Napatahimik si Arianne sa sinabi ni Mark Tremont.Alam niyang kayang ihinto ni MarkTremont ang operasyon ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho...Nanatiling tahimik si Arianne, mas pinili niya na lang na umakyat sa kanyang kwarto. Humiga siya sa higaan habang blangko ang kanyang isip. Sa dining table, binaba ni Mark Tremont ang kanyang phone at wala siyang emosyon habang ang buong atensyon niya ay nasa kanyang pagkain. Hindi na niya pinansin ang sunod-sunod na text message na natatanggap niya. "Mary, ilipat mo siya sa kwarto ko."Napaisip si Mary, "Tama nga naman… tatlong taon kang nawala at si Ari ay natutulog pa rin sa kwarto niya. Pero dahil nandito ka na, kailangan niyong magsama sa isang kwarto. Sige, ako nang bahala."Sinabihan siya ni Mark Tremont. "Ayusin mo ang form of address mo kay Arianne.""Ay, oo nga pala. Nasanay kasi ako. Simula ngayon, madam na ang tawag ko sa kanya," nakangiting sumagot si Mary.Nililipat na ni Mary ang mga gamit ni Arianne, pero nagtaka
Read more