Kabanata 746
Ang lahat ng nasa loob ng hall ay nakapokus ang atensyon kay Cheryl. Siya lang ang napapansin ng mga tao sa gitna ng entablado.

Maraming lalaki ang nakatulala sakanya.

Si Darryl din ay natulala, pero patago niya lamang itong hinangaan.

Karapat-dapat maging sikat si Cheryl, siya ay napakaganda.

Nakasuot siya ng itim na cheongsam at pinakita nito ang marikit niyang kurba sa katawan.

Ang makinis niyang mukha ay mayroong makeup at sobrang ganda niya dahil dito.

Click! Click!

Ang mga reporter ay nababalisa, patuloy silang kumukuha ng litrato.

“Maraming salamat sa pagdalo niyo rito… Maraming salamat!”

“Ngayon ay aawit ako ng isang kanta. Sana ay magustuhan niyong lahat.” Sabi ni Cheryl.

Excited ang audience; ang mga mukha nila ay puno nang ekspektasyon.

Noong tumahimik na ang paligid, tumugtog na ang kanta. Ngumiti si Cheryl at tiningnan ang mga audience habang siya ay kumakanta. “Oh aking mahal, ang tamis ng iyong mga ngiti. Para bang mga bulaklak ito na sumibol sa malamig
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter