Kabanata 122
Kulay dugo ang espadang ito na mayroong isang parang tunay na imahe ng dragon na nakaukit sa paligid nito. Mayroon din itong tatlong talampakan at dalawang pulgadang haba. Makikita ring nakaukit sa isang banda ng blade nito ang mga salitang “Blood Drinking Sword”.

Ano ang nangyayari?

Hindi na nakapagreact si Darryl nang marinig niya ang isang misteryosong boses na pumasok sa kaniyang isipan.

“Kinilala na ng Blood Drinking Sword ang kaniyang master. Ang kasalukuyan nitong level ay nasa Level One ng Category Red.”

“Grabe! Mayroon na ring kanikanilang mga level ang mga sandata ngayon. Mukhang malakas na siguro ang “Level One ng Category Red!” Nasasabik na inisip ni Darryl.

Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at dinial si Megan. Si Megan ay isang senior sister sa sekta ng Emei. Kaya siguradong mas marami na itong kaalaman kaysa sa kaniya.

Nang kumunekta ang tawag, agad na nagtanong si Darryl ng, “Officer Castello, mayroon din po bang mga level ang iba’t ibang mga sandata?”

Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter