Kabanata 2
“Wala na bang ibibilis pa ito? Siguradong lagot ako pag nalate ako sa meeting namin.” Hindi mapakaling sinabi ni Lily matapos mapansin ang mabagal na pagtakbo ng bike ni Darryl.

Nang lumabas ang mga salitang ito sa kaniyang bibig, agad itong pinagsisihan ni Lily dahil agad na sinagad ni Darryl ang bilis ng kaniyang luma at sirasirang bike!

Masyadong itong naging mabilis para kay Lily kaya wala na itong nagawa kundi mapayakap nang husto sa baiwang ni Darryl.

Agad na nanginig ang buong katawan ni Darryl sa pagyakap na ito ni Lily. Sa tatlong taon ng kanilang pagsasama, itoa ng unang beses na nagkaroon sila ng physical contact sa isa’t isa. Agad siyang nakaramdam ng matinding pagkasabik sa kaniyang dibdib mula sa pressure na ibinibigay ni Lily sa kaniyang likuran at lalo pang pinabilis ang takbo ng kaniyang bike.

Kinalaunan ay nakarating na rin ang magasawa sa main entrance ng office building na pinagtatrabahuan ng kaniyang asawa, nakahinga na rin nang maluwag si Lily nang huminto ang sinasakyan ilang bike sa tapat ng pinagtatrabahuan niyang building. Habang pababa sa bike, agad niyang narinig ang napakalakas na tunog mula sa isang sasakyan. Isang Audi Q5 ang huminto at nagpark sa tabi ng bike, isang lalaki ang bumaba mula rito.

Nilock ni Ashton Adagio ang kaniyang sasakyan at inayos ang kaniyang suit. Naglakad siya papunta kay Lily at tinuro si Darryl “Lily, sino ang lalaking ito?”

“Siya si Darryl.” Mahinhing sagot ni Lily habang bumababa sa bike.

Nagulat ang buong Donghai City sa kasal nina Darryl at Lily tatlong taon na ang makalilipas. Hindi inakala ng kahit na sinong nakatira sa Donghai City na ang mahinhin at ang napakagandang si Lily Lyndon ay nagpakasal sa isang basura.

“Oh, siya pala ang basurang iyon.” Walang awang Singhal ni Ashton. Hinubad niya ang kaniyang coat at ipinahiram kay Lily. “Kawawang Lily, mukhang nilamig ka papunta rito, isuot mo ito. May regalo rin pala ako sa iyo.”

Bumalik si Ashton sa kaniyang sasakyan para kunin ang isang karton na may marangyang itsura.

Naglalaman ito ng isang napakagandang pares ng high heeled shoes na gawa sa kristal. Siguradong magiging elegante at magkakaroon ng class ang sinumang magsusuot nito.

Ilang taon na ang makalilipas nang pasukin din ng angkan ni Darryl ang fashion industry kaya nagawa niyang makakilala ng ilang mga kilalang fashion designers. Kung hindi siya nagkakamali, ang pares ng heels na ito ay dinisenyo ng isang british designer na nagngangalang Minah, pinangalanan niya itong ‘The Worship of Crystal’. 99 na pares lamang nito ang ginawa noong taong iyon at ang bawat isa ay agad na nabili sa mismong sandali na irelease ito. Mga kilalang pamilya ang bumili sa karamihan ng mga ito, kaya kahit magkaroon man ng malaking pera ang kahit na sino sa mga sandaling ito, magiging imposible pa rin para sa kanya na makakuha ng isang pares nito.

Mukhang totoo ang mga sapatos na hawak hawak ni Ashton sa mga sandaling ito, pero makikita rin sa mausisang pagtingin ang matatalas na dulo nito, kaya sigurado na isa lang itong replica.

“Alam ko namang matagal mo nang gusto ang heels na ito, kaya nalungkot ako para sa iyo. Tumingin ako kung saan saan pero hindi ako makahanap ng original nito.” Sabi ni Ashton habang ibinibigay ang pares ng heels kay Lily. “Kaya gumastos ako ng 300,000 para sa replicang ito. Suotin mon a ito ngayon at bigyan ako ng isang buwan para makabili ng isa sa mga original nito.”

“Ok lang.” Mahinang sinabi ni Lily habang tinatanggap ang pares ng heels “Mukhang imposible nang makahanap ka ng original nito. Kahit na makahanap ka man, masyado nang mahal ang magiging presyo ng mga iyon. Ang isang pares nito ay nagkahalaga ng 30 million sa isang auction last year. Kaya hindi mo na kailangan pang magsayang ng panahon para rito. Mukhang ok na rin naman ang mga replica na ito.”

“Talaga…” Napalunok si Ashton sa kaniyang narinig. Nasa kulang kulang 30 million lang ang kaniyang net worth at hindi niya rin magagamit ang lahat ng ito para lang makabili ng isang pares ng heels. Kaya natawa na lang siya sa awkwardness na kaniyang naramdaman.

Dito na sumingit si Darryl, kinuha ang pares ng heels at itinapon ang mga ito sa sahig!

“Aking asawa, hindi mo kailangang kumuha ng mga bagay bagay mula sa ibang tao. Kung iyan ang gusto mo, bilang asawa, kinakailangan kong bilhin ang mga iyon para sa iyo.” Sabi ni Darryl habang nakahawak sa braso ni Lilly, hinatak niya ito papasok sa building.

“Anong pinagsasabi mo Darryl?” bulong ni Lily.

Nakatayo sila sa main entrance ng office building na pinagtatrabahuhan ni Lily, at bilang General Manager, kinakailangan niyang kontrolin ang init ng kaniyang ulo. Dahan dahan niyang inaalis ang kamay ni Darryl sa kaniyang braso pero masyadong naging mahigpit ang pagkapit nito sa kaniya.

“Sandali lang!” Nagmamadaling sigaw ni Ashton. 300,000 ang bili niya sa pares ng sapatos na ito kaya siguradong hindi niya ito palalampasin!

“Ano ang ibig sabihin nito?” sabi ni Ashton habang mabilis na naglalakad palapit sa magasawa, dinuro at sinigawan nito si Darryl. “Ipagdasal mo na hindi basag ang mga heels na ito dahil siguradong hindi mo ito mababayaran kahit ibenta mo pa ang kidney mo! Alam mo ba iyon?”

“Una sa lahat, asawa ko si Lily, kaya lumayo ka na sa kanya.”

“Ikalawa, kung nilalamig ang asawa ko, puwede niyang ipatong ang T Shirt na suot ko.” Nang matapos ang kaniyang sinabi, kinuha ni Darryl ang jacket ni Ashton at ibinato rin ito sa sahig. “At higit sa lahat, ibibigay ko ang anumang bagay na gusto ng asawa ko. Hindi ganoon kababa ang aking asawa para magsuot ng mga mumurahing replicas. Kaya dapat ko lang siyang regaluhan ng totoong Worship of Crystal mamayang gabi.”

“Isa ka talagang tanga! 300,000 na ang halaga ng replica nito! At kung titingnan ang sirasira mong bike, paano mo nagagawang magkunwari na mabili ang mga original nito!?” Agad na nagalit nang husto si Ashton. Bilang tagapagmana sa angkan ng Adagio, walang sinuman ang nagsalita sa kaniya nang ganito sa loob ng ilang taon.

At ang pinakanagpagalit dito ay ang hindi pagpansin sa kaniya ni Darryl habang hinahatak si Lily papasok sa building.

Tumilapon ang bike ni Darryl sa lakas na pagsipa rito ni Ashton. Pero hindi pa ito sapat para humupa ang kaniyang galit, kaya agad niya pa itong pinagtatadyakan.

Samantala, sa loob ng opisina ng general manager ng Neptunus Corporation…

Umupo si Lily sa kaniyang office chair at nanlalamig na tinitigan nang husto si Darrly. Nanginginig ito sa sobrang galit. Isa nang kilalang negosyante sa industriya ng real estate si Ashton, at sinusuportahan din ito ng nangungunang angkan sa buong Jiangnan-ang angkan ng Darby!

Kinakailangan ng Neptunus Corporation ng 5 million dollars na investment at pinaplano sana ni Lily na gawing investor si Ashton dito. Pero matapos nang ipinakita ni Darryl kanina, sigurong nagngingitngit na sa galit ngayon si Ashton.

“Hindi ko na dapat sinama rito si Darryl! Wala na siyang ginawa kundi puro kahihiyan, ito lang ang bagay na pumapasok sa isip ko sa tuwing nakikita ko siya!” isip ni Lily.

“Ano pang tinatambay tambay mo rito? Alis!” walang awang sinabi ni Lily habang nakatitig kay Darryl.

“Oo ng apala.” Bulong ni Darryl, at agad na umalis sa opisina ng kaniyang asawa.

Lalo lang nagalit si Lily sa ipinakitang asal ni Darryl kanina, dito na lalong bumaon ang pagkainis sa kaniyang mga buto. Nitong mga nakaraang taon, nakita niya kung paano magpakasal ang kaniyang mga kaibigan sa mga lalaking nagmula sa mararangya at kilalang mga angkan. Katangi tangi ang mga lalaking napapangasawa ng mga ito, maging ang pinakamahirap sa mga ito ay mayroong dalawang mga bahay at bilyon bilyong net worth.

Lalong sumama nang sumama ang naging tingin ni Lily kay Darryl habang iniisip ito. Siguradong pagtatawanan nanaman siya ng kaniyang extended family sa kaniyang reunion mamayang gabi.

“Sinong sumira sa bike ko!?” sigaw ni Darryl sa tapat ng building.

Tatlong taon na ang bike na iyon sa kaniya! Sinasakyan ito ni Darryl sa tuwing mag gogrocery siya araw araw kaya nasaktan siya nang makita itong sira sira at hindi na maari pang magamit. Agad namang naging malinaw sa kaniya na ang bastos na si Ashton ang gumawa nito sakaniyang bike.

Sa mga sandaling ito, ilang mga babaeng nakasuot ng business attire ang naglakad gamit ang suot nilang mga high heeled na sapatos. Empleyado ang mga ito sa kumpanyang pagaari ng angkan ni Lily, pinagchismisan at dinuro duro ng mga ito si Darryl.

“Tingnan ninyo Ladies, hindi bai yon ang asawa ni Ms. Lyndon na si Darryl?”

“Siya nga iyon! Umattend ako sa kasal nilang dalawa noon.”

“Tingnan niyo siya, nagluluksa sa sira sira niyang bike…”

Hindi na makapagpigil pa ang mga babaeng iyon kaya agad nilang pinagtawanan si Darryl.

Hindi pinansin ni Darryl ang presensya ng mga ito at dahan dahang hinawakan ang kaniyang bike “Hay…parang naging kapatid ko na rin ang bike na ito, huwag kang magalala. Ipaghihiganti kita kaya huwag kang magalala…”

Habang hinahawakan ang kaniyang bike, nilabas niya ang kaniyang cellphone at dinial ang number ng kanilang angkan.

“Hello, ako ito si Darryl. Tutulungan ko ang angkan natin sa dalawang kundisyon. Una, hanapan niyo ako ng isang pares ng Worship of Crystal. At ikalawa, mayroong isang lalaki na nagngangalang Ashton Adagio na nagooperate sa ilalim natin hindi ba? Gusto kong alisin ninyo ang lahat ng nasa pangalan niya.”

Matapos niyang ibaba ang tawag, anakatanggap siya ng isang text message mula kay Lily. Naglalaman lang ito ng ilang mga salita “Mamayang gabi na ang annual gathering ng mga Lyndon, bumili ka ng bagong set ng mga damit, at huwag na huwag mo akong bibigyan ng kahihiyan.”

***

Sa eastern sea coast, isang villa na nakatayo sa tabing dagat, sa isang kuwarto kung saan makikita nang buo ang tanawin ng karagatan inimbitahan ng tumatayong ama sa angkan ng Derby si Darryl para makipagusap.

Walang pakialam na umupo si Darryl sa isang rocking chair habang umuupo naman sa harapan niya ang tumatayong ama ng kanilang angkan na nagngangalang Drake Darby, tito ito ni Darryl sa kaniyang ama.

Matapos makita ang pagupo ni Darryl, natawa si Drake at sinabing “Oh Darryl, kahit ilang taon na ang lumipas, wala ka pa ring pakialam sa kahit na ano.”

“Huwag na tayong magpatumpik tumpik pa tito, marami pa akong gagawin mamayang gabi. Sinabi mong lubog sa utang ang ating angkan, gaano ba kalaki ito?” Kumuha si Darryl ng isang malaking cherry at nilagay sa kaniyang bibig bago niya sinimulang nguyain.

“Well… hindi naman ito kalakihan…” nadadalang sinabi ni Drake habang napapakamot sa kaniyang ulo. Bilang kinikilalang ama ng kanilang angkan, siguradong marami na itong napuntahang mga importanteng meeting, pero ngayong sila ang nangangailangan ng tulong, kinakailangan niyang magpakita ng pagiingat sa kaniyang mga sinasabi.

“3 billion dollars lang ang utang na kinakailangan nating bayaran…”

“Ano!? Three billion dollars!?” isip ni Darryl.

