Kabanata 271
Agad din itong ginatungan ni Miles na nanginsulto kay Darryl. “Isa ka lang nakikitirang manugang—kaya paano mo nagawang kwestiyunin ang elixir na binigay ni Declan? Naiingit ka lang siguro.”

Bumungisngis si Darryl habang nakatingin kay Declan.

“Walang duda na isa ngang Spirit Petrification Elixir ang pill na ibinigay mo. Pero alam mo ba na ang pill na ito ay dapat na itago sa isang madilim, malamig at isang humid na kuwarto o lalagyan? Hindi ito maaaring masinagan ng araw. Ang Spirit Petrification Elixir ay mayroon talagang dark yellow na kulay. Agad itong magkukulay light yellow sa sandaling tamaan ito ng araw. Dahil light yellow na ang pill na hawak mo, maaaring nabilad na ito sa araw noong mabili mo ito sa nagagalang mangangalakal sa inyo.” Normal na nagpaliwanag si Darryl na nakapagpatahimik sa buong kuwarto.

“Ano naman kung nabilad na ito sa araw?” Natatawang tanong ni Declan. “Epektibo pa rin kaya ito?”

“Akala siguro ng mapagkunwaring Darryl na ito na pinaniniwalaan natin ang
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter