Kabanata 71
Nilapag ni Thea ang kanyang resume sa lamesa.

Pagkatapos nun, tumingala ang lalaki.

Nang makita nito si Thea, nagulat ito.

“Sandali lang.”

“Huh?”

Aalis na sana si Thea matapos niyang ilapag ang kanyang resume, pero huminto siya at nilingon ang recruitment manager ng Ella Corporation. Tinanong niya, “May iba pa ba kayong kailangan?”

Tinitigan ni Hank Wilson si Thea, at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Naging ganid ang kanyang ekspresyon. Ngayon lang siya nakakita ng isang napakagandang babae.

Tinuro ni Hank ang upuan, habang sinasabi, “Maupos ka. Mag-usap tayo.”

“Sige.”

Umupo si Thea.

“Anong posisyon ang inaaplayan mo?”

“Nag-aaplay ako para sa posisyon ng fashion designer.”

“Meron ka na bang kahit na anong karanasan na may kaugnayan dito?”

“Wala pa.”

Napasimangot si Hank, at sinabi, “Sweetheart, hindi to uubra. Alam mo ba kung sino kami at ano ang kinakatawan ng aming mga designer?”

Habang nagsasalita siya, binasa nito ang resume ni Thea.

“Grumaduate ka sa isang sec
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter