All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 361 - Chapter 370
7044 chapters
Kabanata 361
Napakuyom ng kamao si Florian.‘Patawad, Lolo. Hindi ko talaga gustong idonate ang bone marrow ko at wala akong ibang choice. Kung idododnate ko ang bone marrow ko ngayon, paano ko pamumunuan ang pamilya sa hinaharap?’ Iniisip ni Florian. “Lolo. Lolo?” Mahina niyang bulong.Walang reaksyon si Old Master Darby. Baka nakatulog ito.Pagkakita nito, naexcite at kinabahan si Florian. Nilock nito ang pinto mula sa loob at lumakad ito sa tabi ng kama.Huminga rin ng malalim si Yumi ng maraming beses bago naglakad sa may pintuan para siguraduhing walang nadaan. Kinuha ni Florian ang unan at idiniin ito sa mukha ni Old Master Darby. “Hmph...” Nagising bigla si Old Master Darby.Pero, isa nalang siyang ordinaryong tao ngayon at walang lakas na lumaban. Mas diniin ni Florian ang unan sa mukha nito. Hinayaan niyang magpumiglas ito ng di man lang natitinag. Pagkatapos ng ilang sandali, tumigil na ito sa paglaban at dumiretso na ang mga legs nito.Sobrang pawis ni Florian nung tinanggal
Read more
Kabanata 362
Huminga ng malalim ang doctor at malungkot na inanunsyo, “Old Master Sanders, ang kondisyon ni Young Master Sander ay hindi maganda. Tumagos ang espada sa katawan niya, maraming nawalang dugo sa kanya at sira ang mga organs niya. Kanina nung inooperahan ko siya, ang tanging nagawa ko lang ay pigilan ang pagdudugo at panandaliang mastabilize ito. Base sa pagkakatingin ko, isang araw nalang ang itatagal niya.”Parang nabiyak ang puso ni Old Master Sanders. “At… ano ang mangyayari pagkatapos nito?”Napayukom ng kamao si Darryl; pakiramdam niya ay napunta ang puso niya sa bibig niya.Nanatiling malungkot ang doctor. “Old Master Sanders, ginawa ko ang makakaya ko pero kailangan niyo na maghanda para sa libing.” Yumuko ito at naglakad papunta sa gilid.Parang tinamaan ng kidlat si Old Master Sanders. Nanginig ito at umatras ng ilang hakbang. “Ang darling ko!” Humagulgol si Nancy habang nanginginig.‘Paanong nangyari ito? Hindi na mabubuhay si Dax? Imposible! Imposible!’ Nasa isip ni D
Read more
Kabanata 363
Nakaramdam ng guilt ang doctor. Siya ang family doctor nila ng ilang taon pero hindi niya maligtas si Dax sa kritikal na pagkakataon.Ayaw sumuko ni Old Master Sanders, kaya nagtanong siya ulit, “Doctor, paano kung kayang harangan ang butas sa baga niya? Maliligtas ba ang apo ko?” ‘Pagharang sa butas sa baga...’ kinonsidera ito ng doctor pero umiling ito.Kung theoretical, pwede ito, masasagip si Young Master kapag nangyari ito. Pero, ang butas ay malaki at malalim. At kahit na advance ang mga kagamitan, hindi kayang harangan nito ang butas. “May paraan!” Sabi ni Old Master Sander, nagninigning ang mga mata nito. “May bagay na makakaharang ng butas.”“Ano ito?” sagot ni Darryl.Excited na sinabi ni Old Master Sanders, “Ten years ago, noong unang auction ni Roger, may binenta sila na tinatawag na Heart of the Ocean. Ang pill na ito ay kayang paggalingin ang sugat ng isang organ.”‘Heart od the Ocean?’ Ang mga mata ni Darryl ay nagkaroon ng pag-asa.Habang si Nancy ay tumigil n
Read more
Kabanata 364
Sa may Donghai City, may nangyari sa loob ng Adios cafe. Ito ay popular na cafe sa city. Kilala ito sa elegante nitong ambiance at fancy na dekorasyon. Kahit na mas mahal ang pagkain dito, paboritong dating spot pa rin ito ng mga rich kids, kahit na nagbabayad sila ng extrang thousand bucks para lang sa kape.Kadalasan, puno ang cafe ng customers pero tahimik ito ngayon. Kaunting mga babae lang ang nakaupo. Ang bawat isa sa kanila ay magaganda at mapapansin sila ng kahit sinong lalaking papasok sa cafe.Nirentahan ni Circe Newman at ng mga kaibigan niya ang buong cafe para lang magkape. Kahit na marami silang babae, si Circe pa rin ang pinakamaganda. Ngayon, nakasuot siya ng denim jeans at coffee brown jumper. Ang kumikinang niyang buhok ay hanggang balikat kaya nagmukha siyang sexy at charming. Sa tabi naman niya ay may babaeng burgundy ang buhok at kasing ganda din ito ni Circe. Ito ay si Evelyn Featherstone. Masayang nag-uusap ang mga babae sa loob ng cafe at natutuwa rin ang m
Read more
Kabanata 365
Napakagat labi si Circe habang iniisip si Darryl, ang sama ng loob niya rito. Inimbitahan niya kasi ito magdinner ng dalawang beses pero lagi itong may dahilan para hindi pumunta. Noong nakalipas na dalawang araw naman, inimbitahan niya rin ito sa villa para i-refine ang pills pero umalis ito nung kalagitnaan. Hindi siya tumutupad sa sinasabi niya!Sinabihan ni Circe si Evelyn, “Evelyn, patayin mo ito.”Ayaw niyang kausapin si Darryl.Pero, umiling si Evelyn at napangisi, “Bakit? Umalis siya nung isang araw! Naiintriga ako kung anong sasabihin niya.” Sinagot niya ang tawag at iniloud speaker ito.Pagkatapos sagutin ang tawag, sumigaw si Evelyn. “Bakit ka napatawag, douchebag?”Pinagpapawisan si Darryl. Magalang niyang tinanong, “Pwede ko bang malaman kung kasama mo si Miss Newman?”Tanging ang Heart of the Ocean lang ang makakasagip kay Dax. Kailangan niyang makuha ito kahit ano pa ang kapalit.“Wala siya rito,” cold na sagot ni Evelyn. Kailanman ay hindi nito ipinaliwanag kung
Read more
Kabanata 366
“Buwisit! Nahuli ako ng Heaven Cult sa kaniyang villa noong isang araw. Kaya mukhang galit pa rin siya sa akin!” Isip ni Darryl.“Ms. Newman, hihingi po sana ako ng pabor sa inyo. Puwede ko po kasi itong ikamatay,” Nagmamakaawang sinabi ni Darryl.Kahit hindi niya gaanon katagal nakilala si Circe, alam niyang mayroon pa rin itong mabuting puso sa ilalim ng nanlalamig niyang ugali. Dahil kung hindi, hinding hindi siya nito mapapatawad noong nakawin niya ang phone nito sa Oriental Pearl. “Puwede mong ikamatay?” Sagot ni Circe. Kumindat naman si Evelyn sa mga sandaling ito habang iniisip na kahinahinala ang ginagawang ito ni Darryl, “Tigilan mo na iyang arte mo Darryl! Alam ko namang gusto mo lang mapalapit kay Circe, tama? Huwag na huwag mong maiisip ang bagay na iyan, hayop ka! Umalis ka na rito at huwag mo nang sirain ang araw namin!” Gumaan ang pakiramdam ni Evelyn matapos sampalin si Darryl pero nainis pa rin ito sa ipinapakitang itsura ni Darryl sa mga sandaling ito. Hindi
Read more
Kabanata 367
Hindi naman nagpaapekto si Darryl sa ginagawang panloloko ng mga ito.“Seryoso ako rito, Ms. Newman. Pakusap, sabihin mo na sa akin kung magkano mo ito gustong ibenta? Kailangan ko ito para iligtas ang buhay ng isang tao!” Seryoso nitong sinabi. Dalawang oras na ang nakalilipas kaya hindi na alam ni Darryl ang kasalukuyang kundisyon ni Dax, o kung lumalala na ba ang mga sugat nito. “Para iligtas ang isang buhay? Kaninong buhay?” Simangot ni Circe. Pawis na pawis na nagpunta rito si Darryl at hindi na rin niya pinansin maging ang pagsampal ni Evelyn sa kaniya kanina na para bang nagpapanic sa isang bagay. “Kay Dax.” Sagot ni Darryl. “Dax Sanders?” Isip ni Circe. Mukhang seryoso si Darryl sa kaniyang mga sinabi. Ibinaba ni Circe ang kaniyang wine glass at agad na ibinigay ang kaniyang necklace kay Darryl. “Kung ganoon, kunin mo ito. Iligtas mo na muna siya, saka na natin pagusapan ang tungkol sa pera.”Buhay na ng tao ang nakataya rito! Kaya siyempre, kinakailangan niya ito
Read more
Kabanata 368
“Bakit ba napakahirap pakiusapan ng isang ito?” Isip ng galit na si Darryl.Gagawin niya ang lahat para iligtas ang buhay ni Dax. Kaya walang pagaalinlangan siyang yumuko sa harapan ni Evelyn at seryosong sinabi na, “Nagmamakaawa ako sa iyo, Ms. Evelyn. Ibigay mo na sa akin ang Heart of the Ocean.” Tiningnan siya ni Evelyn at nakangiting iniling ang kaniyang ulo. “Hindi, hindi pa ito sincere.” Hindi naman makapagsalita rito si Darryl. “Buwisit, bakit di ko na lang buksan ang puso ko at ibigay sa kaniya para lang makita ang sincerity ng mga sinabi ko!?”Nagiisip siya nang marinig niya ng magdemand si Evelyn ng, “Lumuhod ka at magmakaawa sa akin.” Nagdilim ang mukha ni Darryl habang hindi na mapigilan ng mga babae sa kaniyang paligid na tumawa nang malakas. Umupo silang lahat sa mga upuan habang hawak hawak ang kanikanilang mga kape at pinapanood ang mga susunod na mangyayari. Gusto sanang magsalita ni Circe pero wala siyang nagawa dahil sa pressure na ibinigay sa kaniya ng kaniy
Read more
Kabanata 369
“Dalian mo!” Sigaw ni Evelyn, nakahanda na ang kaniyang mga daliri para sirain ang necklace.Hindi naman na makapagpigil sa kaniyang sarili si Circe.“Tama na, Evelyn,” mahina nitong sinabi.Kahit na nadismaya siya ni Darryl nang dalawang beses at tumakas mula sa villa, mukhang totoo nga talaga ang kaniyang rason kung bakit niya nagawa ito. Pero naging mapagmatigas si Eveyln. Iniling niya ang kaniyang ulo at sinabing, “Circe, huwag ka ngang maawa sa mga lalaking katulad niya.” Ngumiti si Evelyn habang pinapanood ang nagpipigil sa kaniyang galit na si Darryl. “Ano na? Gusto mo akong labanan? Bibigyan kita ng tatlong segundo para hugasan ang paa ko, kung hindi ay tuluyan mo nang hindi makikita ang Heart of Ocean na ito.” “Three!” Nanlalamig na sinabi ni Evelyn. “Two!” Nanatili namang tahimik si Darryl, nanginig ang buo niyang katawan habang nilalabanan nang husto ang kaniyang galit. Siguradong ito na ang katapusan ni Dax kung hindi niya pagbibigyan ang gusto ni Evelyn. At sa
Read more
Kabanata 370
Alas kwatro na ng madaling araw nang magsimulang umambon sa labas ng mansyon na pagaari ng mga Sanders, dito na muling nakatulog nang malalim si Darryl. Pero sa pagkakataong ito ay paulit ulit siyang nanaginip hanggang sa may maramdaman siyang sumisipa sa kaniyang binti.Dito na siya biglang nagising, agad niyang nakita ang nakangiting si Dax na nakatayo sa pinto habang nakatingin pababa sa kaniya. “Darryl? Pinatatawa mo ba ako matapos mong magbantay sa akin na parang guwardiya? Haha!” Tawa ni Dax habang paliyad liyad sa kaniyang kinatatayuan. Dito na lumabas ang luha sa mga mata ni Darryl habang ginagawa ang kaniyang makakaya para huwag umiyak sa harap ni Dax. “Buhay siya. Buhay si Dax!” Isip ni Darryl. Agad siyang napatalon at napayakap nang mahigpit kay Dax. “Hayop ka. Bakit mo ako niyayakap!” Nandidiring sinabi ni Dax, pero hindi na niya mapigilan pa ang napakalaking ngiti sa kaniyang mukha. Sinuntok niya si Darryl sa dibdib at tumatawang sinabi na, “Oo nga, buhay ako! H
Read more