Kabanata 243
Naramdaman ni Lily na pinagbibintangan siya ni Darryl. Ito ang unang beses na sinigawan siya ni Darryl sa tatlong taon nilang pagsasama. Mayroon ba siyang nagawang mali? Nasugatan lang naman si Dax dahil masyado itong pakialamero! Kaya bakit siya ang nagawang sisihin ni Darryl? Dito na nadismaya nang husto si Lily kay Darryl.

Sa kabilang linya, itinago naman ni Darryl ang kaniyang cellphone at naglakad palabas ng ospital.

Nakaramdam ng mali rito si Nancy kaya mabilis niyang sinundan si Darryl. “Ano ang ginagawa mo Darryl?”

“Ipaghihiganti ko si Dax.”

Dahil ito kay Lily na kasalukuyan niya pa ring asawa sa mga sandaling ito. Kaya paano niya matatawag na lalaki ang kaniyang sarili kung hindi niya maipaghihiganti si Dax?!

Agad na nagpanic si Nancy na humawak sa kamay ni Darryl habang sinsaabi na. “Kumalma ka Darryl, nagmula si Donoghue sa pamilya Dixon ng Yunzhou City. Isa silang malakas na cultivation family. Kaya parang nagpakamatay ka na rin sa sandaling pumunta ka roon ngayon.
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter