Extra Chapter 8 Nakakunot ang noo ni Gideon habang tutok ang kanyang mga mata sa harap ng tablet na hawak-hawak. Nasa Northshire Academy siya ngunit ang atensyon ay nasa Vesarius Airlines. Ni-send sa kanya ni Cleo ang sandamakmak na files na kailangan niyang basahin upang maaprobahan niya na sa susunod na araw. He should be in his d-mn office at the very moment kung hindi lang nagpapasaway ang panganay niyang anak. This past months, nagiging sakit sa ulo nila ni Lyzza si Summer. Normal lang naman na nagiging matigas ang ulo nito at pasaway dahil nagsisimula na ang edad nito papunta sa pagiging teenager. She is now nine years old—turning ten this month. Wala naman problema sa performance nito sa eskwela kaya lang kinakailangan niya talaga itong bantayan dahil madalas tumatakas sa eskwelahan. Kung hindi pupunta sa pinakamalapit na mall para sa shooting games sa arcade, ay sa totoong shooting range ito pumupunta. Her daughte
Alejandro Almeradez's StoryChapter 1 8 YEARS AGO, PENSYLVANIA USA… “Bud, Vasquez called. Nasa kanya na raw ang kopya ng marriage certificate mo.” Pabagsak na umupo si Gideon sa tabi ni Alejandro na nakaharap sa laptop nito at may kung anong kinukutingting doon. Ikiniling niya ang ulo para sulyapan ang matalik na kaibigan. Tumaas ang sulok ng labi nito nang makita kung ano ang pinapanood niya sa laptop. It was the CCTV at the Irancio Mansion. May access siya roon dahil na rin sa minsang pagligtas niya sa nag-iisang anak ng mayamang Vito Irancio. “I never knew you like kids,” ngisi ni Gideon. Itinaas niya ang gitnang daliri rito at tumayo para lumipat sa kaharap na upuan, bitbit ang laptop. “She’s not a kid, anymore.” Naaliw na pinanood niya si Sunshine Kisses na panay ang sayaw sa hallway ng ikalawang palapag ng bahay habang nasa mga tainga ang headphone. Bigay na bigay ang babae at
Chapter 2 Hindi si Sir Ali ang talagang CEO ng Almeradez Empire kundi ang nakababata nitong kapatid na si Nexus. Pumalit ang lalaki nang maaksidente si Sir Nix at kailangan ng mahabang pahinga. Nang unang beses nila itong nakilala ay agad nitong nakasundo ang mga emplyedo dahil sa magaan nitong awra. Natatandaan pa niya na parang kandidato itong kumaway sa kanila nang ipinakilala ito ni Chairman Alexander bilang pansamantalang CEO. Kaya windang silang lahat nang ipinakaladkad nito si Loida sa mga naglalakihang gwardiya ng Empire. Agad nitong tinanggal sa trabaho at nag-utos na huwag papatapakin ang babae kahit sa bukana man lang ng building. Napayuko siya nang parang may choreography na sabay-sabay na nagsilingon sa kanya ang mga kasamahan nang pumasok siya sa kahabaan ng opisina nila. Hindi niya masisisi ang mga itong makiusyuso dahil tinawag siya ng boss nila na “wife”. Sinong hindi mawiwindang kung bigla na lang sinabi
Chapter 3 “How are you?” Napapikit si Sunshine Kisses nang marinig ang boses ni Floyd sa kabilang linya. Ninamnam niya ang pagtibok ng kanyang puso. Ganon ang reaksyon niya palagi sa tuwing tumatawag ito. “Ayos lang. May kaunting trouble sa opisina pero na-settle naman agad.” Isa sa mga nakahahangang katangian ni Floyd ay marunong ito magsalita ng iba’t ibang lengwahe. Last anniversary nila, kinantahan siya nito ng love song in French na bumagay sa kinaroroonan niya—sa Paris, France. His singing voice is beautiful even it was recorded. “That’s good. I don’t want my wife to be stressed out.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi at niyakap ang malaking unan bago parang pusa na bumaluktot sa ibabaw ng malaking kama niya. “K-Kailan ka uuwi?” She’s been asking him that multiple times over the past years. “How old are you?” “Twenty-five.” “Hmn…” Pumikit siya sa p
Chapter 4 “Nyak!” sigaw niya nang makitang panty niya ang nakabusal sa bibig ni Alejandro. Mangiyak-ngiyak na inalis niya iyon at malakas na itinulak ang lalaki palabas ng walk-in closet. Bago pa man ito makapag-protesta ay binagsakan na niya ito ng pinto. Nag-iinit ang pisngi sa hiya na nasabunutuan niya ang sarili at tumalun-talon na parang baliw. “Gaga ka, SK. Ba’t mo binusalan ng panty ang bibig ng boss mo?” Sinamaan niya ng tingin ang walang kamuwang-muwang na panty. Binitawan niya iyon ngunit pinulot ulit at inamoy. Nang maamoy ang fabric conditioner ay nakahinga siya ng maluwag at napausal ng pasasalamat. Hindi naman siguro nakita ni Alejandro na panty niya ang ibinusal sa bastos nitong bibig. “Kisses Kulit. Are you okay? Bakit mo ako biglang pinagsarhan? It’s cold here.” “Wala ka pong pakialam.” Binitawan niya ang walanghiyang undergarment niya at muling kumalkal sa damitan. Nang sa wakas ay
Chapter 5 Naihilamos ni Alejandro ang sariling palad sa mukha nang mawala sa paningin niya si Sunshine Kisses. Kumaripas ng takbo ang makulit na parang bata dahil lang sa hinalikan niya. Ayaw ba nito sa h alik niya at gusto sa asawa nito? Magkasalubong pa rin ang mga kilay na dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at pumasok sa loob ng kotse nang makitang si Riguel iyon. “Bud,” aniya habang ang tingin ay tumuon sa taas ng malaking mansyon—partikular na sa bintana kung saan naroroon si SK. “Gideon has been drinking all day. This stinking b-stard chose me to listen to him calling his wife. Mukha bang ako ang asawa niya?” Mahina siyang natawa sa reaksyon ng kaibigan. Naninibago yata dahil matagal-tagal din nanatili sa Isla Molave. Balak yatang maging ermitanyo para bantayan ang anak ng gobernador. “Bear with him. He lost a precious one.” “F-ck you! Sinasabi mo lang ‘yan dahil wala ka rito. Try to b
Chapter 6 Late na nakapasok si SK kinabukasan. Inaasahan na niya ang pagtaas ng kilay ng mga ka-trabaho kaya naman gulat siya nang halos umiyak na ang mga ito nang makita siya na pumasok sa palapag ng marketing department. Dinumog siya at sabay-sabay na umusal ng pasasalamat at pakiusap na pumunta siya sa opisina ng CEO. Alas-syete y medya pa lang daw ay may memo na agad ang CEO tungkol sa termination ng mga partikular na pangalan. Wala naman talaga siyang balak na hindi pumunta kaya lang ay tinanghali siya ng gising dahil hindi siya pinatulog agad ng h alik ni Alejandro. Makamandag, kumalat sa buong katawan niya kaya mulat na mulat siya. Wala siyang nagawa nang kunin ng mga ito ang kanyang mga gamit na dala at itinulak siya pabalik sa elevator pataas. Wala ang sekretaryo ni Sir Nix na si Zach nang makarating siya sa opisina kaya nag-atubili pa siyang tumuloy no’ng una. Ngunit nang makita niya sa transparent na salamin na
Chapter 7 Natawa siya sa sinabi nito. Kaibigan ng pamilya niya ang mga Williams kaya madalas silang ipares ng lalaki sa isa’t isa noong mga bata pa lamang sila.Hindi na siya nagulat nang dampian siya ng h alik ni Brent Williams sa kanyang magkabilang pisngi matapos niya itong pakawalan sa pagkakayakap. Madalas magbiro noon si Attorney Fausto Williams sa Papi niya na ipapakasal sila nito kapag sumapit sa tamang edad. Brent was her best friend. Umalis ito sa Pennsylvania nang tumuntong ng dose para mag-aral sa New York. Ang madalas na pagpapares sa kanila ng ama nito ay nakasanayan ni Brent kaya asawa niya ang tawag nito sa sarili na tinatawanan niya lang. May ideya naman ito na may asawa na siya dahil nabanggit niya iyon dito sa minsanang pag-uusap nila nitong mga nakaraang taon. “I’m good. Ikaw?”“This is the first time I set my foot again in this country after decades. I’m good.” Nakakaintindi at nakakapagsalita ito ng Filipino dahil p