Kabanata 304
Kailangan pang makarecover ni Lily, lalala ang sitwasyon nito kung hahawakan nila ang sugat nito.

Pero walang pakielam ang mga lalaki sa kaniya at pinalibutan nila ang hospital bed.

“Anong nangyayari dito?”

Malalim na boses ang nagmula sa pinto nang sandaling iyon.

Naglakad ang lalaki papasok.

Si Darryl.

Mabilis na tumayo si Samantha nang makita niya ito, “Iyan ang manugang ko, siya ang magbabayad sa utang ko! Siya ang singilin nyo o di kaya’y balian niyo siya ng binti kung wala siyang pambayad!”

Walang ideya si Caelan kung sino ang Darryl na ito dahil nakatalikod siya. Kumunot ang kaniyang noo at saka lumingon.

Nagulat siya!

‘Hall Master?’

‘Bakit siya nandito?’

Nagtaka rin ang mga kasamahan nito. Nakatitig silang lahat kay Darryl at hindi makapag-react!

‘Asawa ba ng Hall Master ang babaeng nakahiga sa hospital bed? Hindi maaari!’

Sa wakas ay naka-react rin siya at bumati, “Greetings, Hall Master…”

Nagkaway ng kamay si Darryl para patigilin sila at saka kinausap si Caelan,
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter