Kabanata 224
“Anong kalokohan ito? Kapatid ba siya ni Megan Castello?”

“Tumakbo ka na, dalian mo!”

Agad na nagpanic ang mga manloloko, mabilis silang humalo sa maraming tao at nawala sa paningin ng lahat sa loob ng isang iglap.

Hindi naman napigilan ni Darryl ang kaniyang sarili na tumawa nang malakas.

“Hello kapatid? Bakit hindi ka nagsasalita? Anong problema?” Tanong ni Megan.

Wala na siyang dapat pang sabihin dahil nagawa nang makatakas ng dalawang manlolokong iyon.

Tumawa lang si Darryl at sinabing. “Hindi bale na.”

Ibinaba niya ang tawag nang walang kahit na anong dahilan kay Megan.

Napapadyak naman nang malakas sa sahig ang galit na si Megan matapos ibaba ni Darryl ang tawag.

“Anong problema ng Darryl Darby na iyon? Bakit niya ako tinawagan ng ganito kalate para lang babaan ako ng telepono?”

“Weirdo!”

Nagsialis na rin ang mga taong nakikiusyoso sa labas ng Donghai Television building.

“Maraming Salamat po.” Naglakad si Dora palapit kay Darryl at buong pasasalamat na yumuko sa hara
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter