All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 281 - Chapter 290
7044 chapters
Kabanata 281
Walang pinagsabihan na kahit sino si Katherine na bumagsak siya ng dalawang level at naging isang Level Four Master General na lamang. Kaya paano ito nalaman ni Darryl.“Ms. Katherine,” Tawa ni Darryl habang dahan dahang nagsasalita. “Gaya ng sinabi ko kahapon, mayroong issue ang Spirit Petrification Elixir na ibinigay ni Declan sa inyo kahapon. Pero sa kasamaang palad, walang kahit na sino ang naniwala sa akin.”Hindi naman ito sinagot ni Katherine, ninenerbiyos niyang kinagat ang kaniyang labi. Dahil nga ba talaga ito sa Spirit Petrification Elixir?“Kung hindi ako nagkakamali, babagsak ka ng dalawa pang level sa bawat sumunod na araw,” nagpatuloy si Darryl sa pagsasalita. “Ayon sa kasalukuyan mong level, magiging isang ordinaryong tao ka na lang sa loob ng isang linggo.”Dito na nagdilim ang itsura ni Katherine. Agad na nagpakita ang takot sa kaniyang mga mata habang nanginginig ang kaniyang mga labi.Naghirap siya nang husto para maging isang Level One Master Marquis. Nagawa p
Read more
Kabanata 282
Kasalukuyang nagmemeditate ang Abbess Mother Serendipity sa bakuran ng tinutuluyan nilang mansyon nang maglabas ito ng isang napakaganda at napakalakas na aura sa mahaba at kulay puti niyang dress.Habang isa namang imahe ng tao ang mapapansing nakasilip at malademonyong nakangiti sa pintuan papasok sa bakuran. Ito ay walang iba kundi si Florian Darby.Mula noong tumuloy ang nagagandahang mga tagasunod ng Emei sect sa masyadong katabi ng tirahan ng mga Darby, umasa na si Florian na magkakaroon siya ng isang hindi makakalimutang sandali kasama ng mga ito. Pero madalang lang lumabas sa kanilang mansyon ang Abbess Mother Serendipity at ang ibang mga tagasunod ng Emei sect. Madalas na tumatambay ang mga ito sa bakuran ng tinutuluyan nilang mansyon.Hindi nagawang suwayin ni Florian ang utos ng kaniyang lolo kaya tumayo lang siya sa bakuran para tingnan ang mga babaeng ito. Dito na biglang pumasok sa kaniyang isipan ang isang ideya.Napansin ng Abbess Mother Serendipity si Florian at si
Read more
Kabanata 283
“Anong magnanakaw?” Nacucurious na tanong ni Yvonne habang naririnig ang mga bungisngis ng magkapatid na Palmer.Ngumiti si Daisy at sinabing, “Hindi mo ba nabalitaan, Yvonne? Nagnakaw si Darryl ng cellphone kahapon. Mas maganda kung lalayo ka na sa magnanakaw na iyan.”Ngumiti naman si Yvone at hindi naniwala sa kahit isang salita na sinabi ng mga ito. Nagnakaw si Darryl ng cellphone? Ito ang pinakanakakatawang bagay na kaniyang narinig.Magagawa niyang mamuhay ng kumportable sa buo niyang buhay gamit ang kaniyang kakayahan sa pagsusuri ng mga antique at artifact. Kaya bakit naman niya magagawang magnakaw ng mga phone?Hindi naman pinansin ni Darryl si Daisy, finocus niya ang kaniyang sarili sa pagtingin sa piraso na ito ng jade.“Mayroon itong nakaukit na isang imahe ng foreigner na tumutugtog ng isang musical instrument. Kung tama ako, nagmula ito sa pagukit na ginawa nila sa jade na ito. Isang kayamanan ang jade na ito, masasabi ko na nagkakahalaga ito ng nasa isa’t kalahating
Read more
Kabanata 284
Si Xavier King ay isang Level Five Master General mula sa Kunlun sect.Ang pinakamalaki niyang problema ay ang pagiging isa niyang manyak. Uhaw siya sa mga kababaihan. Agad niyang napansin sina Lily at Yvonne sa unang araw ng kanilang klase kaya sinubukan niyang mapalapit sa mga ito.Hindi siya natuwa sa pagiging malapit ng dalawang ito kay Darryl, kaya agad niyang binato ito ng bola nang walang pagaalinlangan.“Pasensya na, nadulas sa kamay ko ang bola kanina!” Ngiti ni Xavier.“Ok lang,” walang pakialam na sinagot ni Darryl.Kinuha ni Xavier ang bola at bumalik na sa court.Nagpatuloy si Darryl sa kaniyang pakikipagusap kay Circe. “Sige, pagusapan natin kung saan tayo kakain mamayang uwian.”Ililibre siya ng belle ng school kaya isang kamangmangan ang pagtanggi rito.Habang paalis si Circe, tahimik itong nagbunyi sa kaniyang sarili, pero hindi niya ito ipinakita sa kahit na sino. Pinanatili niya ang nanlalamig niyang itsura.Ipinulupot ni Lily ang kaniyang braso sa braso ni
Read more
Kabanata 285
Agad na tumigil sa pagsuntok si Xavier. “Oh, Ms. Katherine,” Tumawa siya habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Katherine. Napakacharming talaga nito, mas lalo pa siyang naging attractive sa pagkamature na kaniyang ipinapakita.Nakahinga na rin nang maluwag si Lily. Mabuti na lang at dumating sa tamang oras si Ms. Katherine. Dahil kung hindi, siguradong makakatanggap ng pambubugbog mula rito si Darryl.Sabagay, isa pa ring teacher si Xavier. Kaya paano magagawang lumaban ni Darryl dito?Sumimangot si Katherine at sinabing, “Mr. Xavier, ano ang ginagawa ninyo rito?” Tanong niya.Pinanood niya nang maigi ang mga susunod na mangyayari.“Wala naman, nagbibiruan lang kami rito.” Malakas na tawa ni Xavier.Mahahalatang hindi sa kaniya naniwala si Katherine. “Nakita ko ang buong pangyayari. Mr. Xavier, bilang isang PE teacher, paano mo nagawang mangbully ng iyong mga estudyante?” Nanlalamig nitong akusa.Kinamumuhian din ni Katherine si Xavier. Kilalang kilala ng manyak niyang pag
Read more
Kabanata 286
Huminga nang malalim si Katherine bago magpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Ang posibilidad na mamaster mo ang mga manual na ito ay nasa 1:1000 lamang. Kaya huwag ka sanang umasa nang husto na mamaster ang mga manual na ito sa una mong pagkakataon na maaccess ang mga ito.”Gaano nga ba ito kahirap?Sumimangot si Darryl at sinabing. “Kailan po ako puwedeng pumasok dito, Ms. Katherine?” Tanong ni Darryl.“Puwede na kitang dalhin doon ngayon,” sagot ni Katherine.Hintayin niyo po muna ako rito, Ms. Katherine,” Putol ni Darryl sa sinasabi ni Katherine. Agad siyang tumakbo papunta kay Circe nang may mukhang humihingi ng tawad.“Pasensya ka na talaga, Circe,” Humingi siya ng tawad dito, “Mayroon kasing ipinapagawa si Ms. Katherine kaya mukhang hindi ako makakapunta mamaya. Puwede ba natin itong gawin sa ibang araw?”Masyadong nakakasabik ang pagkain kasama ang isang napakagandang babae, pero sino nga ba ang mas makakatiis sa oportunidad na imaster ang mga manual mula sa anim na mga ort
Read more
Kabanata 287
PURE ENERGY SCRIPTURE.Mukhang malakas ang pangalan nito! Masayang cheer ni Darryl. Hindi na niya matiis ang kaniyang sarili na buksan ang manual ang magbasa ng ilang mga sentence na may nagliliitang mga salita sa una nitong page.“Ang Pure Energy Scripture ay nagmula sa Shaolin sect na ginawa ni Bodhidharma. Isa itong masterpiece ng Internal Energy.”“Internal Energy? Hindi bai to tungkol sa matitinding kakayahan o technique sa pakikipaglaban?”Kahit na ganoon, nagpatuloy pa rin siya sa paglipat sa mga pahina ng libro hanggang sa matuwa siya sa ginagawa niyang pagbabasa.Mukhang hindi ito isang ordinaryong Internal Energy book. Detalyadong sinasabi rito na sa sandaling mamaster ng isang cultivator ang nilalaman ng manual na ito, ang pagkapuro ng kaniyang internal energy ay agad na magiging walang kapantay. Nangangahulugan lang ito na sa sandaling mamaster ni Darryl ang Pure Energy Scripture, madali nilang mahihigitan ang lakas ng iba pang mga kalevel nilang cultivator.Dito na n
Read more
Kabanata 288
Napahiya rito si Grandma Lyndon.“Ma, tama na…” Mahinang pakiusap ni Lily.Nagpatuloy si Lily sa pagsasalita, “Grandma, anong klase ng tulong ang gusto po ninyong ibigay ko sa mga kumpanya ng ating pamilya?”Dito na tumingin sina Grandma Lyndon at William sa isa’t isa. “Lily, kung mabibigyan mo kami ng pera na makatutulong sa mga kumpanyang hawak natin na bumangon, nagpapasalamat na kami sa iyo,” ngiti nito.Agad namang nagdagdag dito si William ng, “Bibigyan ka naming siyempre ng ilan sa mga shares ng mga kumpanyang hawak namin.”Nanatili namang tahimik si Lily habang nagiisip nang malalim.Habang si Samantha ay nagpapatuloy sa kaniyang mga pangiinsulto. “Ang kakapal ninyong dalawa! Nakalimutan niyo na bang siya ang tunay na mayari ng mga shares na iyon? Ninakaw niyo ito sa kaniya. At ngayong nawalan na kayo ng pera, nagawa niyo pa ring tumakbo sa amin para humingi ng tulong.”“Ma, tama na!” Nagagalit na sinabi ni Lily na tumapos sa kaniyang katahimikan. Tumingin siya kay Grand
Read more
Kabanata 289
Siyempre, alam ni Darryl na mapupuno ng tao ang Atlantic Street. Kaya paano naging posible na nagawang ibook ni Paul ang buong street na iyon?Dito na nagring ang kaniyang cellphone. Nagmula ang tawag na ito kay Lily.Agad na nagtanong si Lily ng, “Darryl, nakalabas ka na ba sa library?”Naglalakad si Lily sa Atlantic Street nang maisipan niyang tawagan si Darryl. Hindi niya inasahan na sasagutin siya nito! Tumawa naman si Darryl habang naririnig ang ingay ng mga tao sa paligid ni Lily. “Oo, nasaan ka ngayon?” Sagot nito.“Nasa Atlantic Street ako ngayon kasama sina Jade at Phoebe. Napakarami ng tao rito! Hanapin mo na lang kami!” Umaasang sinabi ni Lily.Paano nga ba makakatanggi rito si Darryl? “Sige! Hintayin ninyo ako!” Sagot nito.Ibinaba ni Lily ang tawag at agad na napuno ang kaniyang mukha ng saya. Napatalon siya matapos malamang makikita na niyang muli si Darryl matapos ng isang maiksing sandali!Hindi na halos nakarationg sa Atlantic Street ang taxi na sinakyan ni Darr
Read more
Kabanata 290
Dito na nakaisip ang manghuhula ng isang solusyon. “Simple lang ang pagsira sa kamalasan mong ito,” paliwanag ng manghuhula. “Pumili ka lang ng magandang araw para magpakasal.”Magpakasal?Natigilan dito si Megan, at pagkatapos ay agad niyang narealize ang isang bagay na nakapagpablush sa kaniya.Nagpatuloy naman ang manghuhula sa pagsasalita, “Narealize ko rin na ang lalaking nasa tabi mo ay mayroong elemento ng tubig. Bagay na bagay kayo sa isa’t isa! Magkasintahan kayong dalawa tama?”Nagblush ang mukha ni Megan habang tumatango.Tumawa naman dito ang manghuhula habang hinahampas ang kaiyang hita. Nagkunwari siyang nagkakalkula gamit ang kaniyagng mga daliri habang sinasabing, “Magaling! Sa loob ng anim na buwan, mayroong dalawang magagandang araw para sa iyong pagpapakasal. Kinocongratulate ko na kayo ngayon pa lang!”Dito na nakahinga nang maluwag ang manghuhula. Nagawa na rin niya ang kaniyang misyon.Dito na ngumiti nang husto si Kent. Ginamit niya ng pagkakataong ito par
Read more