Matinding pinagsisihan ni Lex ang lahat. Pinagsisihan niyang sinadya niyang magtawag ng atensyon, nagpaputok pa siya sa labas ng military region. Ngayong hindi natuwa ang higher-ups, nawalan siya ng pagkakataong dumalo sa succession ceremony. Sa sandaling iyon, tumunog ang isang busina. Nakita ni Lex si James na papalapit sakay ng kotse. At naroon siya, nag-aalala na wala siyang mapagbubuntunan ng galit! Gamit ang tungkod niya, nilapitan niya ang kotse. Galit niyang tinapik ang tungkod sa lapag. "Wala kang kwenta! Hindi pa ba sapat ang ginawa mo? Umalis ka na!" Beep.Tinignan ni James ang nanggagalaiting si Lex at sinabihan siyang umalis sa dinaraanan niya. Nilabas ni Gladys ang ulo niya. "Papa, anong ginagawa mo? Anong nangyari? Bakit ka maalikabok? Oo nga pala, sabi ni James pwede siyang magmaneho papasok. Hindi ka na bata. Bakit di ka sumakay sa loob? Dadalhin ka namin papasok." Nagalit si Lex sa sinabi ni Gladys. Sinadya niya itong gawin dahil alam niyang hindi manin
Maraming armadong sundalo at isang high-ranking lieutenant sa entrance ng military region. Gayunpaman, lahat sila ay nakatayo nang tuwid at hindi kumikilos nang kahit kaunti. Hindi umaksyon ang lieutenant. Sa halip, naglakad siya sa gilid at tahimik na tumawag. Nagsalita siya nang pabulong, "Sir, naitapon ko na si Lex Callahan palabas, pero nandito ang kotse ng Black Dragon. Nakaharang sa daan ang mga Callahan. Mukhang hindi nila alam ang tunay na pagkatao ni James. Anong dapat kong gawin ngayon?" "Gawin mo lang ang trabaho mo. Wag mong pansinin ang iba." "Opo, sir." Pagkatapos kausapin ang Blithe King, nagpatuloy siyang maghintay sa entrance. Hindi rin siya nagtingin ng mga imbitasyon. Sa harapan ng pang-iinsulto ng mga Callahan, walang masabi si James. Ano naman sa inyo kung papasok ako? Binaba niya ang bintana at sinilip ang ulo niya sa labas para tignan ang mga galit na Callahan. Ilan pa sa kanila ay umakyat sa harapan ng kotse. Nang walang magawa, nagsalita siya, "Ho
Nagmaneho si James papasok sa military region nang may ilang mga taong nanonood sa kanya. Napuno ng pagsisisi ang mga Callahan. Minaliit at pinahiga nila siya noon, pero nakapasok si James sa isang kurap. Higit pa roon, napakagalang ng lieutenant sa kanya. Importante ba si James? Sa military region. Habang nagmaneho si James, nakangisi niyang tinignan si Thea. "Hindi ako nagsinungaling, di ba?" "Jamie, magtapat ka. Sino ka ba talaga?" Tinitigan ni Thea si James. Nagsimula na namang lumitaw ang mga pagdududa niya sa kanya. Pagkatapos niyang makilala si James, nakaranas siya ng ilang pambihirang insidente. Ang una ay noong pinagaling ni James ang lahat ng sugat niya. Pagkatapos, may nangyari rin noong personal siyang hinarap ni Alex Yates. Pagkatapos nito, ang owner ng The Gourmand, si Bryan Grayson, ay niregaluhan siya ng isang diamond member card. Isa pang halimbawa ang nangyari ngayong araw. Masyado itong hindi kapanipaniwala! Nagpaliwanag si James, "Isa a
Tahimik na tahimik ang entrance ng military region. Walang nagtangkang magsalita. Bigla na lang, isang busina ang narinig. Lumingon ang lahat. Sumigla ulit ang ekspresyon ng lahat! Bakit sila aalis? Tumayo nang diretso at sumaludo ang mga sundalo at lieutenant sa entrance "Magandang araw, sir!" Nang sabay-sabay, ang boses nila ay maliwanag at umaalingawngaw. Binaba ni Gladys ang bintana niya at sinilip ulit ang ulo niya. Bakas sa mukha niya ang hindi mapigilang sabik at pagmamalaki. Nang lumapit ang kotse, nagbigay ng daan ang mga mayayamang nakapila. Lumingon pa si Gladys at kinawayan ang mga sundalo sa magkabilang gilid. "Magaling, boys. Magaling!" Sa mga kilos niya, par siyang isang opisyal. Lumabas ang kotse sa military region. Huminto ito sa harapan ng mga Callahan na nasa entrance pa rin. Binuksan ni Gladys ang pinto at bumaba ng kotse. Tinaas niya ang noo niya at punong-puno ng pagmamataas. Nagsalita siya nang may malaking ngiti, "Papa, umuwi na tayo.
Hindi inasahan ni James na magiging driver siya isang araw. Pero pakiramdam niya ay magaan sa pakiramdam ang ginagawa ni Gladys, maski para sa kanya. Pumasok siya ulit sa military region. Pumasok siya at lumabas, inulit niya ito nang ilang beses. Namutla ang mga Callahan, bakas sa mga mukha nila ang galit. Natuwa ang ibang mayayaman sa palabas na ito. Mukhang walang magawa si Daniel. Si James ang Black Dragon. Bakit siya kumikilos na parang isang pangkaraniwang tao na hindi pa nakakaranas ng kahit na ano? Hindi ba nakakahiya kapag nakarating sa Capital ang mga ginagawa niya? Gayunpaman, maganda ang pakiramdam ni James. Payapa at madali na lang ang mga araw niya. Lumabas ulit si James. Nang papasok ba siya, pinigilan siya ni Thea. "Jamie, tama na yan. Pinapatagal mo ang pila." Lumingon si James para tignan si Gladys. Nagtanong siya, "Kuntento ka na ba, mama?" "Haha. Oo naman!" Abot tainga ang ngiti ni Gladys. Ang sarap sa pakiramdam! Iyon ang pinakamasayang s
Ngayon, iniisip ni James kung nagkaganito lang si Gladys dahil sa mga naranasan niya. Tumango si James at nagsabing, "Madali lang magtayo ng clinic. Pero, sa tingin ko mas mabuti kung maghihintay tayo. Narinig ko na naghahanap ang trade center sa lungsod ng foreign investors. Pwede tayong magtayo ng clinic doon." Smack!Binatukan siya ni Gladys. "Alam mo ba kung anong klaseng lugar ang trade center? Isa itong malaking lugar na dinesenyo bilang ang pinakaaligagang financial center sa bansa. Baliw ka ba? Paano tayo magtatayo ng clinic doon? Napakataas ng renta doon maliban pa sa gagastusin natin." Hinawakan ni James ang ulo niya. Renta? Bibilhin niya ang buong entire trade center. Kung magpapasya siyang magtayo ng clinic doon, sinong maniningil sa kanya ng renta? Pero, matalino niyang piniling manahimik. Kung sinabi niya sa kanila na bibilhin niya ang trade center, iisipin nila na isa siyang tanga. Sa sandaling narinig ni David na popondohan ni Gladys ang clinic ni James
“Ina, anong ginagawa niyo? Bakit ganyan ang ugali niyo? Bakit niyo trinatrato ng ganito ang lolo ko?”“Oo nga, sino ka ba sa tingin mo?”“Lumuhod ka at humingi ng tawad sa aking lolo ngayon din.”…Nagpalitan ang mga Callahan sa panlalait kay Gladys. Kaagad na pinalitan ni Gladys ang kanyang tono. Habang nakangiti, sinabi niya, “Ama, ang aking bahay ay masyadong maliit para sa inyo dahil hindi ito isang villa. Wala din kaming mga upuan. Dahil wala nang espasyo sa loob ng bahay, naisip ko na mas mabuti kung manatili na lang kayo dito sa labas. Pwede natin pag-usapan kung anuman ang pinunta niyo dito. Ah, at nagdala pa kayo ng regalo! Davie, ano pa ang ginagawa mo dyan? Kunin mo na ang mga regalo!”“Sige!”Tinanggap ni David ang regalo mula sa mga Callahan. Subalit, masyado marami ang mga regalo na hindi niya kayang kunin ang mga lahat ng ito. Sigaw niya, “Lyssa, tulong!”Pinasa ni David kay Alyssa ang mga regalo na hawak niya bago inabot ang iba pang mga regalo. Sinubukan ni
“May alak at tabako. Benjamin, ibenta mo ang mga ito sa kiosk sa labas ng ating lugar bukas. Tignan natin kung magkano ang makukuha natin sa mga ito.”Si Benjamin, na nanatiling tahimik sa buong oras na ito, at pinakita ang kanyang pagsang-ayon.“Nay, kailangan mo pa bang gawin yun? Pamilya naman tayo. Bakit kailangan niyo pang gawin komplikado ang lahat?” Tanong ni Thea ng may mahinang boses.“Ano ba ang alam mo?” Sigaw ni Gladys. “Hindi ko na kaya. Mabuti na to ngayon! Ngayon, hindi ko na kailangan sumunod sa mga patakaran nila. At Davis, mabuti pang umatras ka na. Kalimutan mo na ang trabaho mo sa Eternality at maghanap ng panibagong trabaho. Magiging maayos lang tayo kahit na walang tulong ng mga Callahan.”“Sige,” tahimik na sumagot si David, habang nakayuko ang kanyang ulo..Humikab si James.Hindi pa siya nakakatulog matapos ang lahat ng pananabik kagabi.“Thea, matutulog na ako sa kwarto natin.”Kinaway ni Thea ang kanyang kamay. “Sige lang.”Pagkatapos nito, nilabas n