Kabanata 13
“Malapit na ang Valentine’s Day, Lily. Siguradong magiging biyaya para sa akin na makatanggap ng isang set ng Crown Line Cosmetics.” Saib ni Phoebe kay Lily.

“ikaw? Nananaginip ka na siguro.” Nakangiting sinabi ni Lily.

Sa kasalukuyan, ang Crown Line ng Poesia Eleganza ay may napakataas na presyo at limitado lang din sa 520 sets na siguradong ubos na. Ang mga pamilyang nakabili rito ay ang mga naglalakihang mga pamilya na may sapat na kuneksyon para magkaaccess dito. Habang ang mga pamilya naman na gaya ng mga Lyndon ay walang kahit na anong tiyansa para makabili ng kahit isa sa mga ito.

“Sige na, tama na.” tawa ni Lily. “Halika na’t magshopping ng mga damit. Malapit na rin ang birthday ni Grandma. Kailangan nating magmukhang presentable sa magiging selebrasyon ng aming pamilya.”

Tumango rito si Phoebe, at magkasabay silang pumasok sa isang store ni Lily.

Kinabukasan, sa Platinum Corporation.

Umupo si Darryl sa loob ng General Manager’s office at tumayo mula sa sofa. 2 na ng madaling araw noong matapos ang kanilang inuman kaya hindi na siya umuwi pa sa kanila, dito na siya nagpasyang matulog sa kumpanya.

Dito na nagvibrate ang kaniyang cellphone, sinwipe niya ito para buksan kung saan agad niyang nakita ang isang message na mula sa kaniyang biyenan na si Samantha.

“Natututo na ka rin palang hindi umuwi ngayon, hindi ba? Huwag na huwag ka nang babalik dito kung ayaw mo nang magstay dito.”

Wala pang limang minute matapos ang message na ito ni Samantha, nakatanggap naman siya ng isang message mula kay Lily.

“Sa makalawa na ang birthday ni Grandma Lyndon. Bilhan mo siya ng regalo at huwag mo akong ipahiya masyado roon.”

Agad na inalis ni Darryl ang kaniyang cellphone matapos basahin ang dalawang message na iyon at noong makarinig siya ng katok sa kaniyang pinto.

Isang magandang babae na nakasuot ng business attire ang naglakad papasok. Ito ay ang kaniyang secretary na si Pearl Hann.

“President Darby, kapipirma lang po natin ng kontrata para sa partnership natin kasama ang mga Lyndon pero nagpadala na po ulit sila ng kinatawan para makipagusap sa inyo.” Sabi ni pearl. “SInabi nil ana gusto nilang hawakan ang pagpapaganda sa imahe ng bago nating artist ana si Giselle. Naghihintay na po sa labas si William para kausapin kayo.”

“Sabihin mong umalis na siya.” Sabi ni Darryl habang ikinakaway ang kaniyang kamay, “Linawin mo sa pamilya Lyndon ang pagkansela ko sa kanilang kontrata.”

“Opo.”

Yumuko si Pearl at naglakad palabas sa opisina.

Hindi mapakaling naghihintay si William sa labas ng pinto. Si Lily ang gumawa ng deal noon para sa kanila pero ipinasa pa rin ni Grandma Lyndon ang nagawa ni Lily kay William at ipinadala rin ito para makipagusap sa Platinum Corporation! “Haha!”

Nagkaroon din ng usap usapan na napakaganda at mayroon daw napakasexy na katawan ang bagong artista ng Platinum Corporation na si Giselle. Kaya siguradong kikita nang malaki ang mga Lyndon sa sandaling pasikatin nila ang pangalan ni Giselle. At sa sandaling mangyari ito, si William na lang ang makikita ng lahat na gumawa ng lahat para makuha nila ang tagumpay na ito!

“Mr. Lyndon.” Naglakad si Pearl habang suot ang kaniyang high heels.

Tiningnan ito ni William mula ulo hanggang paa. Hindi na kataka taka para sa Platinum Corporation na kilala sa pagkakaroon ng napakaraming A-lis na mga artistang magkaroon ng napakagandang sekretarya para sa presidente nito.

“Ms. Hahn.” Nakangiting bati ni William habang naglalakad palapit kay Pearl. “Ano ang sinabi ni Mr. President? Kailan naming sisimulan ang paghawak kay Giselle?”

“Pasensya na kayo, Mr. Lyndon.” Nagpakita ng ngiti si Pearl. “Sinabi ni Mr. President na umalis na raw kayo. Kanselado na rin daw ang kontratang pinirmahan namin ngayon.”

“Ano?!” Napalunok si William sa sobrang gulat. Pero wala siya sa posisyon para magpakita ng inis kahit na gaano pa siya kagalit!

Hindi niya magagawang hamunin ang Platinum Corporation! Kaya wala na siyang nagawa kundi pilitin ang kaniyang sarili na ngumiti pero mas naging pangit itong tingnan kaysa sa kaniyang mukha sa sandaling piliin niyang umiyak. “Bakit?”

Dahan dahang nagpaliwanag si Pearl, “Sinabi ng aming president na si Lily ang nagpunta rito at nakipagnegosasyon nang payagan naming ang inyong proposal. Ang pagpayag ng Platinum Corporation sa inyo ay dahil lamang sa kinatawan ninyong si Lily. Kaya siya lang din ang dapat na magpunta rito para pagusapan ang anumang projects na gusto ninyong ipropose sa amin. Maliban sa kaniya, wala nang kahit na sino ang dapat naming ientertain.”

Matapos niyang magsalita, agad na lumapit ang ilang mga security guard para samahan si William palabas ng building.

Sa villa ng mga Lyndon.

Makikitang nakaupo ang isang matandang babae sa isang upuan habang humihigop ng napakaraming tsaa at minamasahe nang walang tigil ang kaniyang dibdib.

“Ikaw… Anong sinabi mo…” Tanong ng matandang babae habang nakatingin kay William.

“Hindi na raw makikipagpartner sa atin ang Platinum Corporation, Grandma…” Paliwanag ng umiiyak at sinisipon na si William. “Sinabihan din nila akong umalis sa kanilang opisina…”

“Bakit masyadong wala na sa tamang rason ang mga ginagawang ito ng Platinum Corporation!” Isa sa mga dalaga mula sa angkan ng mga Lyndon ang naglabas ng kaniyang pagkainis.

“Oo nga Grandma. Pumayag na sa partnership ang Platinum Corporation. Pinirmahan na rin nila ang kontrata, pero nagawa pa rin nila itong putulin ngayon? Hindi bai to breach of contract? Puwede natin silang kasuhan!”

“Opo, Grandma! Malinaw na nakasaad na kontrata na ang sinumang hindi susunod sa mga nakalatag na terms ay dapat na magbigay ng danyos na hindi bababa sa 20 million dollars! Kaya sampahan na po natin sila ng kaso!”

Sunod sunod na nagsalita ang ilan sa mga nakababatang miyembro ng mga Lyndon na naglalabas ng kanikanilang mga galit.

Wala namang naging emosyon ang matandang babae rito. Pero nainis ito sa walang tigil na paghihinanaing ng mga nakababatang miyembro ng kanilang angkan kaya agad na hinampas ng matanda ang lamesa nang malakas.

“Magsitahimik kayong lahat!”

Dito na natahimik ang lahat. Napaatras sila matapos makitang magalit ang matandang babae.

“Masyado pang maiksi ang mga pananaw ninyong mga bata kayo sa buhay.” Nakasimangot na sinabi ng matandang babae. “Magagawa niyo bang sampahan ng kaso ang Platinum Corporation kahit na nilabag nila ang kontrata? Hindi niyo ba alam na pagmamayari ng mga Darby ang Platinum Corporation! Kilalang pamilya sila sa buong Jiangnan! Kaya nilang sunugin tayong lahat sa loob lang ng isang iglap. At hindi rin magiging problema sa kanila ang pagbibigay sa atin ng 20 million, pero sapat na ba ang mga tapang ninyo para hingin ito sa kanila?”

Natigilan ang lahat at nagtinginan.

Totoo ang lahat ng mga sinabi ng matandang babae. Walang duda na mani lang ang 20 million dollars para sa Platinum Corporation, pero sa sandaling sampahan ito ng mga Lyndon ng kaso, para na ring sinunog ng mga Lyndon ang kuneksyon nila rito. Mas magiging mahirap ang buhay nila sa sandaling gawin nila ito.

“Ano pa ang sinabi ng Platinum Corporation, William?” tanong ng matandang babae. “Imposibleng kanselahin nila ang kontrata ng walang kahit na anong rason? Binastos mo ba sila?”

“Itaga mo pa po sa bato, Grandma, hindi ko po sila binastos.” Nagmamadaling sagot ni William. “At sinabi rin po ng Platinum Corporation na ang negosasyon noon para sa kontrata ay ginawa ni Lily. At pumayag lamang sila nang dahil kay Lily. Kaya ang lahat ng magiging negosasyon ng ating pamilya sa kanila ay dapat lang gawin ni Lily dahil hindi na raw po sila tatanggap ng kahit na sinong miyembro natin maliban sa kaniya.”

