Kabanata 230
"Granduncle, gawin na ba natin ang transfer procedure ngayon?" Tinignan ni Thea si Trevor.

"Sige, sige, pero… Thea, may pera ka ba?" Unti-unting kumalma ang pagkasabik ni Trevor at nagdududa siyang nagtanong.

"Hindi mo naman niloloko si Granduncle mo, hindi ba?"

Tumingin si Thea kay James. "Ibigay mo sa'kin ang card."

Kinuha kaagad ni James ang Black Dragon Card niya.

"Gaano karaming pera ang laman nito?" tanong ni Thea.

Ang alam niya, napunta sa military court si James at napatalsik dahil gumalaw siya ng pera.

Kung kaya't hindi niya alam kung gaano karaming pera ang meron siya sa loob ng card.

"Hindi naman marami. Siguro mga nasa dalawandaang milyon?" Nagsabi si James ng isang hindi eksaktong numero.

Sapat na ang dalawandaang milyon para ayusin ang problema ni Thea ngayon.

Isandaang milyon para sa acquisition funds ng kumpanya at isandaang milyon bilang kapital.

Hindi niya gustong galitin si Thea sa pagsabi ng isang mataas na numero.

"Oo nga pala, wala man lang
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter