Kabanata 57
”Huwag kang matakol Baby, hindi lason ang ipinainom ko sa iyo. Ito ay ang Weak Bones Elixir. Manghihina lang ang buong katawan mo rito.” Sabi ng nakangiting bigotilyong lalaki na parang isang demonyo.

Dito na nawala sa kaniyang sarili si Megan at hindi na nakapagsalita pa.

“Weak Bones Elixir?”

“Naloko na!”

Sigaw ni Darryl. Mukhang isang nakawalang pasyente ng isang mental hospital ang bigutilyong lalaki na ito na nagsasabi ng kung ano anong kahibangan.

“Hoy, Bata! Bakit mo ako sinundang hayop ka? Ano bang gusto mo? Nagbebenta ako ng mga vase na binabayaran ninyo sa akin kaya bakit mo ako kailangan pang sundan?” Pinaligiran ng buong grupo ng kalbong lalaki si Darryl habang galit itong tinatanong.

“Ako lang ang nakapagsabi na malaki ang halaga ng vase na dinala mo. Ayaw mo ba akong pasalamatan para roon? Nagkunwaring humihinga nang malalim si Darryl bago maglakad palapit sa mga ito nang paisa isa.

Nabahala rito nang kaunti si Darryl. Isang taon siyang nagaral ng Wing Chun Kung Fu
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter