Kabanata 374
“Sabihin mo nga sa akin kung ano ang magagawa mo?” Malademonyong tumingin si Samantha kay Darryl.

Hindi na nakipagtalo pa si Darryl kay Samantha. Sinabi nito kay Lily na, “Ok lang. Hayaan mo na ang mama mo kung gusto niyang maniwala sa ex-boyfriend mo.”

“Anong ex-boyfriend?!” Agad na nainis si Lily nang marinig niya ito, “Walang kahit na anong namagitan sa aming dalawa ni Ray, Hubby. Niligawan niya ako pero hindi naging kami!”

Hindi rito natuwa si Darryl. Gusto niyang makita kung gaano nga ba katindi ang Ray na ito gaya ng iniisip ng kaniyang biyenan.

Nilabas ni Samantha ang kaniyang phone at gumawa ng isang tawag.

Ngumiti nang mataas si Samantha matapos agad nitong sagutin ang kaniyang tawag. Pinahinhin niya ang kaniyang boses at sinabing, “Hello Ray? Si tita Samantha mo ito. Puwede mo ba kaming puntahan sa ospital? Mayroon akong pabor na hihingin sana sa iyo. Sige, hihintayin kita rito.”

Nang ibaba niya ang tawag, naiirita itong nagmalaki kay Eleanor. “Makikita mo, darating na
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter