Tumayo si Gladys at sumigaw, "Yosef, makonsensya ka naman kapag nagsasalita ka!" "Si… Si Thea ang pumilit sa'kin na gawin to. Pagkatapos, sinabihan niya si James na pagbantaan ako para pagbintangan si Mr. Howard," pinipilit ni Yosef na sina Thea at James ang nagbanta sa kanya. "Ikaw…" Dumilim ang mukha ni Gladys. Pakiramdam din ni Thea ay hindi ito makatarungan. Matagal na niyang binubuhos ang sarili niya sa pamilya ngunit nauwi siya sa ganitong sitwasyon. Huminga nang malalim si James para pigilan ang galit niya. Naintindihan niya na nasa Cansington siya ngayon, isang lungsod ng kapayapaan, at wala na siya sa Southern Plains. "Tama na!"Hindi pa ba sapat to? Thea, mapapatawad kita kung gumawa ka ng pagkakamali. Lalo na't bata ka pa at hindi mo pa kayang lumaban sa tukso. Basta't akuin mo ang pagkakamali mo at ayusin ito, doon ka mapapatawad. Pero, anong sinusubukan niyong gawin? Pumatay ng tao?" sigaw ni Lex. "Hindi ko ginawa yun!" Sigaw ni Thea pabalik. Bang!Hinamp
"Ma, imposible yun! Paano ko magagawa yun?" Naluha si Thea sa pagbibintang sa kanya. 'Ayos lang kung di ako pinapaniwalaan ni Lolo, pero pinagduduhan rin ako pati ng mga magulang ko,' naisip ni Thea. "Ma, may tiwala ako kay Thea na di siya gagawa ng ganung bagay. Baka ang Howard family ang gumagawa ng kaduda-dudang bagay," sabi ni David. Tumango si Alyssa. "Oo nga. May 50% ng shares ng ganito business ang pamilya natin at naibalik kay Thea ang posisyon ng executive chairman. Si Howard ang palaging may kontrol sa family business kaya paano niya magagawang ibigay ito nang ganun kadali?" "Hay," bumuntong-hininga si Gladys. Sa umpisa, inisip ni Gladys ay magkakaroon sila ng magandang buhay at hindi niya inasahan na mangyayari ang napakaraming bagay. "Hindi ba talaga ako itinadhana na maging isang mayamang asawa sa buhay na'to?" "Paano kung magsimula tayo ng sarili nating kumpanya? Sa kakayahan ni Thea, tiyak na maitatatak natin ang pangalan natin sa kapitolyo ng medisina, sa
Walang nagawa si James. Hindi gustong paunlarin ng pamilya ang mga sarili nila at gusto lang nilang maupo at magsaya sa tagumpay. Tok, tok, tok! "David, buksan mo ang pinto," sabi ni Gladys. Wala sa mood si David kaya tinignan niya si Alyssa sa tabi niya. "Babe, ikaw na." "Tinatamad tumayo si Alyssa at tinignan si James. "Ikaw na, James." Nanlumo si James sa pag-uugali nila. Nakakatamad ng buong pamilya nila. Gayunpaman, wala siyang sinabing kahit na ano at binuksan ang pinto. Sa pintuan, nakatayo ang isang matandang lalaking nasa pitompu o walompung taong gulang. Simple ang pananamit niya at may dala siyang ilang bote ng magandang wine. "S-Sino sila?" Tumingin si James sa lalaking nakatayo sa labas ng pinto nang may pagtataka sa mukha niya. "I-Ikaw siguro si James. Ako ang granduncle ni Thea." "Oh, pumasok kayo." Inimbitahan ni James si Trevor Callahan papasok ng bahay. Dumilim ang mukha ng buong pamilya sa sandaling nakita nila si Trevor na pumasok ng bahay.
Natukso rin si Gladys sa mga salita niya. Sabi ni David, "James, alam mo ba kung gaano kababa ang Pacific kumpara sa Eternality? Kahit na isa tong malaking manufacturing company, sinabi na ni Granduncle na malapit na itong magsara. Hindi lang siya hindi pwedeng tumanggap ng bagong orders, sampung milyon rin ang utang ng kumpanya. Hindi ito madaling hawakan, hindi ba? At saka, buong buhay na itinayo ni Granduncle ang Pacific. Baka hindi pa niya ito ibenta kahit na alukin mo siya ng malaking pera." Tumango si Benjamin. "Tama siya. At saka may pera ka ba?" "Hindi problema ang pera. Maghahanap ako ng paraan para makakuha ng pera," simpleng sabi ni James. Natutukso na si Gladys. Tiyak na kikita siya ng pera kung magagawa niyang magpalago ng sapat na pondo para kunin ang Pacific Group. Kumpleto ito sa tao at kasangkapan para magpatuloy na tumakbo. Higit pa roon, may koneksyon si Thea sa Celestial Group at Longetivity Pharmaceuticals. Kung kaya't tiyak na makakatanggap sila ng order
"Granduncle, gawin na ba natin ang transfer procedure ngayon?" Tinignan ni Thea si Trevor. "Sige, sige, pero… Thea, may pera ka ba?" Unti-unting kumalma ang pagkasabik ni Trevor at nagdududa siyang nagtanong. "Hindi mo naman niloloko si Granduncle mo, hindi ba?" Tumingin si Thea kay James. "Ibigay mo sa'kin ang card." Kinuha kaagad ni James ang Black Dragon Card niya. "Gaano karaming pera ang laman nito?" tanong ni Thea. Ang alam niya, napunta sa military court si James at napatalsik dahil gumalaw siya ng pera. Kung kaya't hindi niya alam kung gaano karaming pera ang meron siya sa loob ng card. "Hindi naman marami. Siguro mga nasa dalawandaang milyon?" Nagsabi si James ng isang hindi eksaktong numero. Sapat na ang dalawandaang milyon para ayusin ang problema ni Thea ngayon. Isandaang milyon para sa acquisition funds ng kumpanya at isandaang milyon bilang kapital. Hindi niya gustong galitin si Thea sa pagsabi ng isang mataas na numero. "Oo nga pala, wala man lang
Mula sa Cansington si Calvin Oswald at natural na alam niya ang tungkol kay Thea mula sa Eternality. 'Hindi ba pinutol na ni Lex ang ugnayan niya kay Trevor? Bakit nandito si Thea?' pagtataka ni Calvin. Marami siyang ginawa para makuha ang Pacific Group. Pumayag siya na magpautang ng pera pagkatapos tignan ang pinagmulan ng Pacific Group. Malapit nang mapasakanya ang Pacific Group, pero biglang lumitaw si Thea ngayon. "I-ikaw siguro si Thea mula sa Eternality? "Hello, Ms. Callahan. Ako si Calvin mula sa mga Oswald." Tumayo si Calvin at iniunat ang kamay niya para batiin si Thea nang nakangiti. “Hmm?”Tinignan siya ni Thea, at walang pakialam ang maganda niyang mukha. Binawi ni Calvin ang kamay niya sa hiya at nagsabi nang may naiilang na ngiti, "Ms. Callahan, hindi ka naman siguro nandito para magpautang ng pera sa Pacific Group, tama?" "Anong ibig sabihin mo sa 'pauutangin sila ng pera'? Nandito kami para bilhin at kunin ang Pacific Group," sabi ni James. "Ano?"
Mabilis lang ang transfer process. Sinabihan ni Trevor ang sekretarya niya na gumawa ng transfer contract habang nag-login naman si James sa online banking niya at nagpadala kaagad ng 100 million sa personal account ni Trevor. Kasabay nito, nagpadala rin si James ng isa pang 100 million sa account ng kumpanya bilang capital funds. Pagkatapos magtagumpay ng transfer, pumirma sila ng kasunduan. Para bang tumanda si Trevor sa isang iglap. Tinignan niya si Thea at tinapik ang balikat niya. "Thea, ikaw na ang bahala sa Pacific Group. Hindi ko to nadala sa rurok ng tagumpay, pero sana magawa mo to sa hinaharap," sabi ni Trevor. "Wag kang mag-alala, Granduncle. Tiyak na palalakihin ko ang Pacific Group," nangako si Thea at pinagaan ang loob ni Trevor. "Oo nga pala…" Biglang nakaalala si Larry at humarap kay Thea para ipaalam sa kanya, "Gumagawa ng gulo ang mga empleyado ng kumpanya sa pabrika at napunta sila roon kasama ng ilang dosenang trak. Nagbabanta sila na ibebenta nila
Naiintindihan ni Trevor ang paghihirap ng mga empleyado. Tinuro niya si Thea sa tabi niya at nag-anunsyo, "Kayong lahat, siya ang bagong chairman ng kumpanya, si Thea. Siya na ang may hawak sa Pacific Group mula sa araw na'to. Wag kayong mag-alala. May pero na ang Pacific Group at kaagad naming ibibigay ang sahod ng lahat." "Ano? Si Thea?" "Hindi ba nagtatrabaho si Thea sa Eternality? Bakit siya nagpunta sa Pacific Group?" "Totoo ba ang sinasabi mo, Mr. Trevor?" Nakatitig kay Thea ang mga empleyado. "Oo, totoo ito. Ibibigay sa lahat ang tatlong buwang sahod niyo na hindi naibigay noon. Higit pa roon, nagpasya ako na bigyan ang lahat ng dagdag na kalahating buwan ng sahod bilang kumpensasyon. Nangangako ako na magtatrabaho na ang lahat araw-araw at baka pa nga mag-overtime pa kapag bumalik ang sigla ng kumpanya! Tiyak na dodoblehin ko ang sahod ng lahat." Natuwa ang lahat na marinig ang balita. Lumapit si Quill at yumuko. "Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Callahan. Ako