Kabanata 274
Nagmukha namang proud at arogante si Miles habang nakatayo sa likuran ni Declan. “Nagkakahalaga ng 30 million ang dinner na ito pero wala lang iyon para kay Declan,” Nagyayabang nitong sinabi.

Napakasipsip talaga ng isang ito.

Tumango at sumangayon naman sa kaniya ang buong klase. Gustong gusto ni Declan na pinupuri siya ng lahat, pero nakaramdam pa rin sia ng pait sa kaniyang loob. Nawala ang 28 million sa kaniyang bank account sa loob lang ng isang iglap. Hindi niya rin magagawang manghingi sa kaniyang ama ng pera sa susunod na anim na buwan. Atleast ay magagawa na niyang makuha ang posisyon ng class monitor bukas.

Umalis ang lahat sakay ng kanikanilang mga sasakyan, pero walang sinuman ang nagpasakay kay Darryl. Kaya nagdadalawang isip nang lumapit si Katherine at napipilitang sabihin na, “Sige na nga, ako na ang maghahatid sa iyo pauwi.”

Tumawa naman si Darryl habang tumatango.

Sa sasakyan, nasurpresa si Katherine matapos malaman na nakatira si Darryl sa Peak Mansions.

Ang Pe
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter