CHAPTER 4 Kumunot ang noo ni Chelary nang makita ang mga kasambahay na nag-uumpukan sa may sliding door ng garden. Kaya pala wala siyang mahanap na kasambahay sa kusina dahil may kung anong pinagkakaabalahan ang mga ito. Hagikhikan ang mga babae. Parang kinurot sa tinggil na napapatalun-talon pa. “Pst,” sitsit niya. “May artista ba riyan?” Nakisali na rin siya sa umpukan. Napaatras siya nang bigla na lang may tumulak sa kanya. “Huwag kang humarang. Ang gwapo—Ma’am!” Napasigaw si Menggay nang makitang siya ang itinulak nito. Sabay-sabay naman nagsilingunan ang mga kasambahay sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. “Anong tinitingnan niyo?” “Wala po,” kanda-iling ang mga ito. Si Menggay naman ay pulang-pula ang leeg at pisngi sa pagkapahiya. Nagsitabi ang mga ito nang naglakad siya papunta sa transparent sliding glass door na hindi niya na sana ginawa. Tukso…tukso si R
CHAPTER 5Halos mabutas ang screen nang pindutin ni Chelary ang end button sa kanyang cellphone bago pa man makasagot si Amber sa kabilang linya.“What the—” Nagsalubong ang makakapal at itim na itim na kilay ni Riguel.“I’ll tell Dad na pakialamero ka. He will fire your ass, El Greco.”Tinuro niya pa ang lalaki. Ngunit, sa halip na matakot ay nagyayabang na itinaas nito ang isang kilay.“Governor won’t do that.”“Watch me.”“Masyadong bilib na sa akin ang Daddy mo.” Amputa! Napakayabang. “You also amazed earlier.”Nagsalubong ang mga kilay niya. “Excuse me?”“Nanood ka kanina. I saw you watching me and who knows what you were looking at.”Nanlalaki ang kanyang ilong. “Ang yabang mo!”“I am wrong, Miss Ma’am?”“Oo. Hindi ako nanonood—”“Now, you’re denying.” Tinalikuran siya ng lalaki at kalmadong bumalik sa dating kinauupuan. Kalmadong-kalmado ang hudyo habang siya ay halos umusok na ang ilong sa pagkapikon.“Kahit tanungin mo pa sina Ate Menggay, hindi kita pinapanood.”This time, h
CHAPTER 6 Pasikretong inginuso ng hairstylist ni Chelary si Riguel na parang higanteng tuod na nakatayo sa sulok ng dressing room na kinaroroonan nila. “Ms. Che, boyfriend mo?” “Hindi,” tipid niyang sagot habang patuloy na tumitipa sa kanyang cellphone. She’s texting with her baby Amber. Nasa Manila na ito at ang Auntie niya kahapon pa. Iyon ang dahilan kung bakit nagpumilit siya na tumuntong ulit sa siyudad kahit otsenta porsyento na nanganganib pa rin ang buhay niya. “Kanina pa kasi tingin nang tingin sa ‘yo. Jusko, mahihimatay yata ako kapag ako ang tinitigan niya ng ganyan,” napahawak pa si Jonas sa dibd ib. Alam niya. Kanina pa niya ramdam na ramdam ang nakapapasong titig ni Riguel. Nagpumilit itong pumasok ng dressing room dahil kargo raw siya nito. Pumayag si Riguel na pumunta siya ng Maynila sa kondisyon nitong hindi siya pwedeng mawala sa paningin nito. Napairap siya nang maalalang kinai
CHAPTER 7 (PART 1) “You’re sick!” Malakas niyang tinampal ang braso nitong nakapalibot sa kanyang baywang. Hindi man lang nasaktan si Riguel bagkus, ay ngumisi pa sa kanya at humaplos ang palad nito sa kanyang likod. “Get off,” she hissed at him. His calloused warm hand making contact with her bare skin is definitely not a good idea. Dumiin ang haplos nito sa kanyang baywang. Parang may binubura na naman na kung ano katulad ng ginawa nito sa pisngi niya kanina. “The Dog caressed you here.” “Who’s dog.” Hinawakan niya ang braso nito para alisin sa kanyang baywang. “Douglas, the Dog,” kaswal nitong sagot at yumuko. Nag-init buong mukha niya nang bigla na lang lumapat labi nito sa kanyang baywang. “R-Riguel…” “Now you call my name.” Sa kabilang baywang naman na niya pumatak ang h alik nito. “What are you doing?” tanong niya sa pinapangupasang hiningang tono.
