All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 131 - Chapter 140
7044 chapters
Kabanata 131
Nakita niyang naghubad ng damit si Darryl bago himiga sa sofa.“Ikaw!” Titig ni Megan sa kaniya pero wala na itong nagawa kundi bigyan ito ng unan at kumot dahil matutulog na ito sa kaniyang sofa.Samantala, nilabas naman ni Darryl ang kaniyang cellphone habang nakahiga. Mayroon siyang rason kung bakit niya napiling matulog doon.Malalim na ang gabi kaya kung ipipilit pa niyang umuwi, siguradong hindi nanaman makakatulog nang mahimbing si Lily. At maaari niya ring magising si Samantha na agad manenermon sa kaniya.Hindi nagtagal, naglakad si Megan palabas at tumuro sa sofa. “Dito ka matutulog ngayong gabi. Huwag kang gagawa ng kahit na ano at magagala kung saan saan.”Matapos magipon ng lakas ng loob para sabihin iyon, mabilis na naglakad si Megan papasok sa kaniyang kuwarto.Hindi nagtagal, ay lumabas siya muli rito hawak ang kaniyang mga damit at naglakad papunta sa kaniyang bathroom.Nagdalawang isip siya nang isasara na sana niya ang pinto at binigyan ng isang mabagsik na ti
Read more
Kabanata 132
Bakit parang niyayaya niyang makipagdate si Darryl sa gitna ng gabi sa mga sinabi niyang ito?Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing, “Hindi na kailangan, dadaanan ko na lang iyan sa iyo bukas.”Bahagyang nadismaya si Yvonne nang marinig niya ito at mahinhing sinabi na “Sige, hihintayin ko ang tawag mo bukas.”Naglakad na rin palabas ng banyo si Megan nang ibaba ni Darryl ang kaniyang cellphone.Kahit na nakasuot ito ng isang conserbatibong set ng mga pajamas, hindi pa rin nito naitago ang sexy niyang katawan.Mas lalo siyang ginawang attractive ng basa niyang buhok na nakasandal sa kaniyang mga balikat at sa mamula mula niyang mga pinsgi matapos ng hot bath na kaniyang ginawa kanina.Hindi siya maiwasang tingnan ni Darryl habang tuluyang naiintindihan ang kahulungan ng salitang “Kabighabighani”.Naramdaman ni Megan ang init mula sa tingin ni Darryl habang tumitingin dito at nagtatanong ng “Bakit hindi ka pa natutulog?”Ngumiti si Darryl at sinabing. “Hinihintay kita pa
Read more
Kabanata 133
Dahil sa lokasyon nitong nasa tabi ng dagat, naging kakaiba ang panahon sa loob ng Donghai City. Naging mainit ang panahon nito sa umaga at mabilis namang lumalamig sa gabi.Pero mayroong isang lugar kung saan palaging nagtitipon tipon ang mga tao anuman ang panahon sa loob ng Donghai City.Ang Pearl Pavilion.Tama. Marami ang mga stall sa corridor nito na nagbebenta ng mga antique. Nagtitipon tipon din dito ang napakaraming mga antique enthusiasts na nagbabakasakaling makakuha ng mga tira tirang antique na pupuwede nilang mapagkakitaan.Habang ang ilang mga tindero naman ng mga antique ay kasalukuyang mainit na nakikipagnegosasyon sa kanilang mga customer.Maririnig ang tunog mula sa sasakyan ni Darryl habang humihinto ito sa harapan ng Pearl Pavilion. Tiningnan niya ang mga nagtitida sa paligid at siniguro na walang kahit na anong antique na kinakailangan niyang mabili bago umakyat papasok dito. Kanina pa naghihintay si Yvonne sa kaniyang pagdating sa itaas na palapag ng Pearl P
Read more
Kabanata 134
