CHAPTER 7 (PART 2)Buffet style ang restaurant ng Almeradez Hotel. Maraming kumakain ngunit sapat naman ang lawak ng lugar para ma-accommodate lahat ng guest ng hotel. May nakakakila pa rin sa kanya kahit simpleng leggings at hoodie jacket nag suot niya. Namukhaan pa niya ang isang showbiz reporter mula sa malaking TV station ng bansa. “Chelary, It’s true you’re back in the Philippines. Can we ask you some questions? Kaunti lang.” Tiningnan niya ang pagkain sa kanyang harapan. Gutom na talaga siya. “Maraming usap-usapan na umuwi ka ng Pilipinas dahil papabagsak na ang career mo internationally. What can you say about that?” “I-I…” “She’s having dinner. It’s unethical asking her.” Parang sinundot sa pwet na napatayo ang reporter. “I am just asking a few question, Mr. Almeradez.” Aroganteng tumaas ang sulok ng labi ng lalaking may kulay asul na mga mata. “Nag-check in ka lang ba p
CHAPTER 8 Napahikbi si Chelary nang malamang nauwi sa lagnat ang ubo at sipon nito. Tumawag ang kanyang Auntie Marigen na nakita na lang daw nito kaninang umaga si Amber na nagdedeliryo na. At dahil may commercial shoot siya maghapon at agad na nakatulog pagdating sa suite, alas otso na nang gabi niya nabasa na isinugod pala sa hospital ang anak niya kaninang umaga. Hindi na siya nakapag-isip, basta na siya dumampot ng jacket at pera bago tumalilis ng takbo pababa ng hotel. Pinara niya ang unang dumaang taxi. Malayo na siya sa hotel nang mapansing hindi niya nadala ang cellphone. Hangos tuloy na nakipagsigawan na siya sa nurse ng hospital para lang sabihin sa kanya kung ano ang room number ng kanyang anak. “Sorry, Ma’am. Sumusunod lang po sa inutos sa amin sa taas.” Wala kasi siyang dalang ID. Naghigpit ng seguridad ang hospital dahil may nangyari raw barilan noong isang araw. Mabuti na lang at eksaktong nakita ni
CHAPTER 9 Halos magdikitan na ang mga kilay ni Amber nang pumamaywang si Riguel paharap rito. Sa halip na maintimida ang bata, m alditang inilagay rin nito ang isang kamay sa baywang habang ang isa ay bitbit pa rin ang teddy bear. “Who’s that kid?” Para sa kanya ang tanong ni Riguel. Gulat na napanganga siya. “Is she a thug?” Ngali-ngaling sapukin niya si Riguel. Hindi ba nito nakikita ang sarili kay Amber? Batang bersyon nito ang anak nila. “Lumayas ka na nga, Riguel. Dito ako matutulog.” “Get out, Mister,” daldal ni Amber at binilatan pa ang lalaki. “Why is she calling you mom?” “Mommy ko—” “She’s Amber. My niece.” “Liar!” sigaw nito sa kanyang mukha. Napaatras siya sa gulat nang magtalsikan ang mga laway ni Riguel. Umatungal ng iyak si Amber nang daklutin ni Riguel ang kanyang leeg. “R-Riguel,” kanda-ubo siya habang
CHAPTER 10 (PART 1) “What are you doing here?” sita agad ni Chelary nang mabungaran niya si Riguel sa labas ng pinto. “Sinusundo ka.” Matipid ang sagot ni Riguel ngunit pansin niya ang pasimpleng paggala ng paningin nito sa paligid na parang nagmamasid. “Dito ako matutulog, Riguel. Dito na rin ako uuwi. Ilang taon ko ng hindi nakakasama ang a—look,” bumuntong-hininga siya. Muntikan niya ng mabanggit ang anak. “My Auntie has been in Australia for years. Minsan ko lang siyang nakakasama.” “I’ll stay here, then.” “No!” Kumunot ang noo nito nang tumaas ang boses niya. “Let me talk to your Aunt. Governor entrusted you to me. You’re my responsibility, Chelary.” “Alam ko. But I’m still your boss. Kaya susunod ka sa akin.” Maangas itong humalukipkip. “I’m protecting your life. Buhay mo ang pinag-uusapan natin dito. Ako ang masusunod.” “Hindi kita pinilit na maging bodyguard
CHAPTER 10 (PART 2)“YOU suspended again?” Umanggulo ang ulo ni Gideon habang panay ang pirma nito sa tambak na papel na nasa mesa. The Lieutenant General is now in a cage with his suit and ties at four corners of the room. Parang kahapon lang ay sabay-sabay silang naparusahan nina Alejandro nang pingtulungan nilang bugbugin ang mga abusadong nakatataas na opisyal sa military school. Sabay-sabay rin silang muntikan ng ma-expel kung hindi lang malakas ang kapit ng pamilya nina Alejandro at Gideon. Walang palag sa kanila ang kahit sino sa batch nila dahil sagot nilang tatlo ang isa’t isa. Their friendship came way to the actual field. Sama-sama pa rin silang tatlo sa mga gyerang pinapadalhan sa kanila ng US military. Kaya lang dumarating talaga sa puntong kailangan nilang mamili. Riguel El Greco was the one who left the military first. Personal siyang ni-recruit ng makapangyarihang organisasyon. At dahil may kasunduan ang gobye
CHAPTER 11 “You don’t scold them naman,” sita sa kanya ni Amber nang isinakay niya ito sa loob ng kotse. He signaled his men to get back to their post. Agad naman itong nagsisunuran. “It’s your fault. Alam ba ng mga magulang mo na lumabas ka ng bahay?” “I told Mama that I will ride a bike. The bike should be on road not in the house.” Nakataas ang sulok ng labi ni Riguel nang paandarin niya ang sasakyan. Prenteng nakaupo ang bata sa passenger seat, nakahalukipkip habang nanghahaba ang makipot na bibig. Tuloy-tuloy siya sa bakuran ni Marigen nang binuksan ng malaki ng isa niyang tauhan ang gate. “You did not pagalit them. I won’t give you the kiss, ha Mr.” He shook his head and amusingly remove Amber’s seatbelt. Kahit parang nagtatampo sa kanya ay kinuha pa rin nito ang kamay niya nang pagbuksan niya ito ng pinto. “Know mo talaga ang mama ko?” “Marigen,” wika niya. “I’m trusted m
CHAPTER 12 (PART 1) Kunot na kunot ang noo ni Chelary habang nakatingin kay Riguel at Amber na naglalaro sa garden. Hindi niya alam ang mararamdaman. Riguel thought Amber is her daughter with another man. Akala niya nga ay alam na agad nitong anak nito si Amber dahil nakakandong na dito ang bata nang abutan niya. Iyon pala ay mabait lang ito kay Amber dahil anak niya ito. “Too late, my Ass,” gigil niyang usal sa mahinang boses. “Inanakan mo na akong gago ka.” Mabilis siyang ngumiti nang lumingon sa kanya ang anak at maligayang kumaway habang nakasampa ito sa likod ni Riguel. “Mommy, sakay ako kay Riguel.” Kumaway rin siya pabalik, hindi nag-abalang itama ang tawag ni Amber sa lalaki na parang asong sunud-sunuran sa anak niya. Naglakad siya palapit sa mga ito. “Be careful, mahulog ka riyan. Come on, you are not taking a bath yet.” “I want to swim at the pool. Sama ko si Riguel.”
CHAPTER 12 (PART 2) “Mommy is famous. People will,” napatigil si Amber at inilagay ang hintuturo sa baba nito na parang nag-iisip, “aha!, chika nila ang mommy ko ng bad if they know na baby ako ni Mommy. Bad ‘yon and they will take picture of me. They should pay me if they want my picture, duh.” Malambing ang tawa ni Riguel nang pisilin nito ang namumula sa pagkamestisang pisngi ng anak. “Alright. Leave it to me, Miss Ma’am. I’ll do something to make you shopping in peace. For now, can you please sit at the couch inside, Miss Ma’am? Pag-uusapan lang namin ng mommy mo kung paano niyo ma-enjoy ang pagpunta sa mall ng walang magpi-picture.” “Okay po.” Bumakas ang gulat sa mukha ng lalaki nang bigla na lang dumukwang si Amber at binigyan ito ng matunog na h alik sa pisngi. Patalun-talon ang bata papasok ng bahay. Nang dumaan sa kanya ay nag-flying kiss pa at humagikhik. Ibinalik niya ang tingin kay Riguel. Nakapamewang na ito habang may