All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 171 - Chapter 180
3784 chapters
Kabanata 171
Nang may masamang ekspresyon, umupo siya.Napansin ni James ang hindi maganda sa mukha ni Thea at nagmamadaling nagpaliwanag, “Thea, huwag kang makinig kay David. Walang nangyayari sa pagitan namin. Oo, hawak niya ang braso ko, pero pinapahanap lang niya ako ng trabaho. Hindi kami nagkikibuan."“Oo,” nagmamadaling dagdag ni Xara. "Iyon talaga ang nangyari, Thea."Tumayo si David. "Naghahanap ng trabaho? Sino sa tingin mo, ang chairman ng kumpanya? Si Thea ang chairman ng Eternality. Si Xara dapat ang lumalapit sa kanya para humingi ng tulong, hindi ikaw."Nagtampo si Gladys. “Xara, hindi ko sasabihin sa tatay mo ang tungkol dito. Masama kung kumakalat ang mga tsismis at masisira ang magandang pangalan ng mga Hills. James, kailangan mong hiwalayan si Thea. Hinding-hindi matatanggap ng mga Callahan ang isang walang hiyang manugang na tulad mo"Tama iyan. Makipag divorce ka." Sumali naman si Alyssa.Naramdaman ni Thea na umikot ang ulo niya.Divorce?Gusto niyang sabihin ang mga s
Read more
Kabanata 172
Desidido ang mga Callahan na paalisin sina James at Xara. Ipinakita pa sila ni Gladys sa pinto na may dalang walis.Sa labas ng pinto, napaiyak si Xara nang makita ang mga piraso ng damit sa sahig.Tumingin siya kay James nang may paghingi ng tawad. "J-James, pasensya na. Kasalanan ko ang lahat ng ito.”Kinumpas ni Jame ang braso niya.Ito ay isang maliit na bagay, at hindi niya ito isinapuso.“Sige, tigilan mo na ang pagsisi sa sarili mo. Ito ay hindi ganap na iyong kasalanan. Matagal nang may problema sa akin ang mga Callahan. Kanina pa nila sinusubukang kumbinsihin si Thea na hiwalayan ako. Pinaninindigan ako noon ni Thea, pero ngayong may nangyaring ganito, dapat nasa mesa na ang hiwalayan.”Bagama't hindi ito masyadong malubha ng isang problema, tiyak na ginawa nitong kumplikado ang mga bagay nang kaunti.“Pasensya. Pasensya talaga. Kung maghiwalay kayong dalawa, S-sa’yo ako."Napatingin si James sa kanya. "Tigilan mo na. Si Thea lang ang nasa puso ko.”Alam ni James na s
Read more
Kabanata 173
Halos alas-nuwebe na.Ang Trade City Center ay nagsimula pa lamang sa pag-akit ng investment sa negosyo. Dahil si Scarlett ay isang baguhan sa larangan, siya ay nag-hire ng maraming tao. Sa ngayon, nagpupulong sila sa punong-tanggapan ng kumpanya para talakayin ang follow-up na proseso ng investment project.Itinigil niya ang pagpupulong nang matanggap ang tawag ni James."Nasa kumpanya pa ako. May kailangan ka, James?"Sabi ni James, “May kaibigan akong walang trabaho ngayon. Maaari mo ba siyang bigyan ng posisyon?"“Nasaan ka James? Ipapasundo kita ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng meeting, kaya hindi ako makaalis.""Hindi na kailangan. Magta-taxi ako papunta diyan."Binaba niya ang phone.Si Xara ay nananabik na nakatingin kay James. Nang ibinaba ni James ang kanyang phone, hindi niya naiwasang magtanong, “James, sino ang tinawagan mo?”Binigyan siya ni James ng isang misteryosong ngiti. “Tara na. Sasakay tayo ng taxi papunta sa Trade City Center. Huwag sabihin kahit kanino a
Read more
Kabanata 174
Natigilan si Xara, at nablangko ang kanyang isip.Kumunot ang noo ni James at sinulyapan si Scarlett.Ang kanyang tingin ay nagpadala ng panginginig sa kanyang spine. Agad siyang bumagsak sa sahig, nanginginig ang katawan.Nataranta ang matataas na opisyal.Iyon ay si Ms. Brooks, ang taong namamahala sa Transgenerational Group.Bakit siya lumuhod?Ilang sandali, nataranta sila.Sabi ni James sa mahinang boses, “Anong ginagawa mo? Tumayo ka.""Oo, James."Agad na bumangon si Scarlett at tumayo sa gilid, nanginginig sa takot.James went on, “Bakit sila nandito? Paalisin sila.”Agad na itinuro ni Scarlett, “Bakit kayo nakatayo rito? Bumalik na sa trabaho.”“Opo.”Mabilis silang umalis sa eksena.Di nagtagal, tanging sina James, Scarlett, at Xara na lang ang natira sa labas ng Transgenerational Tower."J-James, ako..."Nag-aalala ang ekspresyon ni Scarlett. Gusto lang niyang iparamdam kay James na malugod siyang tinatanggap at hindi niya inaasahan na sasaktan siya. Kung ala
Read more
Kabanata 175
Kung tutuusin siya ay pinsan ni James.Para sa kanya, nandito lang si Xara para magkaroon ng karanasan. Makalipas ang sandali, siya ang magiging top brass ng kumpanya.“Huh? Ako ang namamahala sa rehiyon na malapit sa food street?" Natigilan si Xara.Iyon ay isang gawain ng isang mataas na opisyal lamang ang itatalaga.Batay sa kanyang orihinal na mga plano, magiging kontento na siyang magtrabaho sa anumang trabaho sa Cansington. Kahit na ang isang mas mababang executive position ay sapat na.Ngayon, siya ang namamahala sa isang buong region.Narinig niya na ang food street ay nangangailangan ng napakataas na mga kinakailangan para sa pagpasok ng mga pamumuhunan sa negosyo.Tanging ang mga kilalang kumpanya ng catering sa mundo ng culinary ang may karapatang magtatag ng kanilang sarili. Bukod pa rito, ang one-off na bayad para sa pag-set up ng shop ay hindi bababa sa dalawang milyong dolyar, hindi kasama ang kasunod na pag-upa na kailangan nilang bayaran.Sa sandaling iyon, na
Read more
Kabanata 176
Natutulog si Henry sa isang kwarto sa Common Clinic. Nang nakaramdam siya ng pagkilos, tumayo siya kaagad at binuksan ang ilaw. Nakita niyang pumasok si James. "James, bakit ka naparito?" Malungkot na tumingin si James kay Henry. "Nag-away kami ni Thea." "Ha? Anong nangyari?" Nagtaka si Henry. Bumuntong-hininga si James. Pinasahan siya ni Henry ng sigarilyo. Tinanggap ito ni James. Sinindihan ni Henry ang sigarilyo. Huminga nang malalim si James. "Wala naman. Hindi lang kami nagkaintindihan." Kwinento niya ang nangyari kay Henry. “Hahaha!”Hindi napigilan ni Henry na matawa. "Nakakatawa! Ang General ng Southern Plains ay napalayas mula sa Callahan residence?" Nang napansin niya ang seryosong ekspresyon ni James, kaagad niyang pinigilan ang dila niya. Seryoso siyang nagsalita, "James, pwede kitang tulungan kung kailangan mo kong pumatay. Pero sa ganitong bagay? Wala akong alam diyan." Kumaway lang si James. "Hindi ako umaasa na tutulungan mo ko. Magpapaliwan
Read more
Kabanata 177
"Black Dragon, James, tama na ang kalokohan mo. Maraming akong ginagawa, hindi kagaya mo." Umubo si James. "Henry, magpa-deploy ka ulit ng isandaang libong tao mula sa Southern Plains." "Sige." Nang marinig niya silang magsagutan, sobrang nagalit ang Blithe King hanggang sa puntong gusto na niyang basagin ang phone niya. Gayumpaman, nagawa niyang pigilan ang galit niya. "Sige, nanalo ka ngayon, James. Pero pwede ba wag mo kong tawagan dahil lang sa ganito kaliit na bagay? Tawagan mo na lang si Daniel. Siya nang bahala." "Sinasabi mo ba na pwede kitang tawagan kung di ito maliit na bagay?" Sa sobrang inis ng Blithe King ay binaba niya ang phone niya. Pagkatapos ibaba ang phone, kaagad siyang nagbigay ng utos. "Daniel, may kailangan kang gawin para sa'kin." Hindi makapaniwala si Daniel nang natanggap niya ang utos. Naguguluhan siyang umalis sa opisina ng Blithe King. Kasabay nito, sa Common Clinic, nakahinga nang maluwag si James pagkatapos ng tawag. "Thea, subuk
Read more
Kabanata 178
"Anong nangyayari? Hindi ba ayos lang ang lahat kanina?" "Ngayon ang birthday namin ng girlfriend ko. Balak naming kumuha ng marriage certificate ngayong araw. Anong nangyari?" Maraming tao ang nagreklamo habang umalis sila sa Department of Civil Affairs. Samantala, tuwang-tuwa si James. Mas masaya pa ang pakiramdam niya ngayon kumpara sa saya ng manalo sa labanan. Naglakad siya sa tabing-daan at sumakay sa kotse ni Henry. "Tara na, Henry." "Saan ka naman pupunta ngayon, James? Sa The House of Royals o sa clinic?" Humikab si James. "Sa clinic. Kailangan kong umidlip." Nag-inom siya hanggang hatinggabi kagabi at medyo nahihilo pa siya. "Sige." Nagmaneho si Henry papunta sa Common Clinic. Ngayong hindi siya nakakuha ng divorce, nagpunta si Thea sa kumpanya para ipagpatuloy ang pag-aayos sa negosyo ng kumpanya. Natulog si James hanggang tanghali. Sa labas ng Common Clinic, sa Nine Dragons Street—sa isang food stall. Nakataas ang paa ni James sa upuan at kumagat
Read more
Kabanata 179
"Nasa bahay ba si Lolo?" "Oo naman. Pero, hindi mo ba alam ang katayuan mo? Aso ka lang para sa mga Callahan. Kailangang mong gumapang kung gusto mong pumasok sa loob.""Sino yan, Megan?"Lumapit si Tommy at nakita niya si James sa pintuan. "Uy, James! Pambihira naman ang bisita natin," ngumisi siya. "Nandito ako para makita si Lolo. May pag-uusapan kaming mahalagang bagay," sabi ni James. "Hindi mo ba narinig si Megan? Aso ka lang para sa mga Callahan. Kailangan mong gumapang papasok kung gusto mong pumasok sa villa ng mga Callahan," mapangmatang sabi ni Tommy. Lumabas si Tommy para salubungin ang isang tao—nalabalik na ang nakababata niyang kapatid na babaeng lumipat sa North Cansington pagkatapos ikasal. Gusto niya siyang salubungin pabalik sa kanila nang personal. Si Wendy Callahan ay ang bunsong anak ni Howard at ang kapatid nina Megan at Tommy. Anim na buwan ang nakakaraan, ikinasal siya sa isang mayamang pamilya sa North Cansington na ang katayuan ay maikukumpa
Read more
Kabanata 180
Pagkatapos marinig ang mga salita ni James, tumaas ang tono ni Lex sa gulat at nanginig ang katawan niya. "Ano…" Isa itong bagay na hindi niya kailanman naisip noon. "Totoo ba to, James?" Walang kaalam-alam ang mga taong nakatayo sa pinto sa nangyayari at tumingin sila kay Lex habang nagtataka sa reaksyon niya. "Lolo, mag-usap tayo banda roon." Hinila ni James si Lex paalis at pinagaan ang loob niya, "Lolo, nangangako ako na totoo ang sinabi ko. Nakapag-ayos na ako. Pwede mong ipagdiwang ang birthday party mo sa House of Royals kung gusto mo, Lolo. Ang pagdaos mo ng eightieth birthday doon ay ang unang hakbang ng mga Callahan para maging isang maimpluwensyang pamilya kapag kumalat ang balita sa buong Cansington." Pagkatapos ng sandaling pagkasabik, kumalma si Lex. Tumingin siya kay James. "Alam mo ba kung anong klase ng lugar ang House of Royals, James? "Maraming taon itong itinayo, at napakaraming mayayamang pamilya ang sinubukan itong bilhin. Ang ilan pa ay gusto
Read more