Chapter 31 Agad na napakapit si SK sa dulo ng kanyang mesa nang tuluyang lumabas si Alejandro sa kanyang opisina. Nanlalambot ang kanyang tuhod at halos pangapusan ng hininga sa tindi ng tensyon ng malamig at nagbabanta nitong boses. Sino bang hindi, kung pinagbantaan din nitong papatayin si Brent katulad ni Keith? Tataniman daw ng bala sa ulo—wala na talaga sa katinuan si Almeradez. Kung hindi pa pumasok si Amelia para tingnan siya ay baka tuluyan na siyang natumba sa kinatatayuan. Agad siyang dinaluhan ng babae at inalalayan patungo sa kanyang mesa. “Are you okay, Ma’am? Inaway po ba kayo ng asawa niyo?” Nag-aalang binigyan siya nito ng tubig dahil namumutla raw siya. “I’m okay, Amelia. Please don’t accept any visitors unless it’s very important. Kailangan ko ng tapusin ang mga ito,” wika niya sa mababang tinig. The earlier she finished the report, the faster she will be off from Alejandro’s scrutinizing and dan
Chapter 32 Mabilis niyang naisara ang cabinet nang makarinig siya ng yabag sa labas. Tarantang pinatay niya ang ilaw at nagtago sa gilid ng nakasarang pinto. She heard Alejandro’s voice outside. Mukhang may kausap ito sa cellphone dahil narinig niyang may tinawag itong sweetheart. Ngumiwi siya at rumulyo ang mga mata. Paniguradong si Leveyna ang kausap nito sa kabilang linya. Tumatawa-tawa pa na parang aliw na aliw. Sigurado siyang korni naman ang pinagsasabi ng babaeng iyon. Walang-wala sa humor niya! Biglang natahimik kaya napalingon siya sa nakasarang pinto. Lumabas na ba ito? Idinikit niya ang tainga sa dahon ng pinto upang pakinggan kung nasa loob pa ba ng opisina si Alejandro. Ilang sandali siyang walang narinig na kahit ano. Ngunit kapagkuwan ay narinig niyang muli ang boses nito. “Yeah, I’m going out. Wait me there.” Ang papalayong mga yabag ang sumunod niyang narinig. Nakahinga siy
Chapter 33 Wala na si Alejandro sa mansyon nang magising siya kinabukasan. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil ang himbing ng kanyang tulog. Hindi siya nito napilit na matulog ito sa tabi niya dahil pinagtulakan niya ito palabas ng kwarto kagabi kahit pa naka-towel lamang ang lalaki. Sabihan ba naman siyang hindi raw nito kayang magalit sa kanya dahil ang ganda niya raw. Napa-ismid siya nang maalala si Leveyna. Kung hindi nga ito galit sa kanya, bakit ito nangde-date ng iba? Speaking of the devil!Awtomatikong namataan ng kanyang mga mata si Leveyna na parang patong kumekendeng papasok ng BGC tower. Aba, namimihasa na ang babae na maglabas-masok sa pag-aari niya. Ipa-ban niya kaya ito sa buong kompanya, tingnan niya lang kung hindi pa magagalit si Alejandro. Buong kaplastikang ngumiti sa kanya ang babae bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa. Anong problema ng babae? Bakit kung tingnan
Chapter 34 Iyak pa rin nang iyak si Sunshine Kisses habang nakatalukbong ng kumot sa kanyang higaan. Masama pa rin ang loob niya kay Brent. Pinagkukuskos na niya ang mga labi ng wet wipes ngunit hindi pa rin maalis sa kanya ng pagkadisgusto sa kapangahasan ng lalaking iyon. Naiiyak siya dahil pakiramdam niya ay nagtaksil siya sa kanyang asawa. Gustuhin man niyang magsumbong kay Alejandro ay hindi niya magawa dahil nahihiya siya. Baka sabihin nito na pagkatapos niyang sumama-sama kay Brent ay pupunta siya rito para magpakampi. Nakatulugan na niya ang pag-iyak. Madilim na sa labas nang muli siyang magising. Wala sa sariling lumabas siya ng kanyang kwarto at hinanap si Butler Richard. Gusto niya rin magpasalamat sa butler dahil sa ginawa nito kanina. Nakita niya itong papasok sa front door habang may dala-dalang mga kulay puting envelope. “These are for you, Young Lady,” wika nito nang tanungin niya kung ano ba ang m
Chapter 35 ESPEGEE!!! Inamin ni Sunshine Kisses sa sarili kung gaano niya na-miss si Alejandro mula ng walang kapaa-paalam siyang umalis ng Pilipinas. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa saya sa mga oras na iyon habang nakapaloob siya sa mga bisig ng asawa. Wala na ang garlic pasta nang lumabas siya kanina sa comfort room. Mukhang alam ng ginang kung ano ang nagpasama sa sikmura niya. Gayunpaman, hindi naman ito nagtanong kung buntis ba siya kahit pa halata naman sa mga mata nito ang kuryusidad. Pagkatapos ng dinner, dinala siya ni Alejandro sa VVIP room na inokupa nito sa hotel. Sa penthouse sana kaya lang ay doon daw nanatili ang mga magulang nito na lumipad pa talaga papuntang Pennsylvania para makita siya dahil nabalitaan na kasal na sila ni Alejandro sa napakaraming bansa. Nakahiga sila sa malaking sofa sa living room. Tanging ang malamlam na table lamp ang nagbibigay liwanag sa kanila. Nakayakap ito sa likuran niya habang tah
Chapter 36ESPEGEE!!! “Hi, Baby. I’m your daddy. Be good to mommy, okay?” Nagising siya sa mahina at puno ng pagsuyong boses na iyon. “She has a lot on her plate now and daddy is trying his best to help her. I promised that I will never let her go so you stay put in there, Buddy.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang masuyong pinatakan nito ng halik ang ibabaw ng kanyang tiyan. Wala pa naman siyang sinasabi rito pero mukhang siguradong-sigurado na talaga ito na may laman ang kanyang sinapupunan. Paano ba namang hindi kung hindi naman contraceptive pills ang ibinili sa kanya. Her child is unplanned but she will love him like how she was seeing Alejandro worshipping her flat stomach. Ngumiti ito sa kanya nang magtama ang mata nila. H inalikan siya nito sa mga labi hanggang sa nauwi na naman sa mainit na tagpo ang umaga nila. Nakatatlong round sila kagabi. Kulang na kulang para kay Alejandro na inaabot
Chapter 37 Magkakalahating oras na ang nakalilipas simula nang iparada ni Alejandro ang sasakyan sa harap ng mansyon. Subalit, sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nito mabitaw-bitawan ang mga labi niya. “Stop na,” pigil niya sa lalaki ngunit ang mga labi ay tugon ng tugon naman sa mga h alik nito. Hinahawakan pa niya ang panga ng asawa at hinahaplos ang papatubong balbas nito na kumikiliti sa kanyang palad. “We should stop.” Mahina siyang natawa sa sinabi ng asawa. Tigil na raw pero tuka pa rin ng tuka sa mga labi niya. Miss na miss nga yata siya. Isa pang tugon sa h alik nito ay itinulak niya na si Alejandro. Umani iyon ng protesta mula rito ngunit wala naman nagawa nang mahina niyang tampalin ito sa bibig. “Naghihintay na sina Mommy at Daddy sa airport.” Kumusot ang ilong ni Alejandro. “Malalaki na sila. They can handle themselves. I want to be with you.” “Samahan mo na. Ilang oras lang
Chapter 38 Marahas na sinipa ni Alejandro ang pintuan ng kotse nang matapos ang putukan sa paligid. Napapamurang inalis niya ang bulletproofed vest sa ilalim ng suot niyang t-shirt bago iritadong sinipa ang wala ng hiningang lalaking tinadtad siya ng bala kanina. “Almeradez!” tawag sa kanya ng isa sa mga tauhan na ipinadala ng legal na organisasyon sa underground. “The Vasílissa was asking for the return of the favor.” Pinulot niya nabitawang baril nang banggain kanina ang kanyang sasakyan. “I still haven’t found the journal.” “Maybe your wife knows.” Naihilamos niya ang sariling palad sa mukha. “I don’t think she is. She’s not in the country for so long.” “The Sigma will not allow imperfections. If it gets into the wrong hands, a lot of lives will be lost.” Ang journal na tinutukoy nito ay ang pag-aari ni Keith Irancio na naglalaman ng mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno mula sa iba’t