All Chapters of Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Chapter 51 - Chapter 60
3175 chapters
Kabanata 51
Halos hindi makahinga si Avery sa nakakasunog pero kalmadong titig ni Elliot. "Sinasabi mo ba ang tungkol sa pag-alis ko ng maaga sa recital ngayon?" nagsimulng magpaliwanag si Avery pagkatapos ng ilang pag-aalinlangan. "Tinext ako ng kaibigan ko at sinabi niya na gusto niyang magpakuha ng litrato kasama ka pagkatapos ng palabas. Nalaman kong hindi mo gustong magpakuha ng litrato sa hindi mo kilala, at ayokong ipaliwanag sa kanya kung bakit tayo magkasama.""Bakit hindi?" tanong ni Elliot, kasing lamig ng yelo ang boses niya. "Hindi magiging mabilis ang usapan, hindi ba? Tsaka, ikaw at ako ay sobrang iba sa isa't-isa. Hindi lamang sa katayuan sa buhay pero sa... edad din. Gusto mo pa bang sumama sa mga kaibigan ko? Maaring isip bata kami minsan... Hindi ba nakakainis kung guguluhin ka nila dahil sa relasyon natin? Hindi ba mas maayos na magkaroon ka ng kaunting bagay na dapat alalahanin?"Sa katotohanan, ang tunay na rason kung bakit hindi niya gustong kitain ni Elliot ang mga ka
Read more
Kabanata 52
Ang mga nilalaman sa ibaba ng pamagat ay maikli at simple, para kay Avery na hindi malaman kung paano eksaktong makakaalis sa kanyang sitwasyon kahit na anong isip niya tungkol dito. Mayroon lang itong isang pangungusap: [Ang diborsyo kay Elliot Foster sa pagtatapos ng taon kahit na anong mangyari.]Ang halo ng galit at pait ay bumalot sa mukha ni Elliot. Binabago niya ang kanyang sarili para sa ikabubuti, pero halos lumuhod pa siya sa impyerno para iwanan si Elliot.Ginawa niya ang dokumento sa gabi bago... Pinaglaruan niya si Elliot na parang tanga!Habang pinupuno niya ng pagpapanggap si Elliot ng mga regalo at mga salita, nagpa-plano niya siyang tumakas sa kanyang kwarto!Akala ni Elliot na iba si Avery, pero ang tanging bagay na iba sa kanya ay mayroon siyang mala-ahas na mukha!Ang mga tao sa punong pagpupulong sa Sterling Group ay pansin ay kakaibang kalagayan ni Elliot. Sa pagkakataon na tumapak siya sa silid ng pagpupulong, nakakunot na ang kanyang noo at malamig an
Read more
Kabanata 53
"Siguro ay tadhana ito," ani Chad. "Kawawa naman ang nakakabata kong kapatid," sagot ni Charlie."Patawarin mo ako sa pagiging prangka ko, Mr. Tierny," sabi ni Tierny. "Pambihirang babae si Chelsea, pero sa kabila ng buong taon na ginugol niya sa tabi ni Mr. Foster, hindi pa rin siya nahulog dito. Kahit na gumugol siya sa susunod na dalawampu, tatlongpung taon sa tabi ni Elliot... Hindi pa rin siya mahuhulog dito."Ang bakas ng malisya ay dumaan sa mga mata ni Charlie at sinabi niya, "Salamat sa paalala."Sa gabing iyon, dinala ni Elliot ang tagapamahala ng kompanya para sa hapunan. Pagkatapos 'non, dinala siya ni Ben para sa inuman. Ang lahat ay alam ang hindi magandang kalagayan ni Elliot, pero walang nakakaalam kung ano ang rason 'non. Nang nagsimula na ang kalasingan sa mga mata ni Elliot, kinuha ni Ben ang baso ng alak palayo sa kanya. "Wala ka pang sinabi ngayon. Hindi ba na nakakalugmok na itipon mo na lang 'yan sa sarili mo?" Sinabi ni Ben habang pinapalit ang baso
Read more
Kabanata 54
Naamoy ni Avery ang alak kay Elliot kasama ang kaunting amoy ng tabacco. Maya maya, napansin niya ang grupo ng kalalakihan sa likod ni Ben na kinukuha ang kanilang mga telepono at ina-anggulo ang kanilang mga kamera sa kanya. Malamang ay mga kasama ito nila Ben. Binigyan ng isang malakas na tulak ni Avery si Elliot, iyon ay dahil nag-aalala siyang matumba si Elliot, inabot niya ito at hinawakan ang kanyang braso. Nang makita ito, nagmadali ang driver sa pagtulong, at ang dalawa ay pinwesto si Elliot sa likuran ng kotse.Nang maikulong ni Avery si Elliot, pinasa sa kanya ng driver ang isang bote ng tubig."Para po iyan kay Mr. Foster, Madam," sabi ng driver. Namula agad ng sobra ang pisngi ni Avery. Agad niyang kinuha ang bote sa tabi ng braso ni Elliot at tinanong, "Gusto mo ng tubig?"Pikit ang ang kanyang mga mata at mahigpit na nakakunot ang mga kilay na parang wala siya sa kumportableng mundo. Hindi siya sumagot sa tanong niya. Hindi sigurado si Avery kung hindi
Read more
Kabanata 55
Ang malamig at simoy ng hangin ng gabi ay pumasok sa sasakyan, dinadala ang buhok ni Avery at kinakalma ang kanyang mga ugat. Sinabi ni Elliot na hindi lang siya ang para sa kanya. Doon pa lang, nakita niya na kapag mas naging masigasig pa siya sa kanilang paghihiwalay, may posibilidad na papayag din siya kalaunan. Ang pagkabalisa na naramdaman niya ay napawi sa ginhawa sa nakakaaliw na pag-iisip. Nang makarating sila sa mansyon, si Mrs. Cooper at ang driver ay tinulungan si Elliot na makalabas sa sasakyan. Nakita ni Avery na inaasikaso naman siya ng maayos kaya tahimik siyang bumalik sa kanyang silid. Hindi ganoon katagal bago magpakita si Mrs. Cooper sa kanyang silid at sinabi, "Hindi pinapayan ni Master Elliot na hawakan siya kahit nino, Madam. Siguro ay subukan niyo po! Kailangan niyo lang po punasan ang kanyang mukha at tulungan siyang palitan ang mga damit niya."Punasan ang mukha niya at palitan ang mga damit?Walang pagtatanggi si Avery kung nasa hindi aktibong ka
Read more
Kabanata 56
"Pwede bang itigil mo na yang pagpapanggap na parang beybi," sabi ni Avery sa mahina at malumanay na boses habang pinupunasan ang mukha ni Elliot. "Sa tingin mo ba gusto kitang alagaan ng ganito? Ang baho mo. Amoy alak ka.. Hindi ba’t sobrang linis mo? Pakitang tao lang ba lahat nang iyon? Hindi ako magsasayang ng oras na tulungan ka kung hindi pa rin gumagaling ang mga paa mo." Ang tunog ng kanyang boses ay nagpakalma sa paghinga ni Elliot, at siya ay dinaig ng isang biglaang bangsakang antok. Parang hypnotic lullaby ang boses niya. Nang matapos na punasan ni Avery si Elliot, hinila niya ang mga saplot sa kanya at isinilid siya. Nang maglinis siya sa banyo at bumalik sa kwarto, mahimbing na ang tulog nito. Sa wakas ay nagpakawala siya ng malaking buntong- hininga. Umupo siya sa gilid ng kama at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Ang memorya ng kung paano ang kanyang bawat kilos ay sinusubaybayan at naitala ng mga surveillance camera sa unang tatlong buwan na siya ay
Read more
Kabanata 57
Hawak ni Tammy ang menu. Sumulyap siya kay Jun at sinabing, "Medyo masikip ang suot mo ngayon, ibig sabihin ba niyan gusto mo ang mga lalake. Oo naman, hindi ko naman masabi na hindi mo gusto ang mga lalaki. Nirerespeto ko naman ang sekswal na oryentasyon” Halos mabulunan si Jun sa kanyang tubig. "Masyadong mali ang pagkakaintindi mo, Miss Lynch. Straight ako. Sobrang straight." "At hindi ako promiscuous gaya ng iniisip mo." "Sige! Magsimula tayong muli" sabi ni Jun sabay abot ng kamay niya para makipagkamay. Upang malaman ang tunay niyang intensyon para kay Avery, nakipagkamay si Tammy. Nang maka- order na sila ng kanilang pagkain, nag -usap silang dalawa tungkol sa kung ano- ano at iba pang mga bagay. Makalipas ang isang oras at ilang alak, gumuho ang mga panlaban ni Jun at nagsimula na siyang mag-ramble. "Mayroon akong kaibigan na nagmamadaling nagpakasal. May nararamdaman siya para sa kanyang asawa, ngunit natatakot siyang ipakita ito. Noong nagkaproblema siya kam
Read more
Kabanata 58
"Si Miss Avery Tate ba ito?" Ang mababa at malalim na boses sa kabilang dulo ay mainit at magalang. "Oo, at ikaw?" tanong ni Avery. "Kumusta, ako si Charlie Tierney mula sa Trust Capital. Nakuha ko ang iyong numero mula sa departamento ng HR ng iyong kumpanya. Gusto kong magmungkahi ng pakikipagtulungan," sabi ni Charlie. "Trust Capital?" "Tama. May oras ka bang makipagkita ngayon? Malapit ako sa opisina mo ngayon," sabi ni Charlie sa maalab at sinsero na tono. Matapos ang ilang sandali ng pagsasaalang- alang, tinanggap ni Avery ang kanyang imbitasyon. Sa sandaling nagpasya sila sa isang punto ng pagpupulong, tinawag niya ang HR manager sa Tate Industries. "Kilala mo ba si Charlie Tierney mula sa Trust Capital?" "Siya ay isang magaling na investor. Ang Trust Capital ay isa sa sampung malalaki at magandang investor na bangko , kaya hindi na ako nag atubiling ibigay ang iyong numero noong kinukuha niya kanina,” sagot ng HR manager. "Okay kuha ko," sabi ni Avery. "K
Read more
Kabanata 59
"Nabalitaan ko na hindi ka interesado sa pagbebenta, kaya hindi ko sasabihin iyon," sabi ni Charlie. Nagpasya siyang putulin na at dumiretso na sa kanyang punto at sinabing, "Gusto kong maging shareholder." Agad na nagningning ang mga mata ni Avery. "Seryoso ka ba dito, Mr. Tierney?" tanong niya. "Oo naman, ako pa. Subalit, may dalawang bagay lang ako na kailangan nating pag usapan bago natin lagdaan ang mga kontrata," sabi ni Charlie habang naglalabas ng isang dokumento. "Ito ay isang panukala na pinagsama -sama namin ng aking koponan. Hindi magtatagal ang Tate Industries kung magpapatuloy ito sa kasalukuyang kurso. Nagpapatakbo kami ng isang negosyo, hindi isang kawanggawa. Una, ang kita lamang ang makakasiguro sa pagpapanatili ng isang kumpanya sa katagalan." Inilabas ni Avery ang dokumento mula sa folder at halos sinala ito, at sinabing, "Maaari ko bang ibalik ang panukalang ito at talakayin ito sa aking team, Mr. Tierney?" "Syempre." "Salamat," sabi ni Avery sabay
Read more
Kabanata 60
"Ganun ba kahalaga si Avery?" Tanong ni Jun na bahagyang nabigla. "Ganon siya kahalaga dahil asawa ko siya," sabi ni Elliot habang namumuo ang malamig na lamig sa kanyang mga mata. "Kung hindi siya kasal sa akin, si Charlie Tierney ay hindi mag-aabala sa alinman sa mga ito." Lalong naguluhan si Jun kaysa kanina. "Kung gusto niyang ibigay kay Avery ang pera, hayaan mo siya! Hindi ba't ito lang ang nagbabato sa kanya ng libreng pera?" "Asawa ko siya!" Putol ni Elliot. "Oh, okay okay nakuha ko na... Anong plano mong gawin? Dagdagan ang offer natin? Siguradong sasama siya sa offer ni Tierney kung hindi tayo." "Hindi kinakailangan." "Kung ganoon nga, bakit ka ba nagagalit?" Kitang- kita ni Jun sa tono ni Elliot na kung saan-saan na ang kanyang emosyon. Nais ni Elliot na makuha ang Tate Industries upang si Avery ay makalaya sa utang at problema nito. Nasa kolehiyo pa siya, at kulang siya sa kaalaman at karanasan pagdating sa pagpapatakbo ng isang kumpanya. Mas mabuti
Read more