Kabanata 553
Makalipas ang tatlong oras, nakarating na si Yvette sa Carter Mansion. Nagulat siya kung gaano kaganda ang lugar. Pakiramdam niya ay nasa sinaunang panahon siya dahil sa design ng mansyon na ito. Natigilan siya sa ganda ng paligod. Halatang halata na mayaman sila.

“May mga chismis na tinanggap ka ni Zoran bilang inaanak niya. Mukhang totoo ang chismis na ito.” Tumawa siya kay Darryl.

Hindi niya mapigilang sabihin na, “Atsaka, ang mga Carter ay malinaw na mayayaman, Ang ganda ng mansyon na ito.”

Walang ganang makipag-usap si Darryl, pinilit nalang niyang ngumiti at tinuro sakanya kung saan ang inner court.

Noong pumasok na sila sa kwarto, natigilan si Yvette nung nakita niya si Yvonne sa kama. Tanong niya, “Siya ang tao na gusto mong iligtas?”

Kahit hindi nakapupunta si Yvette sa Hexad School nitong mga nakaraan, nakilala niya pa rin si Yvonne dahil ito ang tagapagmana ng Young Family at siya ay sikat sakanilang paaralan.

Hindi na kayang hintayin ni Yvonne na makabalik pa si Darry
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter