Like our F B page: Pariahrei Stories for more updates
Chapter 48 (Part 2) Nailipat na si Alejandro sa pribadong kwarto at hinihintay na lang nilang magising. May bagong doktor na dumating at ito raw ang talagang mag-aasikaso sana sa asawa niya. Kaya lang ay nakiagaw raw si Igor. At dahil kaibigan ang lalaki ng may-ari ng GICC hospital, wala ng nagawa ang doktor kundi ipaubaya si Alejandro rito. Pinakitaan pa raw ni Igor ng lisensya at kung saang eskwelahan ito nagtapos ng medisina. Pero duda siya kung totoo ba iyon. Ang dami naman yatang trabaho ng kuya niya. Pinauwi na siya ni Mommy Ellaine nang mas lumalim pa ang gabi. Hindi raw makakabuti sa kanya na magpuyat at manatili ng matagal sa hospital dahil maraming pwedeng makuhang sakit. Hindi na siya dinapuan ng hiya nang h inalikan si Alejandro kahit nakatingin ang mga magulang nito sa kanila. Tatawagan na lang daw siya kapag gising na ang asawa niya dahil paniguradong hahanapin siya nito. Ang driver
Chapter 49 (Part 1) Mangiyak-ngiyak na niyakap niya si Alejandro nang makitang gising na gising na nga ito. “I h-hate you,” ngalngal niya at kinurot pa ito sa dibd ib “You don’t hate me, Baby Girl. Hmn…” ““Pinag-alala mo ako.” “Sorry.” Sumigok siya at mas ibinaon pa ang mukha sa dibd ib nito. “Sorry rin. Sorry po.” Alejandro scoffed her in his arms and planted a soft kiss on her forehead. Para na siyang baby na pinapatahan nito habang nakaupo siya sa espasyo sa kama na ibinigay nito sa kanya. “Let’s talk about us, can we?” Mabait na tumango siya at umalis sa pagkakasandal sa dibd ib ng asawa. Umuwi na sina Mommy Ellaine at Daddy Alex pagkarating niya kaya solo nila ni Alejandro ang private room nito. “Anong nangyari sa ‘yo? Nabaril ka ba kasi hinahanap mo ako? Sorry na inaway kita.” Umangat ang kamay ni Alejandro para punasan ang kanyang basing pisngi. “No. It’s not your fault.” “Pero kasi…”
Chapter 49 (Part 2) “You left and for seconds, I thought of letting you go. Pero hindi ko kaya dahil hindi na lang pala simpleng amusement, crush o pagkagusto ang nararamdaman ko sa ‘yo. I fall in love with you so much that I gone crazy. Nagbayad ako ng milyong dolyares para pekein ang pirma mo, para ikasal tayo sa ibat’ibang bansa.” Gumuhit ang ngisi sa labi ni Alejandro at umanggulo ang ulo na para bang inaalala nito ang kabaliwang ginawa. “Nang sumunod ako sa ‘yo sa Pennsylvania, problems after problems came. There’s a threat in your life. Malakas ang kapit ni Brent sa Pennsylvania. Inalis ka niya sa Pilipinas dahil alam niyang wala siyang laban sa akin dahil teritoryo ko ‘to. But in Pennsylvania, he builds his connection with the syndicates and gang members throughout the years. Then, Sigma came.” Narinig na niya ang tungkol sa Sigma at may kaunti siyang alam tungkol roon. “Naglatag sila ng kasunduan sa akin. Wala na
Chapter 50 “Huwag mong kalimutan na magpasalamat kay Kuya Igor, ha,” ani SK nang mabanggit ang tungkol kay Igor na siyang nagbigay sa kanya ng pangontra sa lason. D-mn that deadly bullet. It almost took his life. Hindi pa siya pwedeng mamatay! Marami pa siyang gustong gawin kasama ang asawa niya. Ni hindi pa nga naipapanganak ang panganay nila, babawiin na agad ang buhay niya? “Kasalanan niya kung bakit ako nabaril.” Gusto niyang umingos kaya lang baka pitikin ni SK ang nguso niya. Kaya nga humingi siya ng tulong sa kapatid ng asawa niya para huwag ng malagay sa alanganin ang buhay niya. Pero, sadyang may sapak din yata sa utak si Igor dahil sinama-sama pa siya kahit alam nitong hindi basta-basta ang mga kumidnap kay Leveyna. They’re not a normal syndicate nor terrorist that he was fighting over the years in service. Ibang klase ang mga iyon. Ang grupo yatang iyon ang isa sa mga mortal na kaaway ng Sigma. “Kahit na. Ma
