Hi! This is the story of Alejandro Almeradez. Binago ko ang chapter 1. Sa mga nakapagbasa ng previous version ng chapter 1, isipin niyo na lang na bonus scene iyon. Kung hindi pa nag-aapear sa inyo, remove A Night with Gideon sa library then add ulit. Tapos puntahan niyo ang chapter 1. I'll do daily update nito sa july. For now one at a time muna tayo. Enjoy reading.
Chapter 3 “How are you?” Napapikit si Sunshine Kisses nang marinig ang boses ni Floyd sa kabilang linya. Ninamnam niya ang pagtibok ng kanyang puso. Ganon ang reaksyon niya palagi sa tuwing tumatawag ito. “Ayos lang. May kaunting trouble sa opisina pero na-settle naman agad.” Isa sa mga nakahahangang katangian ni Floyd ay marunong ito magsalita ng iba’t ibang lengwahe. Last anniversary nila, kinantahan siya nito ng love song in French na bumagay sa kinaroroonan niya—sa Paris, France. His singing voice is beautiful even it was recorded. “That’s good. I don’t want my wife to be stressed out.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi at niyakap ang malaking unan bago parang pusa na bumaluktot sa ibabaw ng malaking kama niya. “K-Kailan ka uuwi?” She’s been asking him that multiple times over the past years. “How old are you?” “Twenty-five.” “Hmn…” Pumikit siya sa p
Chapter 4 “Nyak!” sigaw niya nang makitang panty niya ang nakabusal sa bibig ni Alejandro. Mangiyak-ngiyak na inalis niya iyon at malakas na itinulak ang lalaki palabas ng walk-in closet. Bago pa man ito makapag-protesta ay binagsakan na niya ito ng pinto. Nag-iinit ang pisngi sa hiya na nasabunutuan niya ang sarili at tumalun-talon na parang baliw. “Gaga ka, SK. Ba’t mo binusalan ng panty ang bibig ng boss mo?” Sinamaan niya ng tingin ang walang kamuwang-muwang na panty. Binitawan niya iyon ngunit pinulot ulit at inamoy. Nang maamoy ang fabric conditioner ay nakahinga siya ng maluwag at napausal ng pasasalamat. Hindi naman siguro nakita ni Alejandro na panty niya ang ibinusal sa bastos nitong bibig. “Kisses Kulit. Are you okay? Bakit mo ako biglang pinagsarhan? It’s cold here.” “Wala ka pong pakialam.” Binitawan niya ang walanghiyang undergarment niya at muling kumalkal sa damitan. Nang sa wakas ay
Chapter 5 Naihilamos ni Alejandro ang sariling palad sa mukha nang mawala sa paningin niya si Sunshine Kisses. Kumaripas ng takbo ang makulit na parang bata dahil lang sa hinalikan niya. Ayaw ba nito sa h alik niya at gusto sa asawa nito? Magkasalubong pa rin ang mga kilay na dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at pumasok sa loob ng kotse nang makitang si Riguel iyon. “Bud,” aniya habang ang tingin ay tumuon sa taas ng malaking mansyon—partikular na sa bintana kung saan naroroon si SK. “Gideon has been drinking all day. This stinking b-stard chose me to listen to him calling his wife. Mukha bang ako ang asawa niya?” Mahina siyang natawa sa reaksyon ng kaibigan. Naninibago yata dahil matagal-tagal din nanatili sa Isla Molave. Balak yatang maging ermitanyo para bantayan ang anak ng gobernador. “Bear with him. He lost a precious one.” “F-ck you! Sinasabi mo lang ‘yan dahil wala ka rito. Try to b
Chapter 6 Late na nakapasok si SK kinabukasan. Inaasahan na niya ang pagtaas ng kilay ng mga ka-trabaho kaya naman gulat siya nang halos umiyak na ang mga ito nang makita siya na pumasok sa palapag ng marketing department. Dinumog siya at sabay-sabay na umusal ng pasasalamat at pakiusap na pumunta siya sa opisina ng CEO. Alas-syete y medya pa lang daw ay may memo na agad ang CEO tungkol sa termination ng mga partikular na pangalan. Wala naman talaga siyang balak na hindi pumunta kaya lang ay tinanghali siya ng gising dahil hindi siya pinatulog agad ng h alik ni Alejandro. Makamandag, kumalat sa buong katawan niya kaya mulat na mulat siya. Wala siyang nagawa nang kunin ng mga ito ang kanyang mga gamit na dala at itinulak siya pabalik sa elevator pataas. Wala ang sekretaryo ni Sir Nix na si Zach nang makarating siya sa opisina kaya nag-atubili pa siyang tumuloy no’ng una. Ngunit nang makita niya sa transparent na salamin na
Chapter 7 Natawa siya sa sinabi nito. Kaibigan ng pamilya niya ang mga Williams kaya madalas silang ipares ng lalaki sa isa’t isa noong mga bata pa lamang sila.Hindi na siya nagulat nang dampian siya ng h alik ni Brent Williams sa kanyang magkabilang pisngi matapos niya itong pakawalan sa pagkakayakap. Madalas magbiro noon si Attorney Fausto Williams sa Papi niya na ipapakasal sila nito kapag sumapit sa tamang edad. Brent was her best friend. Umalis ito sa Pennsylvania nang tumuntong ng dose para mag-aral sa New York. Ang madalas na pagpapares sa kanila ng ama nito ay nakasanayan ni Brent kaya asawa niya ang tawag nito sa sarili na tinatawanan niya lang. May ideya naman ito na may asawa na siya dahil nabanggit niya iyon dito sa minsanang pag-uusap nila nitong mga nakaraang taon. “I’m good. Ikaw?”“This is the first time I set my foot again in this country after decades. I’m good.” Nakakaintindi at nakakapagsalita ito ng Filipino dahil p
Chapter 8 Agad na pinagbuksan ni SK ang nag-doorbell nang makitang food service iyon. Maliit na nginitian niya ang hotel staff nang pumasok ito at inayos sa mesa ang mga ipinadalang pagkain ni Alejandro. Speaking of him, hindi pa ito lumalabas sa opisina nito mula pa kanina. Ipinasok lang nito sa loob ng isa sa mga kwarto si Summer bago nagpaalam sa kanya na may aasikasuhin lang daw sandali sa opisina nito sa penthouse. Huwag daw muna siyang aalis dahil baka raw hanapin siya ni Summer at may pag-uusapan pa sila. Pumayag na lang siya dahil nabanggit kanina ni Alejandro sa sasakyan na nawawala raw ang mommy ni Summer at ang ama naman nito ay isinusubsob ang sarili sa trabaho. Ilang sandali siyang nakipagtitigan sa eleganteng ceiling ng penthouse na inokupa ni Sir Ali sa Almeradez hotel bago siya nagdisisyon na puntahan ito at ayain ng kumain para makauwi na rin siya. Malapit ng mag-alas syete ng gabi at baka tumawag si Floyd. Hindi maga
Chapter 9 “You need to go back to Pennsylvania and claim what is rightfully yours,” pangungumbinsi ni Brent matapos nitong sabihin sa kanya na hindi aksidente ang pagkamatay ng kanyang ama. Bilang anak ng dating pinagkakatiwalaan na abogado ni Vito Irancio, inimbistigahan daw ni Brent ang mga pangyayari walong taon na ang nakalilipas. May kahina-hinalang foul play sa nangyari, sinadya ang pagbagsak ng eroplano. Ngunit sa hindi malamang dahilan, sinarado na ng mga awtoridad ang kaso. “I am speculating that your Aunt Serna is the suspect, at first. Siya lang ang tanging may motibo na gawin iyon. She gets your father’s wealth after his death.” Ang kapatid ng kanyang namayapang ina ang tinutukoy nito. “The Brenneman Group of Companies started to go down three years after you left Pennsylvania. Malapit na iyong ma-bankrupt due to loss of financial capability.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ng kaibigan. Brenneman Group of Compan
Chapter 10 (Part 1) Nakumpirma ang hinala niyang Gideon Vesarius nga ang buong pangalan ng ama ni Summer at kaibigan ni Alejandro. Nakita niya sa internet na CEO ito ng isang namamayagpag na airlines at hindi sundalo. Ngunit bakit nasa listahan ang pangalan nito ng mga taong kasama sa operasyon? “SK anak. Hinahanap ka ni Alejandro. Noong isang linggo pa pabalik-balik ang batang iyon dito. Hindi mo ba siya haharapin?” tanong ng Yaya Myrna niya nang bumaba siya sa kusina para kumuha ng makakain. Mula nang nagpaubaya siya sa h alik nito, iniwasan niya na ang lalaki. Kapag bumibisita ito sa marketing department ay palagi siyang gumagawa ng dahilan para hindi magtagpo ang landas nila. Nagtataka na nga rin si Cassiopea kung bakit balik siya nang balik sa comfort room o kaya sa cafeteria ng opisina. Paano ba naman kasi, balik din nang balik si Alejandro sa palapag nila. Kapag pumupunta naman ito sa mansyon ay pinapasabihan niyang tu