All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 341 - Chapter 350
7044 chapters
Kabanata 341
Dinabog ni Evelyn ang paa niya at naiinis na sinabi, "Anong gusto mo? Magmakaawa ako sayo? Mangarp ka!" Hmph. "Hindi naman na mahalaga yun, maghanap kla nalang ng ibang gagawa sayo ng pill. Mauna na ako." Dire-diretsong naglakad si Darryl palabas ng villa pero noong malapit na siya sa pintuan, bigla siyang pinigilan ni Circe. "Darryl, wag ka ng magalit. Kailangan talagga ni Evelyn ang pill na 'to." Pagmamakaawa ni Circe. Natawa si Darryl dahil kabisado niya kung paano sosolusyunan ang problema ni Evelyn. Alam niya na dahil sobra sobra ang Yin energy at kulang naman ang Yang energy nito kaya grabe mag dysmenorrhea si Evelyn, at ang Yang Pill lang ang solusyon sa problema nito. Sinusubukan niya lang ito pero noong hindi ito umimik, nawalan siya ng gana at napagdesisyunan niyang umalis nalang. "Nagmamakaawa ako para sa kaibigan ko, okay lang ba?" Sobrang kinabahan si Circe noong nakita niyang desididong umalis si Darryl kaya nagmakaawa siua, "Parang awa mo na, nagmamakaawa a
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 342
Ang unang pill ay ang Yang Phil na kakailanganin ni Evelyn, at ang dalawa pang pill ay ang tinatawag na Mixture Pill at Blooming Pill galing dun sa mga inredients na kinuha niya kanina. Ang dalawang pill na yun ay matatawag na kakaiba at espesyal. Habang masayabang sinisilip ni Darryl ang mga pill sa bulsa niya, may naramdaman siyang malakas na enerhiya kaya dali-dali siyang lumingon at laking gulat niya sa tumambad sakanya. Isang maliit na kalbong monk, na base sa tantsa niya ay nasa 1.5m lang ang tangkad ang naglalakad papalapit sakanya. Mukhang mainit ang ulo ito at kitang kita ang prominenteng itim na Scorpio sa kalbo ang nakatattoo sa kalbo nitong anit. Ano? Tattoo sa anit? Kahit na nakakatawa ang itsura nito, lamang pa rin ang enerhiya nito na ramdam na ramdam niya kaya sigurado siyang hindi ito ordinaryong tao. "Sino ka?" Tanong ni Darryl habang nakatitig sa lalaki ng ilang segundo. Halata sa aura ng lalaki na isa itong high ranking cultivator. 'Isa ba 'to sa mga sec
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 343
Sa Elysian Island. Ngayong araw, medyo mas buhay ang aura ng isla dahil sa mga maliliwanag na ilaw. Gising si Darryl noong dinala siya dito ng monk pero dahil pinindot nito ang acupoint niya, hindi siya makagalaw o makapag salita. Nalaman na ba ng Cult Master ang tungkol sa pag'akyat ng Nine Dragons mastery? O nalaman na ng Cult Master ang relasyon niya sa kabit nito? Hay nako! Nakakabaliw naman 'to! Binuhat ng monk si Darryl habang nagtatago na wag silang mahuli ng mga nagpapatrol bago ito kumatok ng dahan-dahan sa isang pinto. Ito.... Hindi ba ito... ang kwarto ng kabit ng Cult Master? 'Cult Mistress, nandito na po siya." Magalang na pag report ng monk. "Pasok." Isang mahinahong boses ang sumagot mula sa loob ng kwarto, Dinala ng monk si Darryl papasok sa kwarto at inilaglag siya sa sahig saka ito umalis. 'Bwisit! Hindi mo ba ako mailapag ng medyo mas dahan-dahan?' Sabi ni Darryl sa sarili niya dahil kanina pa siya binabalbag ng monk na ito. Nagtingin-tingi
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 344
'Inlove ba siya sakin?' Tanong ni Darryl sa isip niya. "Oo naman, hindi ko nakakalimutan ang misyon na binigay mo sa akin. Pumasok ako sa Hexad School bilang estudyante at naghihitay lang ako ng tamang panahon." Bakit ba kasi sobrang hirap na magnakaw sa principal? Ni hindi manlang niya nakita ang Cult Master kahit nasa iisang isla nalang sila! "Umaasa ako na may maririnig akong magandang balita mula sayo." Paulot ulit na tumungo si Darryl pero biglang bumagsak ang istura niya, "Cult Mistressm hindi po madali ang misyon na pinapagawa niyo. Alam niyo po ba kung ilang beses na po akong sumubok na pumasok sa principal's office? Pero wala po talaga akong napapala. Noong huling beses ko nga pong sinubukan, nahuli ako ng security guard at muntik pa akong mamatay sa bugbog! Nandito pa nga po yung mga sugat na natamo ko oh." "Ang talino ko talaga. Sigurado ako na makukuha ko siya sa drama ko na 'to. Kagaya ng inaasahan, nabakas sa mukha ni Monica ang panic at dali-dali itong lumapi
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 345
Kumaway ang Cult Master at naglakad papunta sa kama at umupo dito. "Bigla akong nagising at natakot ako kaya pinuntahan kita. Haha!" Mula noong makasal si Monica sa Cult Master, wala itong ginwa kundi ang alagaan at mahalin siya. Ibinibigay nito ang lahat ng gusto niya wag lang ang pakikipag siping kaya lahat ng mga tagapaglingkod ay sobrang nirerespeto siya kagaya ng pagrespeto ng mga ito sa Cult Master dahil kapag nahuli ang mga ito na binabastos siya ay mapaparusahan na pwede pang umabot sa death penalty. Pero kabaliktaran ang nararamdaman ni Monica sa Cult Master dahil hindi talaga siya masaya mula noong pinakasalanan siya nito at nakulong sa isla. Kumuha si Monica ng isang tasa ng tsaa para sa Cult Master, pero bago niya ito ibigay ay dahan-dahan niya muna tong hinipan kasabay ng isang tanong, "Gusto ko lang sanang malaman kung paano kita napapasaya?" Tinapik ng Cult Master ang bakanteng pwesto sa tabi niya bilang senyales na umupo doon si Monica, at saka siya nakangiting
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 346
'Hindi ba yun yung pinapanakaw sa akin ng Cult Mistress?' Gulat na gulat si Monica at halos luluwa na nag mga mata niya habang nakatitig sa Cult Master. "Ano?" Ang Supreme Mystery Scripture ay ang librong pinapangarap ng lahat ng mga cultivator. Mayroong 7 volume ang set nito at iba-iba ang kulay ng bawat libro - pula, kahel, dilaw, berde, asul, indigo, at ube. Ayon sa mga pamahiin, may isang malaking sikreto raw na nakatago sa pitong libro na 'to. At kapag nakumpleto raw ang pitong libro, malalaman ng may-ari ang sikreto na pwedeng magbigay sakanya ng pambihirang lakas na wala sinuman ang pwedeng makapantay. "My dear, sino ba namang ayaw ng binigay nila? Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit parang biglang sobrang bait nila sayo para ibigay nila yun sayo?" Nagaalalang tanong ni Monica. Ngumiti lang ang Cult Master at kalmadong sinabi, "Wag ka ng magalala, darling. Hindi ko rin alam kung anong gusto nilang mangyari pero baka tanggapin ko nalang ang binigay nila ng walang
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 347
Kinabukasan, buhay na buhay ang isla ng Heaven Cult! Marami ring mga cultivator mula sa ibang mga lugar ang pumunta para makicelebrate ng kaarawan ng Cult Master. Ang Heaven Cult ay isang napakla makapangyarihang kulto, kaya maraming makakapangyarihang tao ang gustong panatilihin ang relasyon nila sa kultong ito. Mahigit isnag daang lamesa ang nakalatag sa main hall, pero napuno rin yun kaagad ng mga high-ranking cult na galing sa iba't-ibang lugar. Nakapwesto ang Dragon Throne sa pinaka gitna ng hall kaya kitang kita ng lahat ang Cult Master na mukha talagang makapangyarihan, samantalang nakaupo naman sa tabi nito ay ang Cult Mistress. Nakasuot si Monica ng long gown na kulay ube, at agaw pansin ang kagandahan niya. Si Darryl ang tinatawag na Elder Master kaya ang posisyon niya ay sumunod sa Cult Master at Cult Mistress. Nakaupo siya sa ibaba ng dalawa. Sa ibaba naman ni Darryl ay ang Apat na Guardian Kings. Ito ang kauna-unahang beses na nakita ni Darryl na kumpleto
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 348
'Ito ang pinaka matataas na spiritual pills, saan niya 'to nakuha?!' Sobrang saya ng Cult Master sa natanggap niya, "Haha! Ang galing galing! Sobrang maalalahinin mo talaga, Elder Master!" Sobrang espesyal ng dalawang pill! Nakangiti lang si Darryl, pero sa loob-loob niya ay sobrang nasasaktan siya kasi siya mismo ang gumawa ng mga pill na yun at sobrang espesyal pa ng mga ingredient na ginamit niya. Kung wala siguro yung mga espesyal na herbs sa villa ni Circe, malamang hindi niya magagawa ang mga pill na 'to. Pero wala naman siyang magagawa dahil kaarawan ngayon ng Cult Maste, lalo na at alam niyang kailangan niyang magpasikat sa Cult Master para magustuhan siya nito lalo. Pagkatapos niyang ibigay ang mga pill, sabay-sabay naman silang nag toast. Sa sobrang saya ng Cult Master, tinanggap niya ang lahat ng mga pinapainom sakanya. Maging si Monica ay naparami rin ng inom dahil minsan lang naman ito mangyari. Pagkalipas ng tatlong rounds.. Tinanong ng Cult Master si Monica,
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 349
Bakas sa mukha ng Cult Master ang lungkot nang tignan niya ng malapitan at pagkumparahin ang tatlo at sinabi, “ang volume na ito ay ipinadala sa akin ng Eternal Life Palace Sect. ano ang mali dito?” Maliban sa kulay nito, mukhang magkakamukha silang tatlo. Ngumiti si Darryl at nagpatuloy, “Maari ko bang tignan ang yellow volume?” Samantala, may pagdududang iniabot ng Cult Master ang volume sa kanya. Pagkatapos tanggapin ang volume, hinawakan ni Darryl ang cover at hindi mapigilan tumawa ng malakas. Sinabi niya na mahusay ang pagkakagawa sa replica. Subalit, kapansin-pansin na bago ang papel na ginamit. Naramdaman ni Darryl na mayroong kaunting bukol sa baba ng cover page habang binubuklat niya ito. “Maaring may nakatago rito” pag-iisip nito. Maya-maya, biglaan niyang napunit ang libro! Punit! Lahat ng tao sa hall ay hindi makapaniwala sa nakita nila, at halos hindi na makahinga ang mga ito habang pinapanuod siya! “Ano!? Na…napunit niya ang libro!?” Hindi na nakap
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Kabanata 350
Bwisit!Huminga ng malalim si Darryl. 'Haaaay, bakit ba kasi ako natatakot!' Noong sandali ring 'yun, may nilabas ang Cult Master. Laking gulat ni Darryl nang makita kung ano ito. Isa itong espadang kulay puti na may kakaibang mga pattern at kumukutitap kapag natatamaan ng ilaw. Sobrang kakaiba, at hindi maitatanggi na matatawag talaga itong piece of art! Bilang siya si Darryl, hindi niya napigilang magtanong, "Cult Master, ano po ito?" Ngumiti naman ang Cult Master at nagpaliwanag, "Ito ang tinatawag na Celestial Silkworm Armor. Ginawa ito ng isa sa ating mga sisipulo mahigit limang daang tao na ang nakakalipas. Gawa ito sa pinagsamang silk at metal kaya sobrang tibay nito. Kayang kaya ka nitong protektahan sa kahit anong sandata, at sigurado ako na kapag ginamit mo ito ay maliligtas ang buhay mo." Inabot ng Cult Master ang Celestial Silkwork Armor kay Darryl at sinabi, "Ingatan mo 'to."Puno ng galak at pasasalamat namang tinanggap ni Darryl ang regalo ng Cult Master.
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more