”Sect Master, bakit hindi mo tutuparin ang pangako mo?” Nangutya si Darryl habang nakaturo sa kaniyang mga paa. “Huhugasan lang naman ang mga paa, hindi naman iyon mahirap…”“Ikaw…” Malakas na kinagat ni Debra ang mga labi dahil wala itong maisagot!Kung alam lang nito ay hindi na siya sasang-ayon sa pustahan.Paano niya huhugasan ang mga pa ani Darryl bilang isang Artemis Sect Master?“Isang ulat! Sect Master, mayroong napa rito para makita ka.”Pag-ulat ng isang alipin sa kabilang dulo ng pinto.“Sino iyan?” Mahinhing tanong ni Debra.“Sect Master, ang taong gusto kang makita ay ang Elder Jupiter,” Sagot ng tauhan.Elder Jupiter?Nag-utos si Debra, “Papasukin niyo siya.”Pasikretong gumaan ang pakiramdam nito at nagbuntong hininga. Pumasok ang Elder Jupiter para sagipin ito sa malagkit na sitwasyon dahil hindi nito alam kung paano tatanggihan si Darryl.Sa parehong sandally, medyo nagulat din si Debra sa pagbisita ng kamangha-manghang si Elder Jupiter na pangalawa lamang s
”Huwag mong lunukin!” Pag-ulit ni Darryl, pero huli na ang lahat! Nalunok n ani Debra ang pill at parang kisap matang dumulas sa lalamunan nito.Matapos nito panooring lunukin ni Debra ang pill, tumawa ang Elder Jupiter. “Haha, Sect Master. Sa katunayan, ang tawag sa pill na ito ay Three Poisons Pill. Napakadelikado nito kaya naman enjoy-in mo ang pagdurusa. Haha!”Tumawa ang Elder Jupiter, tumalikod ito para lumabas ng kwarto!“Ikaw…”Nanghina si Debra habang naramdaman nitong mabilis na nawawala ang kaniyang internal na enerhiya mula sa kaniyang energy field!“Elder Jupiter, walang samaan ng loob sa pagitan nating dalawa. Mayroo akong magandang relasyon sa Elixir Sect. Bakit mo ito ginawa sa akin?Hindi mapalagay si Debra. Gusto na lamang nitong sundan ang Elder Jupiter, pero nanghihina na ito.Naramdaman niyang naging halaya sa lambot ang kaniyang mga binti nang subukan nitong humakbang at halos mitumba sa sahig.Mabilis na kumilos si Darryl at inilagay ang kaniyang kamay sa
Nagdusa ang nakahigang si Debra—nanginginig sa lamig at mga lumalabas na pawis.“Darry na—nahuli mob a ang Elder Jupiter?” Tuyo ang labi ni Debra pero nagawa pa rin nitong magtanong gamit ang mahinang boses. Mukhang naubos ang lakas nito nang magtanong.“Bumuntong hininga si Darryl. “Hindi ko siya nasabayan, napakabilis niya…”Inilagay ni Darryl sa lamesa ang jade pendant. “Nabitawan ng Elder Jupiter ang jade pendant at nagawa ko itong kunin.”Nako po…Nagawa nitong kunin ang jade pendant pero nakatakas ang taong hinahabol niya?Desperada na si Debra.Naramdaman nitong naubos na ang kaniyang internal na enerhiya. Isa pa, nagpapalit palit na ang pakiramdam ng katawan nito sa init at lamig. Sa parehong sandali, naramdaman nitong tila ba libo-libong langgam ang gumapang sa kaniyang katawan dahilan kung bakit sobra itong nangati!Pero lumaban ito para hindi dumaing hanggang sa bumalik si Darryl at makita ito sa malamig at malakas niyang personalidad. Pero hindi na kaya pang manood
Sa kabilang banda, sa Kontinente ng New World.Hindi na mabilang ni Justin Quinn ang dami ng nainom niyang alak. Sobrang lasing nito at nahihilong naglakad sa kalye habang iniiisip si Lily Lyndon at naisip nitong bumalik sa inn kinagabihan.Nakita nito ang nakaupong si Matteo na mag-isa nang narating nito ang kwarto—mukha itong kalmado at kumportable.Nang makita nito ang pumasok na si Justin, agad siyang ngumiti at nagsalita, “Bumalik na ang mabuti kong alagad?”Nagmasid sa paligid si Justin ngunit hindi nito nakita si Lily. Nag-panic ito at nagtanong, “Master, nasaan si Lily?”Kahit na hindi nito alam kung papano haharapin si Lily ay nag-alala ito nang mapansing wala ang babae.Kaunting ngumiti si Matteo. “Ibinigay mo na siya sa akin kaya bakit ka pa nag-aalala sa kaniya? Baka lumabas siya nung mabilis akong nawala. Sa tingin ko ay hinahanap niya pa rin ang asawa niya, haha…”Tinitigan ito ni Matteo. “Lagi ong tinutupad ang mga salita ko. Naipapakita nito ang lakas ng kagustu
