Chapter 22 Mahaba agad ang nguso ni Alejandro nang lumabas siya mula sa banyo nito matapos niyang maligo. Humihingi na naman ng h alik kahit maya’t maya naman ang panunuka nito sa kanya. “Hey, Baby. Did you enjoy the hot water I’d prepared?” Napangisi siya at sunod-sunod na tumango. May sariling Jacuzzi si Alejandro sa loob ng kwarto nito na sobra niyang na-enjoy dahil sa maligamgam na tubig niyon na talaga naman nagpa-relax sa nangangalay niyang katawan. Halos isang oras din siya roon at hindi pa sana aahon kung hindi lang nakakahiya sa mga magulang ng lalaki. Baka kung anong isipin dahil pasado alas-dyes na nang umaga ay hindi pa siya bumababa. “My baby enjoys the jacuzzi,” tukso nito bago ito na mismo ang h umalik sa labi niya na may halong gigil na naman. Tumawa siya at ipinulupot ang kamay sa baywang nito. ‘The I love you’ from Alejandro last night made her fall for him even more. Kuma
Chapter 23 “Oh my God, Brent. What happened to you?!” bulalas niya sa kaibigan. Mabilis nitong inilagay ang hintuturo sa bibig at isinara ang lahat ng ilaw sa loob ng sasakyan kasabay ng tatlong magkakasunod na kotseng dumaan sa likuran nila. Ang paggasgas ng gulong ng mga iyon ay nag-iwan ng usok sa aspaltong kalsada. Ilang sandali pang naghintay si Brent bago muling binuhay nito ang ilaw sa unahan na nagbigay sa kanila ng sapat lamang na liwanag para makita niya ang mukha nito. “Brent, anong nangyari sa ‘yo? I couldn’t contact you. Bigla ka na lang umalis. I thought you were in Pennsylvania?” Tumalim ang mga mata ni Brent at dumiin ang pagkakahawak nito sa manibela. Ang mga ugat sa kamay nito ay nagsisilabasan dala ng matinding galit. “Your f-cking husband happened,” pasinghal nitong sagot sa nagngagalit na mga ngipin. Kumunot ang noo niya. “Anong kinalaman ni Floyd?” Alam nam
Chapter 24 (Part 1) “Uuwi na ako,” walang mababakas na emosyon sa kanyang boses nang sumagot si SK. “Susunduin kita. Nasaan ka?” “Uuwi na ako. Kaya ko ang sarili ko.” Pinindot niya ang end button bago pa man muling makasagot si Alejandro sa kabilang linya. Hindi niya ito kayang makausap ng matagal sa mga oras na iyon dahil baka sumabog siya at masumbatan ito ng tuloy-tuloy. “Bring me home, Brent.” Bagaman naiintindihan ang nararamdaman niya, nagsalubong pa rin ang kilay ng lalaki sa sinabi. “Are you going back with me to Pennsylvania?” “I don’t know. K-Kailangan kong mag-isip.” Pinunasan niya ang mga luhang hindi maampat-ampat sa pagtulo. “You need to go back with me. Hahayaan mo na lang bang bumagsak ng tuluyan ang kompanyang pinaghirapan ni Uncle Vito? The company that was built with the man who adopted you.” “What?” Tila nabingi siya sa sunod nitong rebelasyon. Ano pa
Chapter 24 (Part 2) PENNSYLVANIA, USA Napayakap si Sunshine Kisses sa sarili nang tuluyang makalabas siya sa Philadelphia International Airport na siyang pinakamalaking paliparan sa Pensylvannia. Inaasahan niya na rin naman ang lamig na sasalubong sa kanya ngunit nagulat pa rin ang kanyang katawan. Nasanay na kasi ang sistema niya sa temperature ng Pilipinas. “Ready?” tanong ni Brent na kahit hindi maayos ang kalagayan ng mukha ay may maliit pa rin na ngiti sa labi. Nakokonsenysa na naman tuloy siya dahil siya ang dahilan kung bakit nabugbog ito. “Yes.” Balak daw sanang ipa-deport si Brent ng mga kaibigan ni Alejandro para huwag ng bumalik sa bansa at makalapit sa kanya. Hindi iyon impossible dahil sa klase pa lang ng tingin at tindig ng mga lalaking iyon ay alam niyang isang pitik lang ng daliri ng mga ito ay kayang-kayang idispatsa si Brent. Isusumbong niya talaga sina Zech Leon at Cale sa mga asawa nito. Ang dalawa
Chapter 25 “You disgusting bitch. You don’t have any rights to be on this property. You are not a Brenneman. I,” itinuro nito ang sarili, “am the rightful owner of everything my sister left. Not you. Not that bastard Vito and not your good-for-nothing father.” Nagulat pa rin siya sa tinuran ng Aunt Serna niya tungkol kay Keith kahit pa may ideya na siya tungkol doon. “Madam, that’s enough,” pigil ni Richard nang muli na naman sana siyang sasampalin ni Serna. “Go away, Fool. Don’t meddle with this. That bitch should know where to stand. You are nothing like your r apist father.” Nanlalaki ang mga matang napaangat siya ng tingin sa kapatid ng kinikilalang ina. “My brother is not a criminal!” galit niyang sigaw, hindi ininda ang pamamanhid ng kanyang pisngi dahil sa lakas ng pagkakasampal nito. Malakas at tonong sarkastiko ang tawa ni Serna, sinabayan iyon ng pinsan niyang parang senyoritang nak
Chapter 26 “We will set another meeting to make an appeal.” Bakas ang pagod sa mukha ni Brent nang sumalampak ito ng upo sa tabi niya. “Wala silang karapatan na tanggihan ka. Uncle Vito and Aunt Serena put their names as your parents. You’re the only heir. F-ck them all.” Nasa BGC tower sila na siyang isa sa pinakamataas na building sa buong Pennsylvania. Katatapos pa lamang ng meeting nila sa Board of Directors ng Brenneman Group of Companies. Nakipagtalo si Brent—na siyang tumatayo bilang abogado niya—nang sabihin ng mga matatandang iyon na hindi pumapayag ang mga ito na siya ang magiging CEO at presidente ng kompanya. Sigurado siyang walang kinalaman ang pagiging ampon niya sa disisyon ng mga ito dahil malinaw na walang alam ang mga iyon tungkol roon. Kung may alam man, hindi iyon magiging problema dahil legal siyang anak. Ang mas ikina-init pa ng ulo ng kanyang matalik na kaibigan ay ang pagbanggit ng mga ito sa asawa niya. The Board
Chapter 27 “Dad, why Uncle Ali looks like a beggar?” narinig niyang tanong ni Nikolai sa ama nito na kapapasok pa lang sa cabin na kasalukuyang inoukupa niya. “He’s out of his mind, Son.” Napa-ungol siya sa pagkadisgusto nang marinig ang sagot ni Funtellion sa anak na kasama na naman. Sinasanay yata si Zacharias sa mundong ginagalawan nito. After all, the kid will take over the organization in the future. “I am not out of my mind, you Dimwit.” Masakit ang ulong bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sahig at pinilit ang sariling tumayo upang maabot ang baso at hang-over pill sa ibabaw ng counter. Masyado yata siyang naparami ng inom nang nagdaang gabi dahil halos minamartilyo ang ulo niya sa sakit. “Oh, d-mn it!” Napamura siya nang nabasag ang basong may lamang tubig nang masagi niya iyon. Gigil na ibinagsak niya ang hawak na gamot sa ibabaw ng mesa at tumihaya na naman sa marmol na sahig ng kusina. “Go to the liv
Chapter 28Sa kulay brown na nakamunban nitong buhok natuon ang tingin niya. Bigla-bigla ay parang gusto niyang takbuhin ang kinaroroonan nito at sabunutan ang lalaki dahil sumagi sa utak niya ang eksena kung saan hinaplos iyon ni Leveyna habang nagpapakuha ng picture sa media. Tanga siya dahil sa halip na kalimutan ang dalawa ay naghanap pa talaga siya ng iba pang balita tungkol kay Leveyna. May mga video clip pa siyang nakita kung saan panay ang hawak ni Leveyna kay Alejandro at ang hudyo naman ay mukhang enjoy na enjoy dahil hindi man lang sinaway ang babae. Umirap siya at tumalikod na bago pa man siya makita ni Alejandro. Ngunit anong malas ba naman niya dahil bigla na lang may sumulpot na babae mula sa kung saan at tinawag siya. “Mrs. Tucker?” Anak ng tinapa! Nagsilingon tuloy sa kanya ang mga empleyado pati na rin ang mga board of directors na kausap ni Alejandro. Kukutusan niya ang babaeng ito! Hindi man lang marunong makiramdam.