“Ito…”

Ang higit sa isang dosenang mga tao na naririto ay ang pundasyon ng mga Lyndon. Pero sa mga sandaling ito, nagpalitan silang lahat ng tingin habang ipinapakita ang mga nagugulat nilang mga reaksyon.

Pumayag ang Platinum Corporation sa mga Lyndon nang dahil lang kay Lily?

Paanong si Lily pa ang napili nito! Isa lang siyang junior sa angkan ng mga Lyndon at ang kumpanyang pinapatakbo nito ay ang kumpanya na mayroong pinakamaliit na kita sa lahat ng kumpanya na hawak ng kanilang angkan! Masyado bang malaki ang potensyal na nakikita nila kay Lily kaya ito lang ang nagawang kausapin ng Platinum Corporation?!

Sa Donghai Airport.

Bumaba sina Lily at Samantha sa sasakyan at tumingin sa kanilang mga orasan.

“Malapit na pong bumaba ng eroplano si Dad tama po ba Mom?” Tanong ni Lily.

Anim na buwan na ang nakalilipas mula noong umalis si Wentworth Lyndon para magtayo ng bagong negosyo. Nagkaroon ng usap usapan na naging maganda raw ang performance nito noong mga panahong iyon dahil sa mga natatanggap na video recordings ni Samantha tungkol sa buhay nito abroad na nagdadrive ng mga mararangyang sasakyan at bumibisita sa magagandang klase ng mga opisina. At dahil sa kaarawan ni Grandma Lyndon, sinabi ni Wentworth na uuwi siya para surpresahin ito.

“Hindi aabot ng 10 minutes ang pagbaba niya sa erpolano.” Sabi ni Samantha habang naglalakad silang dalawa papasok sa airport.

Napapalingon ang lahat sa dalawang babae na ito kahit saan man sila magpunta! At hindi rin natin maitatanggi na masyadong nakakapukaw ng atensyon ang kombinasyon ng maginang sina Samantha at Lily.

Ding-ding.

Nakatanggap si Lily ng isang text message. Binuksan niya ito at nakitang mula ito kay Darryl, maiksi lang ang naging laman nito.

“Huwag na huwag mong tatanggapin ang offer ni Grandma sa sandaling tawagin ka niya mamaya, Honey, magrerequest siya sa iyo na muling makipagnegosasyon sa Platinum Corporation.”

Ano bang problema niya!

Dito na nanginig ang balingkinitang katawan ni Lily. Paulit ulit na siyang sinabihan nito na huwag siyang tawagin bilang honey pero mukhang hindi nakakaintindi sa pagkakataong ito si Darryl.

At ibinigay na rin ni Grandma Lyndon kay William ang tungkol sa pakikipagnegosasyon nila sa Platinum Corporation. Kaya bakit niya muling irerequest kay Lily na ihandle ito?

Alam na ng lahat ang favoritism ni Grandma Lyndon kay William. Maaaring si Lily nga ang nakapagpapayag sa Platinum Corporation pero agad naman itong inagaw sa kaniya ni William!

“Tinext ka nanaman ba ng talunang iyon?” Napatingin si Samantha at nanlalamig na nagtanong kay Lily.

"Mm... "

Tango ni Lily. Mas alam niya kaysa sa kahit na sino kung sino ang talunan na sinasabi ng kaniyang ina.

“May lilinawin lang ako sa iyo.” Tumigil sa paglalakad si Samantha sa mga sandaling ito, tumingin siya kay Lily at sinabing. “Umuwi na ang dad mo ngayong araw, at sa sandaling matapos ang selebrasyon ni Grandma Lyndon, agad naming aasikasuhin ng dad mo ang divorce. Kailangan mo nang makipagdivorce sa kaniya!”

“Pero mom… si Darryl, siya…” Gusto sanang magsalita ni Lily ng maganda kay Darryl pero matapos magisip nang isang sandali, naisip niya kung gaano kakaunti ang kaniyang masasabi pagdating sa pagpuri kay Darryl.

Hindi na rin naging sigurado si Lily sa nararamdaman niya kay Darryl. Ang tanging alam niya na lang ay nakasama na niya ito ng tatlong taon, walang tigil na nagsumikap at tiniis ang bawat isang sermon na tinatanggap niya mula sa miyembro ng mga Lyndon.

Hindi rin siya nagkaroon ng ambisyon na iimprove ang kaniyang sarili pero mabait naman siyang tao kung titingnan.

“Tama na, huwag ka nang magsalita.” Kumakaway na sinabi ni Samantha bago sabihing “Kung hindi pa aalis ang talunang iyan, ako na ang mismong aalis.”

Related Chapters

Latest Chapter