All Chapters of Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Chapter 81 - Chapter 90
3175 chapters
Kabanata 81
Si Tammy ay mapusok na nagpadala ng senyales sa mga mata ni Avery ngunit ang iniisip lamang ni Avery ay ang relasyon ni Elliot at Jun."Miss Tate, ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa iyo na kilala ko si Elliot dahil ayokong makaramdam ka ng pagkabalisa," nagsimulng ipaliwanag ni Jun ang kanyang sarili nang may ngiti. "Hindi talaga kayo nagkakasundo bago ito mangyari. Hindi ko gustong itago ito mula sa iyo... Gusto ko talagang ibigay ang kompanya ng iyong ama."Ginalaw ni Tammy ang kanyang telepono sa lamesa at nagpadala ng mensahe kay Avery. Tammy: [Huwag kang makinig sa kanya, Avery! Si Elliot Foster ang bumili ng Tate Industries! Si Elliot Foster!]Sumulyap si Avery sa kanyang telepono na nasa lamesa at binuksan ang mensahe. Binasa niya ito at malamig na tumitig kay Jun. "Sinabihan mo ba si Elliot tungkol sa pagiging interesado sa kompanya ko?" tanong niya. Ang mainit na ngiti niya ay nanatali sa kanyang mukhang habang sinabi, "Oo. Nagtanong ako ng kanyang opinyon at s
Read more
Kabanata 82
Kung mababalik niya lang ang oras, hindi babaguhin ni Ellior ang isang bagay. Hindi siya perpekto. Ang hitsura ni Avery sa kanyang buhay ay kung ano ang nagpasya sa kanya na subukang mag-husga, suriin, at iwasto ang kanyang sariling pag-uugali.Kung hindi ito para sa kanilang patuloy na pakikipaglaban at hindi pagkakaunawaan, ang kanyang damdamin para sa kanya ay hindi ito malalim na nakaugat sa kanyang puso.Naabutan ni Tammy si Avery sa labas ng restaurant at hinawakan ang braso niya."Hindi ako makapaniwala na kasal ka kay Elliot Foster, Avery! Ito ay napakalaking balita!" Bulalas ni Tammy habang ang kanyang ulo ay kumalas mula sa kaguluhan ng mga kaganapan sa gabi.Si Avery, sa kabilang banda, ay naramdaman na mayroong isang bukol na natigil sa kanyang lalamunan."Nakita mo ito sa iyong sarili. Naguguluhan lang siya sa akin.""Sinabi ni Jun na gusto lang niyang tulungan ka ngunit napahiya din tungkol dito," sabi ni Tammy.Hindi niya inakala na ang mga bagay ay hindi maga
Read more
Kabanata 83
"Gusto ko talagang ibalik ang oras, Ma," bulong ni Avery. Wala akong pakialam kung mahirap tayo.""Kahit na anong mangyari, hindi solusyon ang paglalayas," sinabi ni Laura habang nakaupo sa tabi ng kanyang anak. "Kung gusto mong hawakan ang kompanya ng papa mo, bitawan mo na ito. Hindi palaging mgiging oportunidad na gumawa ng pera pero hindi mo dapat kalimutan ang iyong pag-aaral."Sumulyap si Avery sa kanyang ina at dahan-dahang hinaplos ang kulubot sa kanyang mukha, at sinabi, "Hindi ako maglalayas. Pagod lang ako.""Magpahinga kung napapagod. Kumain ka na ba ng hapunan?"Umiling si Avery."Hayaan mong ipaghain kita," sinabi ni Laura tapos ay naglakad siya patungo sa kusina. Alas otso ng gabi, pumunta si Avery sa kanyang kwarto para magpahinta habang tinatapon naman ni Laura ang basura. Nagsimula nang umulan, Hindi ito mabigat, ngunit ito ay isang palaging pag-agos.Hindi maabala si Laura na lumakad pabalik sa itaas upang kumuha ng payong, kaya't pinaputukan niya ang ula
Read more
Kabanata 84
"Paano naman ako?" sinabi ni Avery habang nilalagay ang baso ng tsaa sa kusina tapos ay bumalik siya sa kanyang silid. "Hindi niya ako nirespeto, hindi kahit isang araw.""Magkaiba ang mundo niyong dalawa. Naiintindihan ko kung ganoon siya makaasta sa'yo," sinabu ni Laura. "Kalimutan mo na ang nakaraan. Ituon mo lang ang pansin mo ngayon at kung ano siya sa pagdating ng panahon..."Tinaas ni Avery ang kanyang kilay, nalilito, at tinanong, "Bakit mo siya pinagtatanggol? Sa tingin mo ba na magiging mabuti ang puso niya para hayaan ang bata sa sinapupunan ko?"Nanahimik si Laura. "Alam kong may mga rason siya para hindi gustong magka-anak," sinabi niya pagkatapos ng maikling saglit. "Sa tingin ko na ang katotohanan na handa siyang lunukin ang pagmamalaki niya at pumunta rito para humingi ng tawad sa'yo ay senyales na may pakialam siya sa'yo."Tinakban ni Avery ang kanyang mga tainga gamit ang kanyang mga kamay at sinabi, "Matutulog na ako. Masakit ang ulo ko."Ang makita ang kanyan
Read more
Kabanata 85
Ang reyalidad ay tumama rin kay Jun."Ano na ngayon? Hihingi ba ng tawad si Elliot?""Titingnan ko pagkatapos ng trabaho," ani Chad. "Kailangan ko bang tawagin ang nobya ko para kitain si Avery?""Sino ang nobya mo?"Umubo si Jun at sinabi, "Matalik na kaibigan ni Avery... Siya ang nagbunyag ng lahat kay Avery. Totoong hindi ko talaga siya gusto, nakipaghiwalay ako sa kanya kagabi!"Bumuntonghininga si Chad at sinabi, "Magaling kang pumili ng nobya!""Naloko ako. Paano ko malalaman na matalino sila?""Mukhang kailangan naming tumahimik sa harap mo simula ngayon. Hindi ka na isa sa amin.""Tatayo naman ako sa sarili kong mga paa!" mapait na sabi ni Jun. "Para sa kapakanan ni Elliot!"...Nang gabing iyon, dumating sina Ben at Chad sa mansyon ng Foster upang makita si Elliot."Umuwi si Master Elliot bandang alas-singko ng umaga ... Sinabi ng kanyang bantay na nagpalipas siya ng gabi sa ulan sa labas ng bahay ng ina ni Madam Avery. Pinamamahalaang lamang nila siyang makauwi p
Read more
Kabanata 86
Basa ang mukha ni Avery. Kahit na maligamgam ang tubig, malamig pa rin sa kanyang pakiramdam. "Chelsea! Anong ginagawa mo!" Agad na tumayo si Charlie, hinihila ang braso ni Chelsea at hinatak siya sa tabi. "Charlie! Huwag mo akong pigilan! Tuturuan ko siya ng leksyon ngayong gabi!" Pula ang mga mata ni Chelsea at ang kanyang matinis na boses ay kumalat sa buong pribadong silid. Pinitik siya ni Charlie, "Nahihibang ka na ba?!" Hindi pa nasigawan ng ganoon si Chelsea sa publiko ni Charlie at kumulo ang dugo niya sa galit. Tinulak niya ang kamay ni Charlie, sinusubukan na sugurin ulit si Avery. Splash!Ang baso ng juice ay bumuhos sa kanyang mukha. Hinampas ni Avery ang walang laman na baso sa lamesa at tiningnan niya ang miserableng mukha ni Chelsea, at sinabi, "Kung gusto mong tuksuhin ako, alamin mo muna kung kaya mo."Agad na nahulog sa katahimikan ang paligid at ang mga mata ng lahat ay napunta kina Avery at Chelsea. Nasabuyan lang naman si Avery ng isang baso ng mali
Read more
Kabanata 87
Malamang ay sobrang lamig para kay Elliot na tumayo buong magdamag sa malamig na gabi ng tag-lamig. Huminto ang sasakyan sa paradahan ng isang hotel. Bumukas ang pintuan at lumabas mula sa sasakyan sina Jun at Tammy. Gayunpaman, isang sasakyan ang huminto muli sa kanilang pareho nang nakalabas na sila ng sasakyan. Ito ay si Ben. "Ben," bati ni Jun. Nagtanong si Ben, "Anong ginagawa mo rito?"Sinagot siya ni Jun, "Hinatid ko ang nobya ko rito para hanapin si Avery..."Habang nag-uusap ang dalawa, tumungo si Tammy kay Avery at niyakap ito. "Nandito rin ako para sa kanya." Inaninag ni Ben si Avery sa hindi kalayuan, "Bakit hindi mo pa ako iwan dito? Mas magandang iwan siya sa bahay ni Elliot."Sumagot si Jun. "Kung hindi lang dahil sa nobya mo ay hindi sila hahantong parehas sa ganito."Namula si Jun sa kahihiyan. "Maagang na-isapubliko ang nobya ko sa kasinungalingan-"Pinutol siya ni Ben, "Kalimutan mo na. Hindi na mahalagang pag-usapan iyan ngayon. Mauna na ako."Tumang
Read more
Kabanata 88
Hindi bumalik si Avery sa mansyon ni Elliot, hindi niya rin binisita ang may sakit na si Elliot. Sa oras na ito, talagang malupit si Avery. Bukod sa kanya, ang ibang tao rin ay malupit ang tungo kay Elliot. Ben.Dahil hindi kailanman bumalik si Avery sa mansyon ni Elliot o hindi rin nagpakita ng kahit na anong pangangamusta sa kanya habang nakahiga sa kama ng ospital, araw-araw naman pumupunta si Ben para ibigay ang mga balita sa mga ginagwa ni Avery. Halimbawa, ang nagawa ni Avery ngayon sa Tiwalang Kapital at nagkaroon ng magandang umaga kasama si Charlie, o kahit ang pagkain nila nang sabay. Hindi na mahalaga kung ang dalawa sa kanila ay napadpad sa eksibisyon ng sining o hindi, at hindi na mahalag kung talagang kumain ba sila ng sabay. Ang mahalaga ay ang iritadong mukha ni Elliot habang ginagarintiyahan ang tanging bagay na siya dapat ang kasama niya. Kung may sakit pa rin si Elliot, hindi na siya gaganti. Ginamit ni Ben ang paraan niya kay Elliot para araw-araw siyang ma
Read more
Kabanata 89
Gayunpaman, hindi napanghinaan ng loob si Charlie, at mas bibigyan niya ito ng mas maraming oras.Matapos umorder, kaswal na nag-usap ang dalawa. Tapos ay pinulot ni Avery ang kanyang telepono at nagtipa rito. "Avery, mayroon ka bang kahit na anong isyu sa korporasyon natin?" kaswal na sabi ni Charlie habang sumimsim sa kanyang red wine. Nagbabasa ng balita si Avery at tumingala sa kanya nang marinig niya ang boses nito. "Ayos lang ang plano mo pero may kaunti pa ring hindi pagkakasundo sa panig natin," pormal na sambit ni Avery. Tumawa si Charli. "Anong 'di pagkakasundo? Tingnan ko kung makakatulong ako."Sumagot si Avery, "Ayos lang. Kaya kong gawin itong mag-isa."Ang mga hindi pagkakasundo ay nagmula sa kanyang sarili. Sa katunayan, ang pamamahala ng Industriyang Tate ay sabik na tanggapin ang pamumuhunan mula sa Tiwalang Kapital, ngunit nag-aalangan pa rin si Avery. Nangako siyang kakausapin niya si Charlie dahil gusto niyang makilala siya ng kaunti. Gayunpaman, kahit g
Read more
Kabanata 90
Malaki ang pinayat ni Elliot at ang orihinal na tikas ng kanyang mukha ay mas naging malalim at elegante. Anong ginagawa niya rito? Siya ba ang misteryosong bisita?Umalis si Lucy pagkatapos matapos ang gawain. Habang pinapanood ang pag-alis ni Lucy, napagtanto ni Avery na si Elliot nga ang misteryosong bisita. Hindi ba siya nakaratay?Maayos na ba ang pakiramdam niya?Nakatayo lang si Avery, hindi nagsalita ng kahit ano o lapitan siya. "Mr. Foster, ito ba ang binibini na hinahanap mo?" Ang taong nakatalaga sa kanya ay tinanong si Elliot. Tumango si Elliot. "Salamat.""Walang anuman," sinabi ng nakatalaga sa kanya sa magalang na tono.Naglakad si Elliot patungo kay Avery, tinitingnan siya ng may kakaibang pagtingin, at sinabi, "Mag-usap tayo.""Mag-usap? Anong dapat nating pag-usapan?" Bumaba ang tingin ni Avery, malamig ang kanyang tono. Hindi nagmamadali si Elliot o iritado. Sa halip, kinuha ng kanyang malaking kamay ang kanyang braso at hinila siya palayo. Maraming
Read more