rachel. Labing-walong taon na si Sara sa susunod na araw; siya ay matanda na. Paano niya nagawang halikan ang isang tao na ganoon, lalo na si Darryl?Hindi pinansin ni Darryl si Rachel at ngumiti. "Sabihin mo sa akin, Sara. Ano ang mga h
Read more