Extra Chapters are like a continuation after their marriage. Wala na sana kaya lang maraming nagde demand. Thank you sa lahat nagpu-purchase ng coins o kaya ay nagta-tyaga sa ads at free coins para lang mabasa ito. Kung nakarating ka dito dahil binasa mo ito sa legal na paraan, you earned my respect. Kung hindi naman, bahala ka sa buhay mo. Digital pa naman ang karma ngayon.
Extra Chapter 2 “Kilala mo? Senior Flight Attendant ‘yon,” daldal niya nang makapasok sila sa kotse. “Yeah.” Humalukipkip siya at sumimangot pa. “Maganda.” Wala siyang narinig na sagot mula sa asawa at sa halip ay binuhay nito ang engine ng kotse. “Ano nga, maganda ‘yon di ba?” Sinulyapan siya ni Gideon at tumaas lang ang dalawang kilay nito na kinabwisit niya. Nang hindi makatiis ay malakas niyang hinampas ang lalaki sa braso na hindi man lang nito ininda. “Strawberry,” may tono ng pagbabanta ang boses nito ngunit naroroon naman ang lambing. Peste! Inaaway na nga, malambing pa rin “Nakakainis ka! Babae mo ‘yon ‘no?” akusa niya at tinuro pa ito. Nilingon siya nito habang binagalan ang usad ng sasakyan hanggang sa tuluyan iyong tumigil bago pa man sila makalabas sa compound ng Vesarius Airlines. Impit siyang napatili nang bigla na lang haklitin ni Gideon
Extra Chapter 3Bumukas ang malaking front door ng mansion at lumabas roon ang pamilyar na lalaking may kulay gray na mga mata. “Man,” tango ni Gideon sa lalaki. Nagman-to-man hug ang dalawa bago nito iwinagayway ang tatlong key card katulad ng mga nakikita niya sa mga hotel. “The house is ready. I already installed a security system at the whole mansion. The roof and walls are bulletproofed just like what you like.” Tiningnan siya nito pati na rin si Summer. “Welcome to Northsire town.” “Thanks, Cale. I owe you, Man.” “Daddy, I won. I won.” Tumatakbo palabas ng mansion ang batang lalaki na may dala-dalang tablet. Bumitaw si Summer sa binti ng ama at nagsalubong ang mga kilay nang makita si Giovanni. Nagulat din ang batang lalaki nang makita si Summer ngunit nang makabawi ay binelatan ang baby niya. Nanlilisik ang mga mata ni Summer, palaban talaga. Hindi naman ito pinansin ng isa pang bulilit bagkus
Extra Chapters 4: Masakit ang balakang niya nang magising kinabukasan. Nanginginig rin ang tuhod niya na halos hindi siya makapaglakad ng maayos. Pagkatapos kasi nilang maghapunan kagabi, muli na naman siyang pina-ikot ikot ni Gideon. Hindi lang sa kama, pati sa sofa at saka sa banyo. Hindi yata na-satisfy sa naging honeymoon nila sa Bali, Indonesia no’ng isang buwan. “Mommy, are you okay?” Bumaba si Summer sa baby chair nito at tumakbo palapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at tila matandang inalalayan siya nito palapit sa mesa. Bahagya man nahihirapan, sinikap niya pa rin na buhatin ang anak para maka-upo sa kandungan niya. “Where’s your dad?” tanong niya bago inabot ang plato nitong may lamang pancake. Awtomatiko naman bumuka ang bibig nito para magpasubo sa kanya habang ang kamay ay nakalapat sa kanyang tiyan at masuyong hinahaplos-haplos. “Outside po.” Punong ang bibig na tumingala ito
Extra Chapter 5 Nakalaya na pala si Danielle. Hindi niya alam pero nabahala siya sa balitang iyon kahit wala naman siyang ginawang masama sa babae. Kung susumahin, ito pa nga ang may atraso sa kanya. Muntik ng mabaunan ng bala ang bungo niya dahil dito. Pagkatapos itong arestuhin ng mga pulis at magbigay siya ng statement niya ay hindi naman na niya nakita pa ang babae o kahit dinalaw man lang sa kulungan. “Good evening, Mrs. Ivanovich,” nakangiti niyang bati sa asawa ni Cale nang mapagbuksan sila nito ng pintuan. “Call me, Jenza. Masyado naman formal ang Mrs. Ivanovich. Welcome to our home.” Hinalikan siya nito sa pisngi bilang pagbati bago sila iginaya sa loob ng bahay. The Ivanovich’s family invited them for dinner. Pa-welcome daw iyon sa kanila bilang parte ng Northshire Village. Malapit lang ang bahay ng mga Ivanovich sa kanila. Nalaman niya kay Gideon na ang pamilya pala ni Jenza ang may-ari ng halos three fourth ng
Extra Chapter 6 Mahigpit na napakapit si Lyzza sa kanto ng lababo nang tuloy -tuloy niyang isinuka lahat ng mga kinain niya nang nagdaaang gabi. Masarap pa naman ang barbecue na niluto kagabi pati na rin ang mashed potatoes. Hindi na siya lumingon nang pabalyang bumukas ang pinto ng banyo. Kasunod ay may sumalikop ng kanyang buhok at hinagod ang kanyang likod. Namumutla at nanghihinang napasandal siya sa matipunong d ibdib ng asawa. Maingat siya nitong binuhat paalis ng banyo at inilapag sa kama. Sandali siya nitong iniwan at pagbalik ay may dala-dalang basang bimpo para punasan siya. Maga-aalas-singko pa lang ng madaling araw, nagising siya kanina dahil sa sama ng pakiramdam. Malamlam ang mga matang sinalubong niya ang tingin ni Gideon na kahit bagong gising ay bruskong-brusko pa rin ang dating. Gusto niyang maluha sa naisip. Ganitong-ganito siya noon kay Summer. Ang kaibahan nga lang ay nasa tabi niya na si Gideon. “You
Extra Chapter 7 May pumaradang kulay puting SUV sa harapan ng bahay nila. Impit siyang napatili nang bigla na lang kaladkarin ng mga lalaking lumabas mula roon si Danielle. Mabuti na lamang at wala ng masyadong tao sa kalsada. Kung meron man, duda siya na may makikialam sa nangyayari. Napatakbo siya pabalik sa loob nang bahay nang masilip niyang lumingon si Gideon sa kanyang kintatayuan. Nagtataka pa ang ina niya nang makasabayan niya pataas ng hagdan. “Magdahan-dahan naman. May baby riyan sa tiyan mo.” “Opo, Ma!” sagot niya ngunit mas kumaripas pa ng takbo papasok sa kwarto niya nang makita si Gideon na pumasok sa pinto ng bahay. Sumuot siya sa ilalim ng kumot at nagsumiksik sa tabi ni Summer. Baka sabihin ng asawa niya, tsismosa siya. At isa pa, may kasalanan na naman siya dahil hindi niya rito sinabi ang tungkol kay Danielle. Lihim na napahugot siya ng hininga nang bumukas ang pinto ng kwarto. Pinakiramdam
Extra Chapter 8 Nakakunot ang noo ni Gideon habang tutok ang kanyang mga mata sa harap ng tablet na hawak-hawak. Nasa Northshire Academy siya ngunit ang atensyon ay nasa Vesarius Airlines. Ni-send sa kanya ni Cleo ang sandamakmak na files na kailangan niyang basahin upang maaprobahan niya na sa susunod na araw. He should be in his d-mn office at the very moment kung hindi lang nagpapasaway ang panganay niyang anak. This past months, nagiging sakit sa ulo nila ni Lyzza si Summer. Normal lang naman na nagiging matigas ang ulo nito at pasaway dahil nagsisimula na ang edad nito papunta sa pagiging teenager. She is now nine years old—turning ten this month. Wala naman problema sa performance nito sa eskwela kaya lang kinakailangan niya talaga itong bantayan dahil madalas tumatakas sa eskwelahan. Kung hindi pupunta sa pinakamalapit na mall para sa shooting games sa arcade, ay sa totoong shooting range ito pumupunta. Her daughte
Alejandro Almeradez's StoryChapter 1 8 YEARS AGO, PENSYLVANIA USA… “Bud, Vasquez called. Nasa kanya na raw ang kopya ng marriage certificate mo.” Pabagsak na umupo si Gideon sa tabi ni Alejandro na nakaharap sa laptop nito at may kung anong kinukutingting doon. Ikiniling niya ang ulo para sulyapan ang matalik na kaibigan. Tumaas ang sulok ng labi nito nang makita kung ano ang pinapanood niya sa laptop. It was the CCTV at the Irancio Mansion. May access siya roon dahil na rin sa minsang pagligtas niya sa nag-iisang anak ng mayamang Vito Irancio. “I never knew you like kids,” ngisi ni Gideon. Itinaas niya ang gitnang daliri rito at tumayo para lumipat sa kaharap na upuan, bitbit ang laptop. “She’s not a kid, anymore.” Naaliw na pinanood niya si Sunshine Kisses na panay ang sayaw sa hallway ng ikalawang palapag ng bahay habang nasa mga tainga ang headphone. Bigay na bigay ang babae at