“Um…tito, marami pa akong dapat na gawin, mauuna na po ako.” Nalalamyang sinabi ni Darryl habang tumatayo at naghahandang umalis.

“Oh Darryl!” nagmamadaling sinabi ni Drake. “Kailangang kailangan ng ating angkan ng pera! Siguradong guguho ang lahat ng ating mga pinaghirapan sa sandaling hindi mo kami matulungan! Sinisiguro ko sayo na matutupad ang mga kundisyong sinabi mo kanina! Wala nang matitira na kahit ano kay Ashton Adagio mamayang gabi at papunta na rin dito ang Worship of Crystal na hinihiling mo.”

“Gusto kitang tulungan tito, pero saan naman ako makakahanap ng ganoon kalaking halaga?” sabi ni Darryl habang nagbubuntong hininga.

“Gusto mo bang makita na gumuho sa iyong harapan ang ating angkan? Mayroon kang 3.2 billion sa iyong back account!” desperado na sa mga sandaling ito si Drake. “Dapat nating alalahanin ang ating mga pinagmulan!”

Dahan dahang nawala ang mga ngiti sa mukha ni Darryl nang marinig ang mga salitang ito. “Tito, sinabi ng asawa mon a gusto kong solohin ang kayamanan ng ating pamilya noong bumili ako ng shares sa Southeast Petroleum! Tinakwil din ako ng daan daan nating mga kapamilya, itinakwil at pinaalis mo rin ako sa ating angkan! Mayroon ba akong napuntahan o kumampi man lang sa akin!?”

“Sigurado akong malinaw din sa inyo na kinita kong magisa ang eight million na pinangbili ko ng shares noon, hindi kailanman ito nagmula sa kayamanan ng ating pamilya!”

“Ilang taon din akong tinrato nang mas mababa pa sa isang aso matapos maging isang mangugang na nakatira sa pamilya ng aking napangasawa, walang ni isa sa inyo ang tumulong sa akin hindi ba!?”

“At sigurado rin ako na kakalimutan niyo na ang pangalan ko kung hindi lang kayo nangailangan ng pera!” nagsara nang husto ang mga kamay ni Darryl habang galit na nilalabas ang kaniyang mga nararamdaman sa bawat salita na kaniyang binabanggit.

“Nagkamali ang iyong angkan sa pagtakwil naming sa iyo, Darryl… Pero kailangang kailangan talaga ng ating angkan ng tulong mula s aiyo…” sabi ni Drake habang humahakbang paabante at humahawak sa braso ni Darryl. Huminga ito nang malalim at nagpatuloy sa pagsasalita “Darryl, bilang kinikilalang ama ng ating angkan, ibibigay ko sa iyo ang posiyon ng President sa Platinum Corporation, suportahan mo lang ang ating angkan, ibigay mo sa akin ng ID mo, at magpunta sa office building ng Platinum Corporation bukas. Isang secretary ang maghihintay sayo roon para bigyan ka ng iba pang mga detalye.”

Ang Platinum Corporation ay isang entertainment company na may pinakamataas na potensyal sa mga hawak na kompanya ng mga Darby. Maraming mga kilalang artista ang nasa ilalim ng kanilang kontrata.

Nangyari ang lahat ng ito habang nasa ilalim ng asawa ni Drake ang Platinum Corporation. Kaya masusurpresa ang kahit na sino sa sandaling malaman nila na nakahanda si Drake na ibigay ito kay Darryl.

“Walang problema, kung wala nang iba, mauuna na ako.” Sabi ni Darryl matapos itong pagisipan nang bahagya. Kahit na mukhang hindi pa rin sapat ang Platinum Corporation sa halagang three billion dollars, nagbago ang kaniyang isip nang makita ang nagbabadyang pagiyak ng kinikilala ng ama ng angkan sa kaniyang harapan.

Umalis si Darryl matapos niyang magsalita. Ngayong gabi gaganapin ang taunang reunion ng mga Lyndon, pero mayroon pang dapat puntahan si Darryl bago iyon, ito ay ang kanilang high school reunion. Magsisimula na ang kanilang reunion at ayaw niya ring magpahuli sa okasyong ito. Matagal na rin niyang namiss ang kaniyang mga kaklase matapos ang matagal na panahong hindi sila nagusap usap. Dadalo sa reunion ang bawat isa sa kaniyang klase maging ang maganda nilang class teacher ay siguradong pupunta rin doon.

Related Chapters

Latest Chapter