“ Habang sa kanluran ay ang bumababang araw na tila ba puno ng silakbo.“Malayo sa kaniyang tahanan ang isang nasasaktang puso!”Walang tigil na inalala ng daan daang mga miyembro ng Artemis Sect ang tula habang namamangha at hindi mapigilan ang kanilang mga sarili sa pagrerecite nito!“Isa nga itong napakagandang tula. Paano nagawang sumulat ni Darryl ng isang malalim at makahulugang tula sa bata niyang edad?”“Oo nga, iniisip ko tuloy ang mga pinagdaanan at karanasan nito sa kaniyang buhay para makapagsulat ng ganitong klase ng tula!”“Karapat dapat nga talaga siya sa titulong “Gifted Hibiscus Scholar. Bagay na bagay sa kaniya ito!”Agad na umingayang buong hall matapos magusap usap ng lahat. At sa huli ay huminga nang napakalalim si Debra habang dahan dahang sinasabi na, “Masyado ka nang naging talentado sa bata mong edad, Darryl. Masyado akong naimpress sa pagsusulat na ginawa mo sa isang napakagandang methapor. Karapat dapat ka ngang gawaran ng titulong “Gifted Hibiscus Scho
Nakakalungkot na namatay ang 29th Sect Master dahil sa depresyon sa buhay pag-ibig.Nag-iwan ito ng dalawang linya ng tula bago ang kaniyang kamatayan.‘Nang matagpuan ng simoy ng taglagas ang hamog ng mga hiyas.’‘Naunahan nito ang maraming kaganapan sa mundo.’Ilang daang taon na ang nakalipas nang maraming tauhan ng Artemis Sect ang sumubok na purihin ang mga linya. Kahit na maraming sumubok na gumawa ng mga linya para makipaglaban sa mga tula, hindi nalalapit ang artistic conception.Walang may kayang makagawa ng mga bagong linya para makipaglaban. Mula noon ay nakilala ang tula bilang dalawang sagradong linya ng Artemis Sect!Ang kasalukuyang Sect Master na si Debra ay gustong gusto ang dalawang tula at pinaukit niya pa ito sa kaniyang phoenix throne.“Hoy brat, hindi ito dapat na lumabas sa bibig mo.” Tumayo si Simon at tinuro si Darryl. Sumigaw ito. “Ang dalawang linyang ito ay iniwan ng twenty-ninth Artemis Sect Master. Sa tingin mo ba ay maaaring magbihay pahayag ang is
”Napakatindi ng putsa mo!”Naghuhukay ka ng sarili mong libingan!”Nang biglang daan-daang nakakatandang miyembro ng Artemis Sect ang nagtutuk ng kani-kanilang espada kay Darryl!Gusto na nilang agad na patayin si Darryl! Napaka yabang ng brat na ito para hamunin ang Sect Master!Napa-atras si Darryl. Ramdam nito ang galit ng mga nakakatanda na mayroong lakas na hindi bababa sa pagiging Level One Martial Saint!At higit sa dosenang nakakatanda ay mayroong lakas ng isang Martial Emperor!Natakot si Darryl sa mga nakapalibot na elites. Nagkuway ng kamay si Debra at nag-ustos, “Umatras kayo.”Umatras ang mga nakakatanda nang mag-utos ito.Napakunot si Debra at tumingin kay Darryl bago magsalita. “Sa iyong kahilingan, pupusta ako.”Hindi ito naniniwalang makukumpleto ni Darryl ang tula.Nakatingin ang lahat kay Darryl.Tumawa si Darryl. “Siguro naman ay handa kang tanggapin ang mga maaaring mangyari dahil sumang-ayon na rin ang Sect Master sa pustahan.”“Siyempre!” Malamig na s
Napakaganda ng dalawang linya at sakto sa orihinal na artistic conception!Namangha si Darryl nang makuta ang mga reaksyon ng mga tao sa paligid.Tumingin ito kay Debra habang nakangiti at nagsalita gamit ang malalim na boses. “Sect Master, ang tulang ito ay patungkol sa ‘pagmamahal’. Mahirap makakuha ng artistic conception ng pagmamahal kung hindi pa nakakaranas ng totoong pagmamahal ang taong susubok.”Sigh!Nagbuntong hininga si Darryl.“Maaari bang may magsabi sa akin kung ano ba dapat ang mayroon sa pagmamahal?”“Nagagawa nitong maging maganda ang kamatayan habang kasama kita.”May malungkot na tingin sa mukha ni Darryl nang binigkas niya ang linya. Naging emosyonal ito nang mapunta ang kaniyang isipan kina Yvonne, Monica, at Lily.‘Yvonne, Darling, at Lilybud, kamusta na kayo?’Napaisip ito kung kamusta na ang tatlo.“Pwede bang may magsabi sa akin kung paano ba ang pagmamahal?”“Nagagawa nitong maging maganda ang kamatayan habang kasama kita.”Wow!Muling nagkagulo
”Sect Master, bakit hindi mo tutuparin ang pangako mo?” Nangutya si Darryl habang nakaturo sa kaniyang mga paa. “Huhugasan lang naman ang mga paa, hindi naman iyon mahirap…”“Ikaw…” Malakas na kinagat ni Debra ang mga labi dahil wala itong maisagot!Kung alam lang nito ay hindi na siya sasang-ayon sa pustahan.Paano niya huhugasan ang mga pa ani Darryl bilang isang Artemis Sect Master?“Isang ulat! Sect Master, mayroong napa rito para makita ka.”Pag-ulat ng isang alipin sa kabilang dulo ng pinto.“Sino iyan?” Mahinhing tanong ni Debra.“Sect Master, ang taong gusto kang makita ay ang Elder Jupiter,” Sagot ng tauhan.Elder Jupiter?Nag-utos si Debra, “Papasukin niyo siya.”Pasikretong gumaan ang pakiramdam nito at nagbuntong hininga. Pumasok ang Elder Jupiter para sagipin ito sa malagkit na sitwasyon dahil hindi nito alam kung paano tatanggihan si Darryl.Sa parehong sandally, medyo nagulat din si Debra sa pagbisita ng kamangha-manghang si Elder Jupiter na pangalawa lamang s
”Huwag mong lunukin!” Pag-ulit ni Darryl, pero huli na ang lahat! Nalunok n ani Debra ang pill at parang kisap matang dumulas sa lalamunan nito.Matapos nito panooring lunukin ni Debra ang pill, tumawa ang Elder Jupiter. “Haha, Sect Master. Sa katunayan, ang tawag sa pill na ito ay Three Poisons Pill. Napakadelikado nito kaya naman enjoy-in mo ang pagdurusa. Haha!”Tumawa ang Elder Jupiter, tumalikod ito para lumabas ng kwarto!“Ikaw…”Nanghina si Debra habang naramdaman nitong mabilis na nawawala ang kaniyang internal na enerhiya mula sa kaniyang energy field!“Elder Jupiter, walang samaan ng loob sa pagitan nating dalawa. Mayroo akong magandang relasyon sa Elixir Sect. Bakit mo ito ginawa sa akin?Hindi mapalagay si Debra. Gusto na lamang nitong sundan ang Elder Jupiter, pero nanghihina na ito.Naramdaman niyang naging halaya sa lambot ang kaniyang mga binti nang subukan nitong humakbang at halos mitumba sa sahig.Mabilis na kumilos si Darryl at inilagay ang kaniyang kamay sa
Nagdusa ang nakahigang si Debra—nanginginig sa lamig at mga lumalabas na pawis.“Darry na—nahuli mob a ang Elder Jupiter?” Tuyo ang labi ni Debra pero nagawa pa rin nitong magtanong gamit ang mahinang boses. Mukhang naubos ang lakas nito nang magtanong.“Bumuntong hininga si Darryl. “Hindi ko siya nasabayan, napakabilis niya…”Inilagay ni Darryl sa lamesa ang jade pendant. “Nabitawan ng Elder Jupiter ang jade pendant at nagawa ko itong kunin.”Nako po…Nagawa nitong kunin ang jade pendant pero nakatakas ang taong hinahabol niya?Desperada na si Debra.Naramdaman nitong naubos na ang kaniyang internal na enerhiya. Isa pa, nagpapalit palit na ang pakiramdam ng katawan nito sa init at lamig. Sa parehong sandali, naramdaman nitong tila ba libo-libong langgam ang gumapang sa kaniyang katawan dahilan kung bakit sobra itong nangati!Pero lumaban ito para hindi dumaing hanggang sa bumalik si Darryl at makita ito sa malamig at malakas niyang personalidad. Pero hindi na kaya pang manood
Sa kabilang banda, sa Kontinente ng New World.Hindi na mabilang ni Justin Quinn ang dami ng nainom niyang alak. Sobrang lasing nito at nahihilong naglakad sa kalye habang iniiisip si Lily Lyndon at naisip nitong bumalik sa inn kinagabihan.Nakita nito ang nakaupong si Matteo na mag-isa nang narating nito ang kwarto—mukha itong kalmado at kumportable.Nang makita nito ang pumasok na si Justin, agad siyang ngumiti at nagsalita, “Bumalik na ang mabuti kong alagad?”Nagmasid sa paligid si Justin ngunit hindi nito nakita si Lily. Nag-panic ito at nagtanong, “Master, nasaan si Lily?”Kahit na hindi nito alam kung papano haharapin si Lily ay nag-alala ito nang mapansing wala ang babae.Kaunting ngumiti si Matteo. “Ibinigay mo na siya sa akin kaya bakit ka pa nag-aalala sa kaniya? Baka lumabas siya nung mabilis akong nawala. Sa tingin ko ay hinahanap niya pa rin ang asawa niya, haha…”Tinitigan ito ni Matteo. “Lagi ong tinutupad ang mga salita ko. Naipapakita nito ang lakas ng kagustu