Matapos ang ilang oras, pinunasan ni Darryl ang kaniyang pawis at itinago ang higit sa sampung mga antidote na kaniyang ginawa.“Niligtas mo talaga ang aming buhay, kuya Darryl.” Nakaramdam ng matinding pagpapasalamat si Skyler habang naluluhang hinahawakan ang mga antidote na ginawa ni Darryl.Nilabas nito ang isang pendant na gawa sa jade at sinabing, “Kuya Darryl, pagmamayari ito ng ng isang Master ng Grandmaster Heaven Cult. Kinakatawan nito ang pagkatao ng isang Master. Nagmamadali kaming umalis noong isang araw kaya hindi ko nagawang ipasa sa iyo ang pendant na ito. Itago mo po ito nang maigi. Dahil sa sandaling magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan sa kahit na sinong miyembro ng Grandmaster Heaven Cult, ipakita niyo lang po sa kanila ang pendant na ito at agad nilang malalaman na isa kang miyembro ng ating kulto.”Tumango rito si Darryl, itinago niya ang jade na pendant bago tapikin ang balikat ni Skyler at sabihing, “Dalian mo nang iligtas ang mga kasama mo.”Tumango rito
Read more
Kabanata 135
Isa lang naman itong outing kaya bakit ko pa kailangang bumili ng bagong damit?“Hindi ba ako puwedeng hindi sumama sa outing na iyan?” Tanong ni Darryl.Siguradong nandoon si Kent dahil ang pamilya Hough mismo ang nagorganisa sa outing. Ayaw na ayaw nang makita ni Darryl ang lalaking iyon.Tumitig si Samantha sa kaniya at sinabing “Sa totoo lang, hindi na ko mapipilitang isama ka sa kahit na anong social event ng mga upper class, pero si Lily na ang presidente ng ating mga kumpanya at ikaw ang kaniyang asawa kaya kinakailangan mong sumama roon.”Tumango si Darryl at sumagot ng. “Sige, bibili na ako ng bagong mga damit.”Nanlalamig namang sumagot si Samantha ng, “Mabuti kung ganoon. Humingi ka na lang ng pera kay Lily kung kulang ang pera mo pambili ng magandang damit. Huwag na huwag ka nang magsusuot ng mumurahin para lang ipahiya ang asawa mong si Lily.”Muling tumango rito si Darryl.Umalis na rin si Samantha sa kuwarto matapos siyang guluhin nang ilang beses.At noong umali
Read more
Kabanata 136
“Nakakahiya ka, hindi mo ba alam na tinatawag ka ng lahat bilang nakikitira kong asawa?” Nagblush dito si Lily, pero dali dali rin siyang humingi ng pasensya matapos nito, “Pasensya na, hindi ito ang ibig kong sabihin.”Hindi naman nagpaapekto rito si Darryl. “Walang problema, wala rin naman akong pakialam sa sinasabi ng iba sa akin. Ikaw din ang asawa ko kaya sa mga sasabihin mo lang ako maapektuhan.”Ngumiti si Lily at agad na hinila si Darryl para magshopping.Gustong gusto na niyang bilhan si Darryl ng isang magarang suit. Pero, sa tatlong taon nilang pagsasama bilang magasawa, nasanay na si Darryl sa pagsusuot ng mga mumurahin at hindi branded na mga damit. Napakakumportable ng kaniyang nararamdaman sa pagsusuot ng mga ito. Kaya matapos ang mahabang pakikipagnegosasyon, bumili si Darryl ng dalawang set ng mga branded ng damit pang alis.Magbabayad n asana si Darryl sa cashier matapos isukat ang mga damit nang pigilan siya ni Lily.“Hindi pa kita nabibilhan ng kahit na ano sa
Read more
Kabanata 137
“Anong naman ang tinatawa tawa mo riyan?”Agad na uminit dito ang ulo ni Justin. Itinuro niya si Darryl at agad na sumigaw.Alam niya na isa lang nakikitirang manugang si Darryl. Kaya paano magagawang magpakasal ng diyosang si Lily sa isang walang kuwentang lalaki na kagaya nito! Kahit na peke pa ang kanilang kasal, masyado pa rin itong unfair.Sobrang nagselos sa naisip niyang ito si Justin kaya agad niyang ibinuntong ang lahat kay Darryl at sinabing “Subukan mong tumawa ulit, sisiguraduhin kong mapupunit iyang bibig mo. Ano bang nakakatawa ha?”“Wala lang, napakasarap lang kasi pakinggan ng pangalan mo.” Sabi ni Darryl.Dito na nagsimulang ipronounce ng mga taong nasa kanilang paligid ang pangalan ni Justin matapos marinig ang mga sinabing ito ni Darryl. Justin Quinn, Just-In-Queen?Nakakatawa nga ito.Hindi na mapigilan pa ni Justin ang kaniyang galit matapos marinig ang tawag ng mga tao sa kaniyang paligid. Susugod na sana ito kay Darryl nang pigilan siya ni Lily. Mahinhin n
Read more
Kabanata 138
Tumitig sa kaniya si Megan, “Ayoko lang masira ang mood ng okasyong ito nang dahil lang dito. Kaya kung hindi ka pa rin titigil, huwag mo na akong isasama sa mga outing na pupuntahan mo.”“Sige, walang problema. Papakinggan ko ang mga sinabi mo,” Agad na sumagot ang nakangiting si Kent.Habang sumasagot kay Megan, napuno pa rin ng galit ang mukha ni Kent nang tumingin ito kay Darryl.“Ang kapal naman ng nakikitirang manugang na itong dumalo sa aming outing. Sisiguraduhin kong ikaw mismo ang magpapahiya sa iyong sarili mamaya!” Isip ni Kent. “Hello sa inyong lahat, maraming salamat sa inyong paghihintay.” Umabante si Edward Hough at nagsalita sa mikropono.Si Edward ang ama ni Ken, ang tumatayong pinuno ng pamilya Hough na siya ring nagorganize sa outing na ito.Naglakad siya palapit sa mga tao, tumingin sa paligid, inayos ang kaniyang lalamunan at sinabing “Naririto ngayon ang mga nakababatang miyembro ng ating mga pamilya. Alam ko namang alam niyo nang lahat ang ating rules sa
Read more
Kabanata 139
Isang bilyong dolyar, paano magagawang magdesisyon para rito ni William?Si Lily na ang pinuno ng pamilya Lyndon. At kahit na para lang sa katuwaan ang kompetisyong ito, hindi pa rin biro ang isang bilyong dolyar na pusta para makasali rito. At sa sandaling mawalan ng isang bilyong dolyar ang pamilya Lyndon, tuluyan nang mawawasak ang kanilang pamilya.Hindi na nakapagsalita ang nakangiting si William sa mga sandalig ito.Tumawa si Kent at sinabing. “Hindi pala kaya ng pamilya Lyndon na pumusta rito?” “ Isa lang naman itong laro kaya ano ang dapat na katakutan dito ng pamilya Lyndon? Akala ko si Darryl lang na isang nakikitirang manugang ang nagiisang duwag sa pamilya Lyndon. Hindi ko naman inakala na kasing duwag niya pala ang buong pamilya Lyndon. Maging si William ay isa rin palang duwag. Haha!”Agad na nainis si William matapos marinig ang mga sinabing ito ni Kent “Bakit nga ba ayaw ng pamilya Lyndon sa sumali rito?”Paano siya magagawang maliitin ni Kent? Siya ang pinakamatan
Read more
Kabanata 140
Mula noong itakwil siya ng kaniyang pamilya, matagal tagal na nanatili si Darryl sa puder ng pamily Lyndon kaya nagawa niyang matutong lumangoy nang magisa, ito ang naging dahilan ng mga awkward strokes na kaniyang ginagawa sa mga sandaling ito.“Haha, tingnan ninyo ang manugang ng mga Lyndon. Nagagawa niya pa ring lumangoy gamit ang doggy style?”“Oo nga, doggy style nga ang ginagawa niya. Nakakatawa!”Dito na nagsimulang tumawa ang ilan sa mga babae.Galit na napakagat sa kaniyang labi si Lily nang marinig niya ang tawanan sa pampang. At nang makita niya ang estilo ni Darryl sa paglangoy, agad din niyang naramdaman na weird ang ginagawang ito ni Darryl.Mahahalata namang hindi pa nakakatanggap si Darryl ng kahit anong professional swimming lessons noon, pero naging confident siya kanina noong kausapin niya si Lily. Kahit hindi siya naging mabagal, siguradong hindi sapat ang kaniyang bilis para manalo sa karerang ito. At ang sinumang matatalo sa karerang ito ay siguradong mawawal
Read more