Chapter 51 Napatingin siya kay Igor nang umupo ito sa harap niya. Ang mga mata nito ay nasa telibisyon din. “You know them?” Atubiling umiling siya. “Napapanood ko lang sa TV.” “Hindi ka ganon tumingin. You seem curious with Torillo. May atraso ba siya sa iyo?” Sumeryoso ang mukha nito na para bang isang sabi niya lang na may ginawang masama sa kanya ang lalaking iyon ay hindi ito magdadalawang isip na iganti siya. “Iyong babae kasi na katabi niya,” tinuro niya ang telibisyon. “Nasa labas siya ng mansyon kanina. Sabi niya siya raw ang mama ko.” “You believe her?” Saglit siyang natahimik nang bumalik sa kanyang isipan ang mukha nito nang makita niya nang malapitan. May pagkakahawig talaga sila ng babae. Sapat na ba iyong dahilan para sabihing ito nga ang tunay niyang ina? “Gusto mo bang tingnan ko kung nagsasabi siya ng totoo?” Mukhang naintindihan ng kapatid niya na bagaman may pagdududa si
Chapter 52 Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Sunshine Kisses sa tunay niyang ina sa kabila ng ilang buwan na ang nakalilipas mula nang pormal na makilala niya ito. Mabibilang lamang kasi sa mga daliri niya ang ilang beses nilang paglabas-labas. “How’s my granddaughter? What’s her name again?” tanong ni Glaiza sa kanya habang eleganteng umiinom ng tsaa sa harap niya. Inimbitahan siya nito sa bahay ng asawa nitong senador. Nakilala niya na rin ang step son nitong si Bernard—anak ni Senator Torillo sa unang asawa. “A-Alexi Vitoria po, Mommy.” May bumikig sa lalamunan niya dahil walong buwang gulang na ang kanyang anak ay hindi pa rin nito alam ang pangalan. Isa sa mga napansin niyang ugali nito ay hindi ito magiliw sa mga bata. Isang beses pa nga lang nito nakita si Baby Tori. Dumalaw ito sa bahay ng mga Almeradez dalawang linggo matapos niyang makalabas sa hospital. “Alexi. Such a beautiful name.” Sa kabila ng edad,
Chapter 53 (Part 1) “Huwag mong ki-kidnapin ang anak ko ha?” sita ni Sunshine Kisses kay Cassiopea nang makitang naglalakad ito pabalik-balik sa pwesto nito habang karga-karga si Baby Tori. “Ang kyut-kyut naman ng baby na iyan. Milyonarya ako panigurado kapag pinagbili ko ‘to.” Tinaliman niya ng tingin ang matalik na kaibigan. Ngali-ngali niya itong sabunutan at agawin si Baby Tori. “Ikaw ang nag-ere?” “Hindi,” tawa nito. Pinagh ahalikan nito si Tori sa pisngi na ikinahagikhik ng anak niya. Ang mga mata nito ay kumikislap sa bawat tama ng sikat ng araw. “Ang ganda-ganda ng mata. Kapareho nina Sir Ali at Sir Nix.” Relax na sumandig siya sa dati niyang swivel chair na ngayon ay pag-aari na ng empleyadong pumalit sa kanya. “Akalain mo iyon, ang nagtatago palang asawa mo ay si Sir Ali naman talaga,” malakas itong tumawa kaya napatingin sa kanila ang mangilan-ngilan na empleyadong nagla-launch sa kanya-kanyang working station. “Dine-demonyo pa kita noon n
Chapter 53 (Part 2) Bastos si Bernard sa hapag-kainan. Binabara nito ang sariling ama—mas lalo na ang kanyang mommy, kapag may ikinkwento o ipinagmamalaki man ang mag-asawang Torillo. “The head of finance will contact you for the information funds that the empire will give.” Ngumisi si Roger dahilan para makita ang sungki-sungki nitong mga ngipin. “Hindi nga ako nagkamali na tanggapin si SK.” Hindi niya naitago ang pagngiwi. Para kasing sinasabi na napilitan lang ito na tanggapin na may anak ang mommy niya dahil makikinabang ito sa kanya. Sa ilang sandali, gusto niya ng hilahin si Alejandro patayo at lumayas na sa bahay na iyon. Subalit natigilan siya nang makita ang kinang sa mga mata ng kanyang ina. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakita niya si Glaiza na maaliwalas ang bakas ng mukha, hindi napipilitan ang ngiti at nagsusumigaw ng kasayahan ang mga mata. Hindi talaga siya nito ginusto!