CHAPTER 10 (PART 1) “What are you doing here?” sita agad ni Chelary nang mabungaran niya si Riguel sa labas ng pinto. “Sinusundo ka.” Matipid ang sagot ni Riguel ngunit pansin niya ang pasimpleng paggala ng paningin nito sa paligid na parang nagmamasid. “Dito ako matutulog, Riguel. Dito na rin ako uuwi. Ilang taon ko ng hindi nakakasama ang a—look,” bumuntong-hininga siya. Muntikan niya ng mabanggit ang anak. “My Auntie has been in Australia for years. Minsan ko lang siyang nakakasama.” “I’ll stay here, then.” “No!” Kumunot ang noo nito nang tumaas ang boses niya. “Let me talk to your Aunt. Governor entrusted you to me. You’re my responsibility, Chelary.” “Alam ko. But I’m still your boss. Kaya susunod ka sa akin.” Maangas itong humalukipkip. “I’m protecting your life. Buhay mo ang pinag-uusapan natin dito. Ako ang masusunod.” “Hindi kita pinilit na maging bodyguard
CHAPTER 10 (PART 2)“YOU suspended again?” Umanggulo ang ulo ni Gideon habang panay ang pirma nito sa tambak na papel na nasa mesa. The Lieutenant General is now in a cage with his suit and ties at four corners of the room. Parang kahapon lang ay sabay-sabay silang naparusahan nina Alejandro nang pingtulungan nilang bugbugin ang mga abusadong nakatataas na opisyal sa military school. Sabay-sabay rin silang muntikan ng ma-expel kung hindi lang malakas ang kapit ng pamilya nina Alejandro at Gideon. Walang palag sa kanila ang kahit sino sa batch nila dahil sagot nilang tatlo ang isa’t isa. Their friendship came way to the actual field. Sama-sama pa rin silang tatlo sa mga gyerang pinapadalhan sa kanila ng US military. Kaya lang dumarating talaga sa puntong kailangan nilang mamili. Riguel El Greco was the one who left the military first. Personal siyang ni-recruit ng makapangyarihang organisasyon. At dahil may kasunduan ang gobye
CHAPTER 11 “You don’t scold them naman,” sita sa kanya ni Amber nang isinakay niya ito sa loob ng kotse. He signaled his men to get back to their post. Agad naman itong nagsisunuran. “It’s your fault. Alam ba ng mga magulang mo na lumabas ka ng bahay?” “I told Mama that I will ride a bike. The bike should be on road not in the house.” Nakataas ang sulok ng labi ni Riguel nang paandarin niya ang sasakyan. Prenteng nakaupo ang bata sa passenger seat, nakahalukipkip habang nanghahaba ang makipot na bibig. Tuloy-tuloy siya sa bakuran ni Marigen nang binuksan ng malaki ng isa niyang tauhan ang gate. “You did not pagalit them. I won’t give you the kiss, ha Mr.” He shook his head and amusingly remove Amber’s seatbelt. Kahit parang nagtatampo sa kanya ay kinuha pa rin nito ang kamay niya nang pagbuksan niya ito ng pinto. “Know mo talaga ang mama ko?” “Marigen,” wika niya. “I’m trusted m
CHAPTER 12 (PART 1) Kunot na kunot ang noo ni Chelary habang nakatingin kay Riguel at Amber na naglalaro sa garden. Hindi niya alam ang mararamdaman. Riguel thought Amber is her daughter with another man. Akala niya nga ay alam na agad nitong anak nito si Amber dahil nakakandong na dito ang bata nang abutan niya. Iyon pala ay mabait lang ito kay Amber dahil anak niya ito. “Too late, my Ass,” gigil niyang usal sa mahinang boses. “Inanakan mo na akong gago ka.” Mabilis siyang ngumiti nang lumingon sa kanya ang anak at maligayang kumaway habang nakasampa ito sa likod ni Riguel. “Mommy, sakay ako kay Riguel.” Kumaway rin siya pabalik, hindi nag-abalang itama ang tawag ni Amber sa lalaki na parang asong sunud-sunuran sa anak niya. Naglakad siya palapit sa mga ito. “Be careful, mahulog ka riyan. Come on, you are not taking a bath yet.” “I want to swim at the pool. Sama ko si Riguel.”
CHAPTER 12 (PART 2) “Mommy is famous. People will,” napatigil si Amber at inilagay ang hintuturo sa baba nito na parang nag-iisip, “aha!, chika nila ang mommy ko ng bad if they know na baby ako ni Mommy. Bad ‘yon and they will take picture of me. They should pay me if they want my picture, duh.” Malambing ang tawa ni Riguel nang pisilin nito ang namumula sa pagkamestisang pisngi ng anak. “Alright. Leave it to me, Miss Ma’am. I’ll do something to make you shopping in peace. For now, can you please sit at the couch inside, Miss Ma’am? Pag-uusapan lang namin ng mommy mo kung paano niyo ma-enjoy ang pagpunta sa mall ng walang magpi-picture.” “Okay po.” Bumakas ang gulat sa mukha ng lalaki nang bigla na lang dumukwang si Amber at binigyan ito ng matunog na h alik sa pisngi. Patalun-talon ang bata papasok ng bahay. Nang dumaan sa kanya ay nag-flying kiss pa at humagikhik. Ibinalik niya ang tingin kay Riguel. Nakapamewang na ito habang may
CHAPTER 13 (PART 1)Kusang sumimangot si Chelary habang pinapanood ang mag-ama na magkahawak-kamay na naglalakad sa mall. Patalun-talon pa si Amber na parang hindi umiyak kanina. Inalu-alo lang ni Riguel sandali—si Amber daw ang baby nito. Ang anak niya naman ay dakilang uto-uto na tumahan agad.“Riguel, I like that!” sigaw ni Amber sabay turo sa naka-display na damit sa glass window ng isang boutique.“Let’s get that.” Nilingon siya ng lalaki. “Come on, Mommy. Keep up.”Kusang tumikwas ang kilay ni Chelary sa kalmado at may bahid ng lambing na boses ni Riguel. He’s been acting nice on her when Amber was around.Napapabuntong-hiningang sumunod siya sa dalawa nang magtatakbo si Amber papasok ng boutique. Bonding dapat nilang mag-ina ang araw na iyon at hindi ang mag-ama ang magpapakasaya.Hindi pa nga alam ni Riguel na anak nito si Amber, ay kuhang-kuha na agad nito ang loob ng kanyang anak. Paano pa kaya kung may ideya na itong dugo at laman nito ang bata?“Hello, Ma’am,” maligayang b
CHAPTER 13 (PART 2)Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang ibinigay ni Amber ang damit sa manager ng boutique na pinapanood sila. Kumislot siya nang bigla na lang hawakan ang kanyang baba. Inabot ng hinlalaki nito ang ilalim ng kanyang ibabang labi at hinila hanggang sa kumawa iyon sa pagkakagat ng kanyang mga ngipin. Madiin ang mga tingin sa kanya ni Riguel. Paos ang boses na nagsalita. “It’s bleeding.” Nalasahan niya ang dugo nang d ilaan niya ang sariling labi. “Don’t bite your lips. We can go home now. Don’t hurt yourself.” Maagap niya itong pinigilan sa kamay nang akmang tatalikuran siya. “Hindi muna tayo uuwi.” Hindi sumagot si Riguel. “We are safe, right?” Hinarap siya nito at pumamaywang. Putting his hands on his waist alone can make her talk more. “Amber is enjoying.” “Did you receive another threat?” “Hindi.” “Then, what
CHAPTER 14 “Mommy, there are cars outside the house,” wika ng kagigising pa lang na si Amber habang nakaluhod ito sa upuan at nakatingin sa labas. Alas-syete na nang gabi nang makarating sila sa bahay ni Auntie Marigen. Bukas ang lahat ng ilaw ng bahay. Nasa anim na kotseng hindi pamilyar sa kanya ang nakaparada sa harap ng bahay. “Oh em gee! It’s Lolo! It’s my Lolo!” sigaw ni Amber nang lumabas si Luigi sa front door. “Lolo Handsome in the world!!!” Hindi magkamayaw si Amber pababa ng upuan nang itinigil ni Riguel ang kotse. Tumalon ang bata palabas ng backseat at maliksing nilapitan ang kanyang ama. “Lolo, I’m here. Amber is here!” Tumili ang anak niya nang sinalo ito ni Luigi at binuhat pataas sa ere. Umere ang halakhak nito nang pabirong itinapon-tapon ito ng kanyang ama bago sasaluhin. “Dad,” tawag niya niya sa amang tumutubo na ang mapuputing balbas sa panga. “Chelary, my princess.”