Kabanata 325
Si Lily naman na nakatayo sa tabi ni Darryl ay halos maiyak na.

Wala siyang kaalam-alam sa mga antique pero noong narinig niya ang naging sagot ni Simon Joe, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib niya. Kilala niya si Simon Joe at maging siya ay hindi niya inaasahan na sobrang rerespetuhin nito ang asawa niya.

Pagkatapos marinig ni Darryl ang gusto niyang marinig, binaba niya na ang tawag at hinagis ang painting sa isang gilid. "Mister Austin, diba ang sabi mo kapag napatunayan kong peke ang painting, handa mong ipusta ang shop mo at isarado ang antique business mo?"

"A...." Galit na galit si Austin at gusto niyang sugurin si Darryl, pero bigla siyang nahimatay.

Ngumiti lang si Darryl nang makita ito at tumingin kay Kingston. "Mister Young, may nadaanan ako kanina sa pangatlong stall mula dito na magandang vase na galing pa sa Qing dynasty. Good buy yun kapag nakuha mo ng mababa sa 20 million yuan.

Kahit na malumanay lang ang boses ni Darryl, rinig na rinig pa rin ito ng la
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter