Kabanata 4
“Hayop ka, kalalaba ko lang nito kahapon, makasabi ka ng madumi ito sa paningin mo ha?” Isip ni Darryl sa kaniyang sarili. Magsasalita na sana siya ng kaniyang opinyon sa mga sinabi ni Giselle nang hatakin siya palayo ni Alex Armstrong.

Malapit silang magkaibigan noong high school pa lang sila. Nagkaroon na rin ng ilang pagkakataon kung saan nakipagaway at nagcutting classes nang magkasama. Mukhang si Alex lang ang nagiisang hindi nandidiri kay Darryl ngayong gabi.

Matapos hatakin si Darryl sa isang tabi, iniling ni Alex ang kaniyang ulo at sinabing “Bro, sinasabi ko s aiyo, isa ang tulad ni Giselle sa mga uri ng babaeng hindi natin dapat nilalapitan. Naghahanap ka ba ng sermon at kahihiyan sa ginawa mong iyong kanina?”

Hindi na nakapagsalita pa rito si Darryl at tumawa na lang nang mahina. Uminom at kumain silang lahat nang hindi namamalayan ang mabilis na paglipas ng gabi.

Maging si Giselle ay tipsy na rin kaya nang pilitin ng kaniyang mga dating kaklase, kinuha niya ang mikropono at kumanta habang dahan dahang sinisway ang kaniyang katawan. Naging mahinhin at kaakit akit ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito na mas lalong nakapagpabighani sa mga lalaki na nasa kaniyang paligid. Napakaganda talaga ni Giselle!

Malalim na ang gabi nang magpasya silang umuwi. Hindi nakapunta sa reunion ang kanilang class teacher dahil mag bigla itong kinailangang gawin last minute kaya nagpasya silang magkaroon na lang muli ng pagkikita sa susunod na Monday.

Habang papaalis, nagkandarapa ang mga lalaki sa kanilang klase na ihatid si Giselle pauwi. Pero agad itong sumakay sa kaniyang Porsche at umalis nang makarating sa entrance na gumulat sa kanilang lahat.

“Napakaganda niya talaga.” Bulong ni Alex sa tabi ni Darryl. “Hindi na ako magtataka kung bakit mo nagawang tumabi sa kaniya kanina. Wala akong pakialam kahit mabawasan pa ng 10 taon ang aking buhay kung makakasama ko naman siya ng isang gabi.”

Nanlalamig namang tumawa rito si Darryl. “Kung ganoon, pinaplanong pumunta ni Giselle sa Platinum Corporation bukas para pumirma ng kontrata? Tamang tama,” isip ni Darryl dahil pinaplano niya ring pumunta roon bukas para tanggapin ang bago niyang posisyon bilang President ng kumpanya. Naputol ang kaniyang pagiisip nang biglang magvibrate ang kaniyang cellphone.

Natawa ang kaniyang mga kaklase sa paligid nang marinig ang kaniyang ring tone. Anong era na ba ngayon para makakita ako ng isang tao na gumagamit pa rin ng Nokia?

Mabilis na sinagot ni Darryl ang tawag matapos makita ang nakadisplay na numero rito. Bago pa man siya makapagsalita, agad niyang narinig ang boses ng kaniyang biyenan na si Samantha sa kabilang linya. “Alam mo bang ngayon ang taunang reunion ng aming pamilya, Darryl? Gusto mo bang hintayin ka pa ng buong pamilya namin bago magsimula? Pumunta ka na rito ngayundin!”

Dito na napatili si Darryl, nakalimutan na niya ang tungkol sa family reunion ng mga Lyndon!

Agad siyang sumakay sa kaniyang scooter habang nasa harapan ng kaniyang mga kaklase at mabilis na umalis. Pero kahit nagawa na niyang makalayo sa mga ito, nagawa pa ring marinig ni Darryl ang boses ng mga babae niyang kaklase na tumatawa sa kaniya.

Isang Land Rover ang makikitang nakapark sa gate ng isang high end residence na matatagpuan sa Beihai City. Isang magandang babae ang makikitang nakatayo sa harapan ng sasakyan habang naiinip na tinitingnan ang kaniyang cellphone.

“Nakabalik na ako.” Sabi ng humihingal na si Darryl. Itinabi niya ang kaniyang scooter at agad na tumakbo papunta kay Lily. Nagawa niyang makita na suot ng napagaganda nitong paa ang pares ng Worship of Crystal. Mukhang nagustuhan niya ang regalong ito na kaniyang agad na isinuot para sa reunion.

Pero nanlalamig siyang tiningnan ni Lily at sinabing “Sasabihan na kita ngayon pa lang, ngayon ang taunang reunion ng mga Lyndon kaya mas maigi kung ititikom mo na lang ang bibig mo roon at ilayo ako sa kahihiyan.”

“Oh,” sagot ni Darryl.

Hindi pa tuluyang nakakasakay si Darryl sa sasakyan nang makarinig nanaman siya ng isa pang reklamo.

“Wala ka bang suit, Darryl? Hindi mo ba alam kung gaano kalaking kahihiyan ang madadala mo sa pagsusuot ng mga mumurahing damit na iyan?” walang awang tinanong ni Samantha.

Nakasuot naman si Samantha ng isang short dress na nagpakita sa angkin niyang ganda. Makikita ng sinuman ang pinagsamang maturity at pagiging kaakit akit ng kaniyang aura sa sandaling makita nila ito, isa siyang magandang tanawin na agad makakakuha ng pansin sa kahit na sinong nasa kaniyang paligid.

Tahimik naman itong binalewala ni Darryl.

Agad na nagalit si Samantha nang makita ang walang pakialam na si Darryl. “Bingi ka ba talaga o tanga? Tingnan mo kung gaano ka kacheap, parang naging sumpa sa ilang henerasyon ng aming pamilya ang pagpapakasal mo sa aking anak.”

“Huwag ka nang magalit mom.” Sabi ni Lily habang dahan dahang nagdadrive ng sasakyan.

“Paanong hindi ako magagalit?!” Sabi ni Samantha habang dinuduro si Darryl. “Inuutusan kitang magpunta sa Marriage Registry pagkatapos ng okasyong ito at magapply ng divorce. Ayaw na kitang makita na pakalat kalat sa pamamahay naming naiintindihan mo?”

Hindi makapagsalitang umupo roon si Darryl.

Noong mga sandaling iyon makikita ang higit sa isandaang mga sasakyan sa labas ng villa na pagaari ng mga Lyndon, at ang lahat ng mga sasakyang ito ay itinuturing na mga luxury cars.

Puno na ng tao ang hall ng villa nang makarating si Lily at ang kaniyang pamilya. Ilang mga tao rito ang lumapit para makipagkumustahan kay Lily pagbaba nito sa sasakyan.

Itinuturing nang lahat na bato si Darryl sa mga ganitong okasyon, walang kahit na sino ang may gusting kumausap sa kaniya. Pero wala siyang pakialam dito dahil naririto lang naman siya para sumali sa kasiyahan. Kaya sa sandaling ihain na ang handa, agad nang pipila si Darryl para kumain nang kumain hangga’t kaya niya.

Pero mayroon ding mga tao na mahilig gumawa ng gulo nang walang dahilan, is ana rito si William Lyndon. Mukhang mayroon itong hinanakit kay Darryl dahil hinding hindi niya pinalalampan sa kaniyang mga insulto si Darryl sa bawat sandaling magkita silang dalawa.

“Yoohoo, hindi ba ikaw ang napakabait na manugang ng mga Lyndon, Darryl?” Tanong ni William habang naglalakad mula sa malayo, sinadya niyang lakasan ang kaniyang pagsasalita upang marinig ito ng lahat. “Darryl, nakita ko na ang mga damit na iyan sa mga sale noon. Magkano nga ba iyan, 10 dollars bawat isa?”

Napatingin ang lahat kay Darryl matapos marinig ang mga sinabk ni William. Tinitigan nilang lahat si Darryl na para bang isang unggoy sa zoo.

“Magiingat ka sa pagsasalita mo, 19 dollars ang nagastos ko sa mga ito.” Bulong ni Darryl.

Dito na sumabog sa tawanan ang buong hall. Sinubukan ng ilang kababaihan na panatilihin ang kanilang postura habang nakikisali sa tawanan.

“Manahimik ka na lang,” pabulong na sinabi ni Lily. Naramdaman niya ang muling pagdurog ni Darryl sa kaniyang pride. Kung hindi lang dahil sa rules ng kanilang angkan na nagrerequire sa bawat isang miyembro nito na dumalo sa taunan nilang reunion, hinding hindi niya ito magagawang isama!

“O ikaw pala iyan Lily, hindi naman sa minamaliit ko ang pamilya mo. Wala akong pakialam kung 19 dollars lang ang damit na suot ng asawa mo. Pero kung titingnan ang damit na suot mo, siguradong hindi lalampas sa 1,800 ang halaga nito tama?” Hindi mo ba nakikita ang suit na suot ko ngayon? Isa itong tailor-made suit ni Ermenegildo Zegna. Alam mo ba kung magkano ito?”

Itinaas ni William ang ilan sa kaniyang mga daliri sa kamay at iwinagayway ito sa mukha nina Darryl at Lily. “700,000.”

“Wow!”

Namamanghang napatingin ang lahat sa suit ni William matapos marinig ang mga sinabi nito. Napatigil ang mga babae at nainggit maging ang mga lalaki sa kaniya.

Napakagat nang husto sa kaniyang labi si Lily, 1,200 dollars nga lang ang nagastos niya para sa dress na ito. Maging siya ay hindi magagawang mangarap na magkaroon ng damit na nagkakahalaga ng 700,000.

Naramdaman ni Lily na pinagtatawanan siya ng mga tao sa paligid na parang isang walang kuwentang nilalang, dito na nagblush ang napakaganda niyang mukha.

Nang biglang naglakad si Darryl papalapit kay William at hinawakan nang bahagya ang suot nitong suit.

“Nahihibang ka na ba?!” Agad na nagalit rito si William. “Wala kang karapatan na hawakan ang suit na ito!”

Bahagyang ngumiti si Darryl at sinabing, “Mukhang ang damit na suot mo ang hindi nababagay para sa okasyong ito. Ang suit na ito ay dinisenyo ng kilalang Italian fashion designer na si Francesco Martin. Isa piraso lang ang kaniyang ginawa na kasalukuyang nakadisplay ngayonsa Italian Fashion Museum. Kaya sigurado ako na isang replica lang ang suot mo ngayon at hindi lang iyon, hindi pa naging maganda ang pagkakareplica nito. Mayroon isang nakausling sinulid sa kanang bulsa ng iyong suit, maaari mo na itong tanggalin ngayon. Kung tama ang computation ko, nagkakahalaga lang ng 200 dollars ang suit na iyan. Maging ang 1,200 dollar dress na suot ng aking asawa ay mas makalidad kaysa sa suot mong suit ngayon.”

“At ang inspirasyon pala ng suit na iyan ay nagmula sa kaniyang ama na si Petrarch na nagkaroon ng depression matapos malugi ng kaniyang negosyo. Naramdaman niya na distorted ang mundo. Kaya ang stripes na makikita sa suit na ito ay sinadya niyang ilagay upang ipakita ang kaniyang pananaw sa distorted niya ring realidad.” Nagpatuloy sa pagsasalita si Darryl.

“Sa pagsusuot ng suit na iyan sa okasyong ito, hinihiling mo ba na malugi rin ang mga negosyong hawak ng mga Lyndon?!” Nakangiting sinabi ni Darryl. Hindi naging malakas ang kaniyang pagsasalita pero mabilis pa rin itong narinig sa loob ng hall!

Katahimikan! Napuno ng katahimikan ang paligid!

Nagulat ang lahat sa mga binitawan niyang salita, hindi sila makapaniwalang nagmula ang mga salitang ito sa bibig ni Darryl!

“Oo nga pala. Hindi naging demanding ang asawa ko sa kaniyang mga susuotin pero nabawi naman ito sa kaniyang standard para sa isusuot niyang mga sapatos,” sunod sunod na lumabas ang mga salita sa bibig ni Darryl. “Ang mga heels na kaniyang suot ay ang orihinal na Worship of Crystal. Kung hindi niyo pa ito naririnig, maaari niyo itong isearch online.”

“Wow!”

“Ang Worship of Crystal? Original nga ito! Napakaganda pala nito sa personal…”

Nasasabik ang lahat na nagusap usap sa paligid! Matataas ang pinagmulang estado ng mga babae na nasa loob ng hall na ito kaya paano nilang hindi malalaman ang tungkol sa Worship of Crystal? Sapat na ang isang tingin para makitang original ang suot na pares ng heels ni Lily!

Ito ang Worship of Crystal na nagkakahalaga ng 30 million! Kahit sino pa ang tanungin mo, walang kahit na sino ang tatanggi rito! Agad na naging center of attraction si Lily ng lahat habang pinauulanan ng mga pagbati at paghanga mula sa mga taong nasa kaniyang paligid.

Hindi maiwasang mapatingin ni Lily kay Darryl. Sa tatlong taon nilang pagsasama, ito ang unang beses na naramdaman niya ang pagiging lalaki ng basurang ito. Pero paano nalaman ni Darryl ang lahat ng impormasyon na kaniyang sinabi kanina? Ang pangalan ng Italian designer at maging ang naging inspirasyon nito, siguradong iilan lang ang nakakaalam nito sa mundo.

Matapos magisip nang kaunti, naniwala si Lily na baka palihim na sinearch ni Darryl online ang tungol dito!

“Walang kabuluhan ang mga pinagsasabi mo!” Sabi ni William habang nakaturo kay Darryl sa sobrang kahihiyan.

“Pak!”

Nang biglang sampalin ni Samantha si Darryl!

Naging malakas ang pagsampal niyang ito kay Darryl kaya agad na natahimik ang lahat sa sobrang pagkagulat.

“Anong pinagsasabi mo, Darryl? Humingi ka ng paumanhin kay William ngayundin!” Walang awa na sinabi ni Samantha.

Related Chapters

Latest Chapter