Chapter 59 Dahil sa gulo sa siyudad, pinili ni Alejandro na sa Hacienda Constancia muna sila ni Vitoria manatili hanggang sa humupa na ang isyu at maging maayos ang lahat. Wala ng lagnat si Tori at himbing na himbing na ang tulog nito sa hospital bed. Gayunpaman, hindi niya pa rin mabitaw-bitawan ang maliit nitong kamay. Muntik niya na itong mabitawan kanina. Kung hindi lang mabilis ang reflexes niya, malamang ay lumagabog na ang maliit nitong katawan sa matigas na semento. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakali mang nabitawan niya nga ang baby niya kanina. Galit na galit si Alejandro sa mga reporter. Ipinakuha nito ang CCTV sa labas ng hospital na kinaroroonan niya at inutusan ang family attorney ng mga Almeradez na sampahan ng kaso ang bawat isa sa mga iyon. Pribado siyang tao at hindi niya pinahintulutan kahit sino man na kuhanan siya ng larawan pati ang anak niya. Mas lalo na hindi siya makakapayag na nauwi pa
Chapter 60 “Nagawan na ng paraan ng bangko para kunin ang lahat ng mga natitirang ari-arian ng mga Torillo,” imporma ng family lawyer ng mga Almeradez sa bansa. “The government freezes other assets and bank account of the senator for further investigation.” “That’s all I want, Attorney.” Gumuhit ang ngisi sa mga labi ng matandang abogado na naninilbihan na sa pamilyang Almeradez binatilyo pa lang ang kanyang ama. Umiling-iling ito at tipid na tumawa. “You are so much like your father, Alejandro. Akala ko si Nexus lang ang nakakuha ng ugali ni Alexander na ubusan kung ubusan. Ikaw rin pala. I shouldn’t doubt you. You are the eldest son and Almeradez’s blood runs in your veins.” “I only did this for my wife. Gumaganti lang ako.” “Gumanti rin lang si Alexander nang bawiin niya lahat ng nakuha ni Leticia nang ikasal sila. Nexus’ mother tried to bring chaos between him and Ellaine. I don’t even want to remember how Ale
Chapter 61 “Happy birthday to you. Happy birthday to you,” masaya at sabay-sabay nilang kanta kay Baby Tori na nasa harap ng birthday cake nito. “Happy birthday, Baby Tori.” “Blow the candle!” the children shouted in unison. Mas excited pa sa birthday celebrant na nakangisi namang nakatingin sa kanila na para bang siyang-siya ito sa atensyon na nakukuha. “Tita, hindi naman nibo-blow ni Baby Tori,” sigaw ni Summer nang hindi pa rin kumilos si Tori kahit tapos na sila kumanta. “Ako na lang ang magbo-blow.” “Me. Me, I will,” si Giovanni na nagtataas pa ng kamay at humiwalay sa ama para makalapit sa kanila. “Tita SK, I’ll blow the candle for hey.” “Want blow.” Maging si Rozen ay nakigulo na rin. “Ako ang nauna. Back off!” “Baby Toyi is my cousin.” “Kids!” natatawang suway ni Alejandro sa mga ito nang nagsisimula na namang magtalo si Giovanni at Summer. “How about sabay-sabay—” Nabit
Chapter 62 Humagikhik si Vitoria nang gumawa siya ng tunog habang nakalapat ang labi niya sa tiyan nito. “Ah, you like that? Daddy will blow your stomach again?” Labas ang gilagid na sunod-sunod itong tumango. His baby will always be the adorable one. Ang kulay asul nitong mga mata ay nagpapaalala sa kanya ng bata pa siya. Sabi nga ng mommy niya, xerox copy niya raw ang panganay niyang ito. Huwag lang talagang mamana nito pati ugali niyang walang kasingkulit at tigas ng ulo. Siya ang hahabol-habol rito na magsuot ng damit o kaya diaper katulad ng pinagdaanan ng mommy niya sa kanya. Ibinalot niya ng mabuti ang diaper ni Tori na may lamang dumi bago itinapon sa basurahan pagkatapos niyang siguruhin na malinis at mabango na ang kanyang anak. Nasa mga bisig niya si Tori nang lumabas siya sa kwarto at bumaba ng hagdan. Sila lamang ang nasa loob ng mansyon dahil nasa pinauwi muna ni Nexus ang kasambahay ng m
Chapter 63 “Mahal na mahal mo talaga siya para umabot ka sa ganito?” “Oo!” “Kaya mo akong patayin at ang sarili mong apo para sa kanya?” “Hindi kita ginusto. Sinabi ko sa ama mo na hindi ko gustong mabuntis pa pero nagpumilit siya. Wala kang utang na loob. Pinanganak kita kahit kapalit niyon ay ang pagmomodelo ko.” “Ginusto mo ako. Hindi totoo na dinaaan ka sa takot ni Kuya Keith. May relasyon kayo.” “Wala kaming relasyon noon. Stalker ko siya noon at supplier ng droga. Pero hindi ko alam na siya pa pala ang tutuklaw sa akin.” “Mommy, tama na.” “Matatapos ito kung iu-urong niyo ang kaso laban kay Roger, ibabalik niyo ang kayamanan namin at hahayaan kaming makalabas ng bansa.” Kahit ilang buwan naman na ang nakalilipas, sariwa pa rin sa isip ni Sunshine Kisses ang usapan na iyon sa pagitan niya at ng kanyang ina. Na kahit sa pagtulog ay napapanaginipan niya iyon at gigis
Chapter 64 Ilan lamang ang bisita nila habang nagbibindisyon ang paring kakilala ni Mommy Ellaine dahil nasa trabaho pa raw. Nagpa-snack lang muna sila at hinayaang maglaro ang mga bata sa lawn ng bagong bahay nila habang silang mga babae ay nakatambay sa living room at nagke-kwentuhan. “Magkakapit-bahay na tayo. Let’s do this often kapag walang trabaho,” wika ni Neshara habang komportableng-komportable sa bean bag na kinalalagyan nito. “Sa ating lahat, ikaw lang ang numero unong walang trabaho.” Inirapan ni Mirethea ang babae. “Spoiled na spoiled ka sa mga in-laws mo.” “Mirethea Montes, i-best friend mo na kasi si Sir Amedeus.” Malakas na humalakhak ang babae na ikinasimangot ni Mrs. Funtellion. Mukhang hindi ito komportable sa father in-law nito. May mga ganon naman talaga. Swerte niya na nga lang dahil ang bait-bait sa kanya nina Daddy Alex at Mommy Ellaine. Minsan nga ay nahihiya siya sa pamilya ng asawa
Chapter 65 “Baby, sasama tayo kay Mimilola. Bihis ka na.” Hahabol-habol si Sunshine Kisses sa anak na hubo’t-h ubad na nagtatatakbo paikot-ikot sa kwarto nito. Ayaw na naman magsuot ng diaper at gusto na lang gumulong sa sahig ng walang kahit anong saplot. “No, per. No.” The little brat even stomped her feet before running away again. “Hindi ka pwedeng gumala ng nakahubad.” Nagyaya kasi si Mommy Ellaine na kumain daw sa labas. Ipapakilala raw nito si Tori sa mga amiga nitong hindi pa nakikita si Alexi Vitoria. “Don’t ‘ant ‘per.” “Ganito na lang. You will wear a diaper and clothes then, pupunta tayo kay Daddy after. How about that?” Agad na napalingon sa kanya si Tori nang marinig na binanggit niya ang daddy nito. “Dy. Want Dy…” Maligayang itinaas pa nito ang dalawang kamay at tumakbo na palapit sa kanya. Natatawang binuhat niya ito para pahigain at lagyan ng diaper. Hagikhik nang hagikhik s
Chapter 66 Mangiyak-ngiyak si Sunshine Kisses habang ginagamot ang natamo niyang paso sa balikat. Halos mahilo siya sa hapdi na nararamdaman dahil dinagdagan pa ng sugat sa kanyang binti. “Doc, masakit,” nguyngoy niya na parang bata. “Kaunti na lang ito, Ma’am. Masyadong mainit ang nabuhos sa ‘yo. Bagong kulo yata. This is a second degree of burning. Nauna ng ginamot ng nurse ang sugat niya sa binti. Iyak pa siya ng iyak sa bawat pagdamp ng cotton na may alcohol. Mabuti na lang at nasa tabi niya si Daddy Alex at ang lalaking tumulong sa kanya kanina. “Will she be okay?” “Yes, Mr. Almeradez. Continuous proper medication and check-ups lang ang kailangan. Kapag fully heal na, your daughter-in-law can undergo skin treatment.” Dahil ayaw niyang magpalagay ng swero, binigyan na lang siya ng doktor ng pain reliever. Pwede na raw siyang umuwi. Naiwan sila ng lalaking tumulong sa kanya nang lumabas ang doktor a