Nagdilim ang ekspresyon ni Rowena. Sa wakas ay alam na niya kung sino ang sumira sa kanyang pamilya."Anong gusto mo, James?""Haha…"Nagsimulang tumawa si James, ngunit walang katatawanan dito. Nakakatakot ang tawa niya."Tinatanong mo kung ano ang gusto ko, Rowena?"Ikaw ang dahilan kung bakit maling inakusahan ang aking grandfather at naging katatawanan ng buong bayan.“Ikaw ang naging dahilan ng pag-atake sa puso ng tatay ko, tapos tinulak siya palabas ng ikatlong palapag at nagsinungaling sa lahat at sinabing nagpakamatay siya."Ikaw, at ang iba pang The Great Four, ay itinali ang aking buong pamilya at sinunog ang aming tahanan. Pinatay mo ang higit sa tatlumpung tao, at tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko?!"Si James ay parang tigre na nakatakas sa kulungan nito. Dugo ang lumabas sa kanya.Umungol siya, nagpanting ang mga tenga ni Rowena at natigilan siya.Natatakot siya ngayon. Hindi pa siya natakot nang ganito.Si Rowena ay isang matalinong babae. Pinatay ni Jam
Ang sigaw ni James ay parang dumadagundong na kulog, na nagpanting sa tenga ni Rowena at naiwan siyang tulala.Ang tanging nagawa niya ay humikbi, hindi alam kung ano pa ang isasagot.Pagkatapos ng ilang sandali, sa wakas ay huminahon na siya para magsalita, bakas sa mukha niya ang kawalan ng pag-asa. "Hindi ko alam.. Hindi ko talaga... S-sa tingin ko dinala ni Trent ang paitning sa Capital para iregalo sa ‘di ko kilalang tao."Slice!Kinuha ni James ang switchblade mula sa kama at inihampas ito sa kamay ni Rowena, tumalsik ang dugo kung saan-saan.Ibinuka ni Rowena ang kanyang bibig sa matinding paghihirap, ngunit walang boses na lumabas. Nanginginig ang ekspresyon niya sa sakit at nanginginig.Kaswal na naglabas si James ng ilang silver needles at ipinasok sa katawan ni Rowena.Hindi pa pwedeng mamatay si Rowena. Hindi pwede hangga’t wala ang painting sa kanyang mga kamay.Tumigil sa pagdurugo ang kanyang palad matapos maipasok ang mga karayom, ngunit nandoon pa rin ang sakit
Ang lakas niya ay higit sa maiintindihan ng pangkaraniwan. Hindi lang iyon, isa rin siyang napakatalentadong doktor. Kahit kailan ay hindi niya naisip na magkakaroon ng ganito nakakatakot na pagkatao si James. Kaya pala walang ginawa ang Blithe King nang namatay si Trent. Ang taong pumatay kay Trent ay ang Black Dragon, isang taong hindi pwedeng hawakan maski ng Blithe King. Kumalma lang si Charles nang umalis si James. Basang-basa ng pawis ang buong katawan niya. Nanginig siya ulit nang nakita niya ang sugatang si Rowena na tumalikod para tumakas. "Wag… Wag kang umalis. I-Iligtas mo ko. Dalhin mo ko sa ospital… May… May pera ako, babayaran kita."Gustong mamatay ni Rowena kanina, pero ngayong wala na si James, bumalik ang kagustuhan niyang mabuhay. Huminto si Charles nang nabanggit ang pera. Tinimbang niya ang mga pagpipilian niya. Sabi ni James ay iiwanan niyang buhay si Rowena bago siya umalis. Kung umalis siya at namatay si Rowena, wala siyang takas kung magpasya s
Hindi nagtagal, sumilip ang araw sa kalangitan at niliwanagan ang madilim na mundo. Pinatay niya ang mga patriarch ng The Great Four at nagbigay-galang sa mga kaluluwa ng pamilya niya sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga ulo nila sa lolo niya. Sa kabilang banda, ngayon ay isang malaking okasyon para sa Cansington, maski sa pamantayan ng limang rehiyon. Wala pang opisyal na anunsyo para sa petsa ng pagpapasa ng titulo ng Blithe King pero nagpadala sila ng paalala na gaganapin ito ngayon hapon sa military base ng Cansington. Nagkagulo ang lahat dahil dito. Sinusubukan pa ring malaman ng mga mamamayan ng Cansington kung paano makakakuha ng imbitasyon sa okasyong iyon. Kasunod nito, isa na namang balita ang yumanig sa Cansington. "Magandang umaga. Ito ang Cansington News. Kagabi, ang sikat na tycoon na si Yves Frasier ay natagpuang patay sa bahay niya. Pati sina Jacob Zimmerman at Desmond Wilson ay natagpuan ring patay sa mga bahay nila. Namatay sila sa parehong paraan, nakatal
Hindi alam ni Hector kung bakit takot na takot si Rowena. Gayunpaman, alam niya na nalaman na ni Rowena ang pagkatao ng pumatay sa ama nila. Ito rin ang taong pumatay sa iba pang patriarch. Isang pamilya ang naisip niya. Ang mga Caden! Isang pamilya lang ang may sama ng loob sa mga Xavier pati sa tatlo pang pamilya. Iyon ay ang mga Caden na nabura sampung taon na ang nakakaraan! Hindi na siya nagtanong o nagsabi ng kahit na ano, sa halip ay tumalikod siya para umalis. Habang nakahiga sa kama, nawalan ng pag-asa si Rowena. Ang gusto lang niya ay maibalik ang kapangyarihan ng mga Xavier. Ngayon, nalaman niya na wala siyang magagawa. Dapat niyang bilangin ang mga biyaya na buhay pa ang pamilya niya. "Nakakatakot ang Black Dragon. Sinusubukan niyang burahin nang tuluyan ang The Great Four. Pero naiintindihan ko. Base sa nangyari sampung taon ang nakakaraan, ang kahit na sino ay mahihirapan ring makalimot," malungkot na bulong ni Rowena. Kasabay nito sa isang military
Bago ang succession ceremony ng Blithe King, pinatay ang tatlong natitirang patriarch ng The Great Four. Nagsanhi ito ng kaguluhan. Pagkatapos mag-alay ni James sa pamilya niya, bumalik siya sa House of Royals kung saan siya naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tinignan niya ang oras sa phone niya. Ngunit, napansin niya na may ilan siyang hindi nasagot na tawag at hindi nabasang mga text. Alas-otso na ng umaga. Sa bahay ng mga Callahan. Umupo si Thea sa kama sa kwarto niya habang nakatitig sa phone niya. Gising siya buong gabi, pero hindi man lang siya tinawagan o pinadalhan ng text ni James. Pinilit niya ang sarili niya na huwag tawagan si James. Pagkatapos ng isang gabi, sumuko siya. Tinawagan niya si James nang ilang beses pero hindi pa rin siya sumagot. Pinadalhan niya siya nang ilang text. Hindi siya sumagot. Sobra siyang nag-alala. "Nasaktan ko ba ang damdamin niya kagabi? Masyado ba akong naging malupit sa mga salita ko?" Hindi napigilan ni Thea n
“Jamie.”Naglakad papaharap si Thea at hinawakan ang kamay niya. Mukha siyang nagsisisi. "Pasensya ka na sa nasabi ko kagabi. Baka masyado akong naging malupit sa mga sinabi ko. Saan ka nagpunta?" "Nagpunta ako kela Henry." "Ang lakas ng loob mong magpakita rito, walang kwentang basura." Lumapit si Tommy nang taas noo habang naiinis na tinitignan si James. Pagkatapos ay tinignan niya ang kotse na walang plaka. Isa itong multi-purpose vehicle na may logo ng hindi pa niya nakikita noon. Mapangmata siyang nagsabi, "Hindi mo naman iniisip na sumakay rito papunta sa military region, tama? Nakakahya. At ikaw…" Tinuro niya si David. "Tignan mo ang kotse mo! Isa kang kahihiyan para sa'min!" Lumapit si Howard at tinignan ang mga kotse nina David at James. Malamig siyang nagsabi, "Nakakadiri. Wag na wag mong dadalhin ang mga kotseng to. Tignan niyo kung makakasakay kayo sa kotse ng iba. Kung hindi lang sinabi ni lolo na dapat pumunta ang lahat ng kamag-anak natin, hindi ko kayo gugustuh
Sumakay si Gladys sa kotse, pero pinili nina Benjamin at ng iba pa na umuwi. Nagmaneho si James papunta sa military region. Nahabol nila kaagad ang mga kotse ng Callahan. Tumigil si James sa pagmamadali at dahan-dahang sinundan ang mga kotse. Isa mang second-rate family ang mga Callahan, mayaman pa rin sila. Ang lahat sa pamilya ay may isa o dalawang mamahaling kotse. Para tulungan ang mga Callahan na magpakitang-gilas, nagdala rin si Colson ng mamahaling kotse mula sa bahay niya para sumama sa mga hilera ng kotse. Isang magarang tanawin ang hilera ng mga mamahaling kotse. Nang may higit sampung kotse at kasabay ng mga tambol, isa nga itong masiglang okasyon. Ang banner na nangunguna sa mga kotse ay ang pangunahing parte nito. Napansin ito ng lahat. Maraming tao ang nag-record ng eksena at in-upload ito sa iba't-ibang social platforms na nakagawa ng ingay sa social media. "Ang galing ng mga Callahan." "Maraming importanteng pamilya sa Cansington na hindi nakakakuha ng imb