Tuluyang bumagsak si Yumi matapo ang ilang araw. Alam nitong mabubugbog ang katawan kapag hindi niya binunyag ang sikreto ng scriptures.Huminto at suminghal si Donoghue, “So, sabihin mo!”Namilipit sa sakit si Yumi at bumulong, “Eto…hetong seven volumes ay kailangan ibabad sa tubig para makita ang mga sikreto…”Haha…So ayun pala yun!Nagulat si Donoghue bago ito tumingin sa kalagitan at masayang tumawa. Nanlumo ang mukha nito matapos makita ang nanginginig na si Yumi, nanermon ito, “Hayop, anong ginagawa mo rito? Kunan mo ako ng tubig!”“Kukunin ko na po ngayon…” Mabilis na gumilid si Yumi para kumuha ng tubig.Lumabas ang isang mapa sa seven scriptures volumes nang dumikit ang tubig dito.Sobrang say ani Donoghue, hindi na ito makapag-antay pa para tingnan ang mapa. Nagulat ito nang makita ang lugar na nakamarka sa mapa ay ang New World Continent!‘Haha! Maganda ang pagtrato sa akin ng Diyos!’Hinablot nito si Yumi at mabilis na naglakad palabas ng sirang templo. “Bilis! S
Oh!Nang makapasok sila, mabilis na huminga ng malalim si Donoghue. Walang katapusan ang daanan na nasa kaniyang harapan; wala itong ideya kung ilang hakbang pa ang kailangan niyang gawin. Palaki ng palaki ang espasyo sa paligid habang pababa ito. Ang loob ng nakakamanghang Sky Mountain ay walang kalaman laman; mukhang inubos na ang mga gamit na noo’y nasa loob nito!Paniguradong mas malaki ang kweba kaysa sa Donghai City! Hindi, mga sampung beses ang laki nito kaysa sa Donghai City! Sobrang sabik si Donoghue nang bumaba ito sa hagdan na bato. Madilim ang kewba, pero matapos nitong maglakad ng kalahating oras ay napansin nito ang napakaliwanag na bahagi ng kweba! Maliban doon, lumakas din ang ispiritwal na aura sa paligid niya habang mas lumalayo ito sa entrada! Para bang spiritual aura pool ang kwebang ito! Matapos niyang maglakad ng dalawang oras, namangha ito nang mapagtantong tumaas ang kaniyang internal na enerhiya sa kaniyang energy field! Buzz!Isang Level Five Mart
”Isa, dalawa, tatlo!”Sumigaw si Donoghue at buong lakas na itinaas ang palakol, pero hindi pa rin ito gumagalaw!“B*tch, lakasan mo pa!” Sinipa nito si Yumi. “Pag bilang ko ng tatlo, gamitin mo ang buong lakas mo! Kailangan mong mai-angat ang palakol na to! Narinig mo ba ako?”“Narinig kita,” Mahinang sagot ni Yumi. Galit ang tingin sa mga mata nito.Nakapagdesisyon na ito—kahit ano pa man, hindi nito hahayaang makuha ni Donoghue ang palakol.Divine weapon ang palakol na iyon! Kailangang mapasakamay ito ni Florian.“Isa, dalawa, tatlo!” Sumigaw si Donoghue habang buong lakas na sinubukang i-angat ang palakol. Biglang Itinaas ni Yumi ang kaniyang kamay, inalis nito ang kaniyang hairpin at sinaksak sa leeg ni Donoghue! “Mamatay ka na!” Malamig na sigaw ni Yumi. Narating ng hawak nitong hairpin ang leeg ni Donoghue sa isang kisap mata! Napuno na si Yumi sa mga pangmamaliit ni Donoghue; gusto niya itong durugin pero wala itong tiyansang lumaban pabalik!Sinamantala nito ang n
Malinaw ang mga naka-ukit na dragon sa gintong palakol! Mayroong sinauna at sagradong aura ang gintong palakol!Nasabik si Donoghue! Siguro ay nagising ang palakol nang tumalsik dito ang kaniyang dugo! Natagpuan n anito ang kaniyang master! Huminga ng maluwag si Donoghue nang malakas niyang nahila ang palakol, hindi nito inasahang mabilis niya itong makukuha! Tumingin sa ula psi Donoghue at tumawa ng malakas. “Mukhang kinilala nito ang kaniyang master dahil lang sa patak ng dugo at mabilis na itong makukuha!”Malamig itong tumingin kay Yumi. Paano nagtangka ang hayop na to na atakihin siya! Pero aksidente ang pagkatalsik ng dugo niya sa palakol dahil sa kaniyang pag-atake, Kundi ay hindi nito mabubuhat ang banal na sandata! Labis ang pagkasabik ni Donoghue; ramdam nito ang masamang kapangyarihang dala ng higanteng palakol. Mataas itong tumalon at lumipad sa ere.“Di katagalan ay ako na ang mag ha-hari sa mundo gamit ang banal na sandatang ito.“Ako ang magiging pinakamalaka