CHAPTER 7 (PART 2)Buffet style ang restaurant ng Almeradez Hotel. Maraming kumakain ngunit sapat naman ang lawak ng lugar para ma-accommodate lahat ng guest ng hotel. May nakakakila pa rin sa kanya kahit simpleng leggings at hoodie jacket nag suot niya. Namukhaan pa niya ang isang showbiz reporter mula sa malaking TV station ng bansa. “Chelary, It’s true you’re back in the Philippines. Can we ask you some questions? Kaunti lang.” Tiningnan niya ang pagkain sa kanyang harapan. Gutom na talaga siya. “Maraming usap-usapan na umuwi ka ng Pilipinas dahil papabagsak na ang career mo internationally. What can you say about that?” “I-I…” “She’s having dinner. It’s unethical asking her.” Parang sinundot sa pwet na napatayo ang reporter. “I am just asking a few question, Mr. Almeradez.” Aroganteng tumaas ang sulok ng labi ng lalaking may kulay asul na mga mata. “Nag-check in ka lang ba p
CHAPTER 8 Napahikbi si Chelary nang malamang nauwi sa lagnat ang ubo at sipon nito. Tumawag ang kanyang Auntie Marigen na nakita na lang daw nito kaninang umaga si Amber na nagdedeliryo na. At dahil may commercial shoot siya maghapon at agad na nakatulog pagdating sa suite, alas otso na nang gabi niya nabasa na isinugod pala sa hospital ang anak niya kaninang umaga. Hindi na siya nakapag-isip, basta na siya dumampot ng jacket at pera bago tumalilis ng takbo pababa ng hotel. Pinara niya ang unang dumaang taxi. Malayo na siya sa hotel nang mapansing hindi niya nadala ang cellphone. Hangos tuloy na nakipagsigawan na siya sa nurse ng hospital para lang sabihin sa kanya kung ano ang room number ng kanyang anak. “Sorry, Ma’am. Sumusunod lang po sa inutos sa amin sa taas.” Wala kasi siyang dalang ID. Naghigpit ng seguridad ang hospital dahil may nangyari raw barilan noong isang araw. Mabuti na lang at eksaktong nakita ni
CHAPTER 9 Halos magdikitan na ang mga kilay ni Amber nang pumamaywang si Riguel paharap rito. Sa halip na maintimida ang bata, m alditang inilagay rin nito ang isang kamay sa baywang habang ang isa ay bitbit pa rin ang teddy bear. “Who’s that kid?” Para sa kanya ang tanong ni Riguel. Gulat na napanganga siya. “Is she a thug?” Ngali-ngaling sapukin niya si Riguel. Hindi ba nito nakikita ang sarili kay Amber? Batang bersyon nito ang anak nila. “Lumayas ka na nga, Riguel. Dito ako matutulog.” “Get out, Mister,” daldal ni Amber at binilatan pa ang lalaki. “Why is she calling you mom?” “Mommy ko—” “She’s Amber. My niece.” “Liar!” sigaw nito sa kanyang mukha. Napaatras siya sa gulat nang magtalsikan ang mga laway ni Riguel. Umatungal ng iyak si Amber nang daklutin ni Riguel ang kanyang leeg. “R-Riguel,” kanda-ubo siya habang
CHAPTER 10 (PART 1) “What are you doing here?” sita agad ni Chelary nang mabungaran niya si Riguel sa labas ng pinto. “Sinusundo ka.” Matipid ang sagot ni Riguel ngunit pansin niya ang pasimpleng paggala ng paningin nito sa paligid na parang nagmamasid. “Dito ako matutulog, Riguel. Dito na rin ako uuwi. Ilang taon ko ng hindi nakakasama ang a—look,” bumuntong-hininga siya. Muntikan niya ng mabanggit ang anak. “My Auntie has been in Australia for years. Minsan ko lang siyang nakakasama.” “I’ll stay here, then.” “No!” Kumunot ang noo nito nang tumaas ang boses niya. “Let me talk to your Aunt. Governor entrusted you to me. You’re my responsibility, Chelary.” “Alam ko. But I’m still your boss. Kaya susunod ka sa akin.” Maangas itong humalukipkip. “I’m protecting your life. Buhay mo ang pinag-uusapan natin dito. Ako ang masusunod.” “Hindi kita pinilit na maging bodyguard