Kabanata 128
Pero nagawa pa rin siyang ipahiya ng hayop na binatang ito na nasa kaniyang harapan.

“Bakit? Mali ba ako? Pakawalan mo na ang batang iyan kung mayroon ka pang natitirang konsensya sa pagkatao mo.” Pinanatili ni Darryl ang diretso niayng mukha habang ipinagpapatuloy ang kaniyang paglapit sa mga magnanakaw.

“Hayop ka! Tumigil ka riyan sa kinatatayuan mo, Tumigil ka!” Sigaw ni Lance, dito na mabilis na nagliyab ang pagkamuhi sa kaniyang mga mata.

“Ano ang ginagawa ni Darryl?”

Nababagabag na inisip ni Megan. Punong puno na siya ng tensyon sa mga sandaling ito. Inisip niyang nawawala na si Darryl sa kaniyang katinuan. Paano na lang kung biglang magdilim ang paningin ng magnanakaw na iyon at agad na saktan ang inosenteng bata na kaniyang hawak?

Dito na ngumiti si Darryl at sinabing “Sa totoo lang, humahanga ako sa lakas ng loob mo. Nagawa mong magnakaw sa isang bangko nang may iilang mga tauhan lamang. Pero nakakahiya dahil nagawa mong manghostage ng isang batang babae. Alam ko namang g
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter