Special chapter and Extra Chapters will follow. Follow our official favebook page: Pariahrei Stories for more spoilers and upcoming books.
Special Chapter(A sneak peek for Vitoria Alexi Almeradez’s story of Second Generation) Gigil na nagtipa si Tori ng reply sa text ng pinsan niyang si Vioxx. Siya na naman kasi ang sumalo sa mga nag-aalburutong iniwan nitong babae sa siyudad. Sa kanya hinahanap ang Kuya Vioxx niya at pinagbibintangan pa siyang itinatago niya ang lalaki. May isa pa ngang nakasabunutan niya dahil siya raw ang dahilan kung bakit iniwan ito ni Vioxx. Sinabunutan niya rin at dahil mainit talaga ang ulo niya nang araw na iyon ay ni-wrestling niya na. Ilang beses niyang nginudngod sa inidoro ng girl’s CR. Huh! Siya pa ang piniling kantihin. ‘Sasabihin ko talaga kung nasaan ka kapag hindi mo inasikaso ang mga hilaw mong bebe gurls.’ Sa kanyang pagka-bwisit ay nag-reply lang si Vioxx ng smiley e moji. Wala talagang kwentang kausap.Ni-replyan niya tuloy ng middle finger sabay block ng numero nito. Dakilang pasaway ang Kuya Vioxx niya. Kaliw
Extra Chapter 1 Alejandro noticed that his little princess—Jermaine Cathleen, was always fond of her mom’s make-up kits. Sampong taong gulang pa lang ay marunong ng maglagay ng lipstick sa bibig at palaging nagpapaganda. Mamuti yata ang buhok niya nang maaga sa tuwing naiisip na maraming boyfriend ang anak niya sa eskwela. Matigas ang ulong dineklara nito sa kanila ni SK na lahat raw ng pogi nitong kaklase ay ‘boyfriend’ nito. Halos pumutok ang ugat niya sa pambabawal rito kaya lang ay inatungalan na siya ng iyak. Ang kapatid naman nitong si Tori ay tinakot pa siya na lagot siya kay SK. “Baby Kat, you don’t need that,” wika niya nang makita na naman itong nakaupo sa harap ng vanity mirror ng kanyang asawa. Panay ang suklay ng kulot-kulot nitong buhok. “Dydy, need ko po. Para beautiful ako palagi.” “But you’re already beautiful. Kamukha mo si Mommy. Mommy is beautiful.” Inabot nito sa kanya ang lipstick
Extra Chapter 2 “Why can’t I reach your phone?” Payak ngunit may halong panganib ang boses ni Alejandro nang pumasok ang asawa niya sa front door ng mansyon. Pasado alas otso y medya nan ang gabi at kadarating pa lamang nito. Ni hindi nagsama ng driver o kahit bodyguard man lang. Nang tanungin niya ang kapatid nitong si Jessica ay umalis raw ito sa hospital nang bandang alas-kwatro at muli ng bumalik nang alas-syete. Saan ba nagpupunta ang asawa niya? Nabibiwisit siya sa kaisipang totoo nga ang sinabi ng panganay niyang may kasama itong lalaki. Hindi naman siya siguro matutulad kay Gideon na nanlalaki ang dating asawa dahil walang oras ang kaibigan niya iyon. No! F-cking no, SK will never do that to him. Hindi ganong uri ng babae ang asawa niya. “H-Hi!” Sunshine Kisses smiled at him while playing with her fingers. Kapag ganito ito, alam niyang kinakabahan ang asawa niya. At ayaw niya man, pero hindi niya na naman maiwang mag-isip
MILITARY MEN SERIES 3: RIGUEL: THE BODYGUARDRiguel El Greco’s StoryCHAPTER 1 Lumagapak ang palad ni Chelary sa pisngi ng kanyang nobyong si Kent nang mahuli niya itong umuungol sa kama kasama ang ibang babae. “Break na tayo!” bulyaw niya. “Magsama kayo ng babae mong hipon.” “How dare you? Kung ako mukhang hipon, ikaw naman ay tuod. Kent chose me because you’re boring.” Umusok ang ilong niya sa inis. “Anong sinabi mo?” Hinawakan siya ni Kent nang akmang susugurin niya ang babae nitong walang kahiya-hiyang nakatapi lamang ng kumot. “Bubunutin ko ‘yang bulbol mo, Kingina ka!” “Chelary!” “What?!” pinantayan niya ang taas ng boses ni Kent. “Its just a one time, a’right? You’re still I like. Pinaglabasan ko lang siya ng init.” Lumamlam ang mga mata nito at maingat siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Ikaw kasi, hindi ka man lang nagpapah alik. You’re boring and—” “B
CHAPTER 2 “Che,” narinig niyang katok ni Maude sa labas ng comfort room na kinaroroonan nila. “Are you okay?” Nangilid ang kanyang mga luha habang nakatingin sa pregnancy test na may dalawang guhit. Mag-iisang buwan na simula nang mahuli niya ang ex-boyfriend na si Kent at bilang ganti ay ibinigay niya ang kanyang virginity sa estranghero na bigla na lang niyang hinila. They got drunk and checked in at the hotel. “Papasok na ako,” wika ng kanyang bestfriend at pinihit ang seradura ng cubicle na hindi niya ni-lock. Tiningnan siya nito sa ilalim ng suot na salamin bago napatakip ng bibig nang makita ang dalawang guhit sa pregnancy test. “Hala!” Niyakap siya ni Maude nang tuluyan siyang mapahagulhol. “D-Daddy will kill me.” Her Dad, the strict Luigi Camara, is running for the vice governor of Isla Molave. Hindi pwedeng masira ang imahe ng kanyang ama dahil lang sa kanya na siyang nag-iisang anak nito. Pan
CHAPTER 3 (PART 1) 7 YEARS LATER… “Chelary, on the right.” Ikiniling niya ang ulo pakanan upang maiangulo ang mukha sa kuha ng camera. Flashes and clicks of cameras caught her pose. She’s in the middle of the red carpet of the famous Gala that is held in Hollywood annually. Nagsigawan ang kanyang mga fans na nag-aabang nang mag-flying kiss siya sa mga ito. She’s one of the most famous models and influential woman in the world. Palagi siyang kasama sa mga importante at prestihiyosong event hindi dahil sa ganda ng kanyang mukha at galing sa runway kundi dahil sa mga adbokasiya at malalaking charity na meron siya. Panay ang papuri kay Chelary nang tuluyan siyang makapasok sa mismong event hall dahil sa ganda ng kanyang gown na suot. It was the creation of her friend, the designer-based, Calieyah Lopez. Akmang-akma sa temang winter ang mabalahibong kulay puti niyang gown na ukab ang likuran. Kita ang kurba ng ka
CHAPTER 3 (PART 2) Maluha-luhang hinaplos ni Chelary ang mukha ng anak sa screen ng kanyang tablet. Nagvi-video call sila at ang bulilit ay inunahan na naman siya ng kadaldalan. Amber has these soft eyes pinkish cheeks that she always craves to caress. Kapag magkasama sila nito sa Australia ay palaging nakakandong sa kanya ang anak para magpahaplos ng buhok at pisngi nito. “I miss you,” she said, trying to stop her tears. Baka umiyak din ang bata kapag nakitang umiiyak siya. “I miss you too, Mommy. Grany-mommy said you’re working for my school. Thank you.” Malakas siyang napatawa habang naninikip ang dibd ib sa saya. Ang sweet-sweet talaga ng baby niyang. Mas lalo tuloy niyang nami-miss ito. Ayaw niyang masira ang kampanya ng ama kaya hindi pwedeng kunin niya na ito sa poder ng kanyang Auntie. Malaki ang utang na loob niya sa kanyang ama dahil kahit hindi iya nito totoong anak ay minahal, inalagaan at binihisan s
CHAPTER 4 Kumunot ang noo ni Chelary nang makita ang mga kasambahay na nag-uumpukan sa may sliding door ng garden. Kaya pala wala siyang mahanap na kasambahay sa kusina dahil may kung anong pinagkakaabalahan ang mga ito. Hagikhikan ang mga babae. Parang kinurot sa tinggil na napapatalun-talon pa. “Pst,” sitsit niya. “May artista ba riyan?” Nakisali na rin siya sa umpukan. Napaatras siya nang bigla na lang may tumulak sa kanya. “Huwag kang humarang. Ang gwapo—Ma’am!” Napasigaw si Menggay nang makitang siya ang itinulak nito. Sabay-sabay naman nagsilingunan ang mga kasambahay sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. “Anong tinitingnan niyo?” “Wala po,” kanda-iling ang mga ito. Si Menggay naman ay pulang-pula ang leeg at pisngi sa pagkapahiya. Nagsitabi ang mga ito nang naglakad siya papunta sa transparent sliding glass door na hindi niya na sana ginawa. Tukso…tukso si R