Extra Chapter 5 Nakalaya na pala si Danielle. Hindi niya alam pero nabahala siya sa balitang iyon kahit wala naman siyang ginawang masama sa babae. Kung susumahin, ito pa nga ang may atraso sa kanya. Muntik ng mabaunan ng bala ang bungo niya dahil dito. Pagkatapos itong arestuhin ng mga pulis at magbigay siya ng statement niya ay hindi naman na niya nakita pa ang babae o kahit dinalaw man lang sa kulungan. “Good evening, Mrs. Ivanovich,” nakangiti niyang bati sa asawa ni Cale nang mapagbuksan sila nito ng pintuan. “Call me, Jenza. Masyado naman formal ang Mrs. Ivanovich. Welcome to our home.” Hinalikan siya nito sa pisngi bilang pagbati bago sila iginaya sa loob ng bahay. The Ivanovich’s family invited them for dinner. Pa-welcome daw iyon sa kanila bilang parte ng Northshire Village. Malapit lang ang bahay ng mga Ivanovich sa kanila. Nalaman niya kay Gideon na ang pamilya pala ni Jenza ang may-ari ng halos three fourth ng
Extra Chapter 6 Mahigpit na napakapit si Lyzza sa kanto ng lababo nang tuloy -tuloy niyang isinuka lahat ng mga kinain niya nang nagdaaang gabi. Masarap pa naman ang barbecue na niluto kagabi pati na rin ang mashed potatoes. Hindi na siya lumingon nang pabalyang bumukas ang pinto ng banyo. Kasunod ay may sumalikop ng kanyang buhok at hinagod ang kanyang likod. Namumutla at nanghihinang napasandal siya sa matipunong d ibdib ng asawa. Maingat siya nitong binuhat paalis ng banyo at inilapag sa kama. Sandali siya nitong iniwan at pagbalik ay may dala-dalang basang bimpo para punasan siya. Maga-aalas-singko pa lang ng madaling araw, nagising siya kanina dahil sa sama ng pakiramdam. Malamlam ang mga matang sinalubong niya ang tingin ni Gideon na kahit bagong gising ay bruskong-brusko pa rin ang dating. Gusto niyang maluha sa naisip. Ganitong-ganito siya noon kay Summer. Ang kaibahan nga lang ay nasa tabi niya na si Gideon. “You
Extra Chapter 7 May pumaradang kulay puting SUV sa harapan ng bahay nila. Impit siyang napatili nang bigla na lang kaladkarin ng mga lalaking lumabas mula roon si Danielle. Mabuti na lamang at wala ng masyadong tao sa kalsada. Kung meron man, duda siya na may makikialam sa nangyayari. Napatakbo siya pabalik sa loob nang bahay nang masilip niyang lumingon si Gideon sa kanyang kintatayuan. Nagtataka pa ang ina niya nang makasabayan niya pataas ng hagdan. “Magdahan-dahan naman. May baby riyan sa tiyan mo.” “Opo, Ma!” sagot niya ngunit mas kumaripas pa ng takbo papasok sa kwarto niya nang makita si Gideon na pumasok sa pinto ng bahay. Sumuot siya sa ilalim ng kumot at nagsumiksik sa tabi ni Summer. Baka sabihin ng asawa niya, tsismosa siya. At isa pa, may kasalanan na naman siya dahil hindi niya rito sinabi ang tungkol kay Danielle. Lihim na napahugot siya ng hininga nang bumukas ang pinto ng kwarto. Pinakiramdam
Extra Chapter 8 Nakakunot ang noo ni Gideon habang tutok ang kanyang mga mata sa harap ng tablet na hawak-hawak. Nasa Northshire Academy siya ngunit ang atensyon ay nasa Vesarius Airlines. Ni-send sa kanya ni Cleo ang sandamakmak na files na kailangan niyang basahin upang maaprobahan niya na sa susunod na araw. He should be in his d-mn office at the very moment kung hindi lang nagpapasaway ang panganay niyang anak. This past months, nagiging sakit sa ulo nila ni Lyzza si Summer. Normal lang naman na nagiging matigas ang ulo nito at pasaway dahil nagsisimula na ang edad nito papunta sa pagiging teenager. She is now nine years old—turning ten this month. Wala naman problema sa performance nito sa eskwela kaya lang kinakailangan niya talaga itong bantayan dahil madalas tumatakas sa eskwelahan. Kung hindi pupunta sa pinakamalapit na mall para sa shooting games sa arcade, ay sa totoong shooting range ito pumupunta. Her daughte
Alejandro Almeradez's StoryChapter 1 8 YEARS AGO, PENSYLVANIA USA… “Bud, Vasquez called. Nasa kanya na raw ang kopya ng marriage certificate mo.” Pabagsak na umupo si Gideon sa tabi ni Alejandro na nakaharap sa laptop nito at may kung anong kinukutingting doon. Ikiniling niya ang ulo para sulyapan ang matalik na kaibigan. Tumaas ang sulok ng labi nito nang makita kung ano ang pinapanood niya sa laptop. It was the CCTV at the Irancio Mansion. May access siya roon dahil na rin sa minsang pagligtas niya sa nag-iisang anak ng mayamang Vito Irancio. “I never knew you like kids,” ngisi ni Gideon. Itinaas niya ang gitnang daliri rito at tumayo para lumipat sa kaharap na upuan, bitbit ang laptop. “She’s not a kid, anymore.” Naaliw na pinanood niya si Sunshine Kisses na panay ang sayaw sa hallway ng ikalawang palapag ng bahay habang nasa mga tainga ang headphone. Bigay na bigay ang babae at
Chapter 2 Hindi si Sir Ali ang talagang CEO ng Almeradez Empire kundi ang nakababata nitong kapatid na si Nexus. Pumalit ang lalaki nang maaksidente si Sir Nix at kailangan ng mahabang pahinga. Nang unang beses nila itong nakilala ay agad nitong nakasundo ang mga emplyedo dahil sa magaan nitong awra. Natatandaan pa niya na parang kandidato itong kumaway sa kanila nang ipinakilala ito ni Chairman Alexander bilang pansamantalang CEO. Kaya windang silang lahat nang ipinakaladkad nito si Loida sa mga naglalakihang gwardiya ng Empire. Agad nitong tinanggal sa trabaho at nag-utos na huwag papatapakin ang babae kahit sa bukana man lang ng building. Napayuko siya nang parang may choreography na sabay-sabay na nagsilingon sa kanya ang mga kasamahan nang pumasok siya sa kahabaan ng opisina nila. Hindi niya masisisi ang mga itong makiusyuso dahil tinawag siya ng boss nila na “wife”. Sinong hindi mawiwindang kung bigla na lang sinabi
Chapter 3 “How are you?” Napapikit si Sunshine Kisses nang marinig ang boses ni Floyd sa kabilang linya. Ninamnam niya ang pagtibok ng kanyang puso. Ganon ang reaksyon niya palagi sa tuwing tumatawag ito. “Ayos lang. May kaunting trouble sa opisina pero na-settle naman agad.” Isa sa mga nakahahangang katangian ni Floyd ay marunong ito magsalita ng iba’t ibang lengwahe. Last anniversary nila, kinantahan siya nito ng love song in French na bumagay sa kinaroroonan niya—sa Paris, France. His singing voice is beautiful even it was recorded. “That’s good. I don’t want my wife to be stressed out.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi at niyakap ang malaking unan bago parang pusa na bumaluktot sa ibabaw ng malaking kama niya. “K-Kailan ka uuwi?” She’s been asking him that multiple times over the past years. “How old are you?” “Twenty-five.” “Hmn…” Pumikit siya sa p
Chapter 4 “Nyak!” sigaw niya nang makitang panty niya ang nakabusal sa bibig ni Alejandro. Mangiyak-ngiyak na inalis niya iyon at malakas na itinulak ang lalaki palabas ng walk-in closet. Bago pa man ito makapag-protesta ay binagsakan na niya ito ng pinto. Nag-iinit ang pisngi sa hiya na nasabunutuan niya ang sarili at tumalun-talon na parang baliw. “Gaga ka, SK. Ba’t mo binusalan ng panty ang bibig ng boss mo?” Sinamaan niya ng tingin ang walang kamuwang-muwang na panty. Binitawan niya iyon ngunit pinulot ulit at inamoy. Nang maamoy ang fabric conditioner ay nakahinga siya ng maluwag at napausal ng pasasalamat. Hindi naman siguro nakita ni Alejandro na panty niya ang ibinusal sa bastos nitong bibig. “Kisses Kulit. Are you okay? Bakit mo ako biglang pinagsarhan? It’s cold here.” “Wala ka pong pakialam.” Binitawan niya ang walanghiyang undergarment niya at muling kumalkal sa damitan. Nang sa wakas ay