Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
“Darryl, itapon mo nga nga itong mga pinaghugasan namin ng paa.”Tatlong mga babae ang makikitang nakaupo sa isang sofa, katatapos lang nilang ibabad at hugasan ang kanilang mga paa. Nagpapakita ng kaakit akit na ganda at class ang mga ito sa sinumang titingin sa kanila mula sa malayo, mayroon din silang kanya kanyang mga asset. Isa sa mga ito ang asawa ni Darryl habang ang dalawa ay ang dalawang pinakamatatalik niyang mga kaibigan. Matapos marinig ang utos ng kaniyang asawa, masunuring itinapon ni Darryl ang maruming tubig mula sa tatlong mga pinagbabarang batsa. Hindi na siya nakagawa ng kahit na anong imik dahil isa siyang manugang na nakikitira sa pamilya ng kaniyang asawa. Kahit tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila ng kaniyang asawa, hindi na siya nagkaroon ng lugar sa pamilya ng kaniyang napangasawa. Madalas siyang sinesermonan ng kaniyang asawa at ng kaniyang biyenan sa tuwing nakakagawa siya ng kahit kaunting mali na makita ng mga ito sa kaniyang mga ginagawa.
“Wala na bang ibibilis pa ito? Siguradong lagot ako pag nalate ako sa meeting namin.” Hindi mapakaling sinabi ni Lily matapos mapansin ang mabagal na pagtakbo ng bike ni Darryl.Nang lumabas ang mga salitang ito sa kaniyang bibig, agad itong pinagsisihan ni Lily dahil agad na sinagad ni Darryl ang bilis ng kaniyang luma at sirasirang bike!Masyadong itong naging mabilis para kay Lily kaya wala na itong nagawa kundi mapayakap nang husto sa baiwang ni Darryl.Agad na nanginig ang buong katawan ni Darryl sa pagyakap na ito ni Lily. Sa tatlong taon ng kanilang pagsasama, itoa ng unang beses na nagkaroon sila ng physical contact sa isa’t isa. Agad siyang nakaramdam ng matinding pagkasabik sa kaniyang dibdib mula sa pressure na ibinibigay ni Lily sa kaniyang likuran at lalo pang pinabilis ang takbo ng kaniyang bike.Kinalaunan ay nakarating na rin ang magasawa sa main entrance ng office building na pinagtatrabahuan ng kaniyang asawa, nakahinga na rin nang maluwag si Lily nang huminto ang
Samantala, sa Neptunus Corporation.Kalalabas lang ni Lily sa meeting room matapos ang meeting ng mga shareholders nang makita niya ang mga babaeng empleyado na naguusap at nagtatawanan habang nakatingin sa kanilang mga cellphone.Paano nila nagawang magpatambay tambay during work hours? Naglakad si Lily papunta sa mga babaeng empleyado para sabihan ang mga ito, at doon na niya nakitang nanonood ang mga ito ng video, at makikita sa video na ito ang isang lalaki na walang iba kundi si Darryl!“Parang naging kapatid ko na rin ang bike na ito, huwag kang magalala. Ipaghihiganti kita…”Makikita sa video ang mukhang nagluluksang si Darryl habang niyayakap ang kaniyang bike.“Haha, nakakatawa naman ang lalaking ito, kilala niyo ba siya?”“Hindi mo siya kilala? Iyan ang asawa ni Miss Lyndon.”“Ano? Iyong basurang Darryl na iyon? Narinig kong ikinasal daw siya sa basurang iyon…”Masayang nagchichismisan ang mga babae habang tumatayo ang isa para gayahin ang ginagawa ni Darryl sa video.
“Hayop ka, kalalaba ko lang nito kahapon, makasabi ka ng madumi ito sa paningin mo ha?” Isip ni Darryl sa kaniyang sarili. Magsasalita na sana siya ng kaniyang opinyon sa mga sinabi ni Giselle nang hatakin siya palayo ni Alex Armstrong.Malapit silang magkaibigan noong high school pa lang sila. Nagkaroon na rin ng ilang pagkakataon kung saan nakipagaway at nagcutting classes nang magkasama. Mukhang si Alex lang ang nagiisang hindi nandidiri kay Darryl ngayong gabi.Matapos hatakin si Darryl sa isang tabi, iniling ni Alex ang kaniyang ulo at sinabing “Bro, sinasabi ko s aiyo, isa ang tulad ni Giselle sa mga uri ng babaeng hindi natin dapat nilalapitan. Naghahanap ka ba ng sermon at kahihiyan sa ginawa mong iyong kanina?”Hindi na nakapagsalita pa rito si Darryl at tumawa na lang nang mahina. Uminom at kumain silang lahat nang hindi namamalayan ang mabilis na paglipas ng gabi.Maging si Giselle ay tipsy na rin kaya nang pilitin ng kaniyang mga dating kaklase, kinuha niya ang mikropon
Nasa kamay ng kanilang lola ang pamamahala sa buong angkan ng mga Lyndon, at si William ang pinakapaburito nitong miyembro ng angkan. Naging maganda rin ang ipinakitang performance ni William dahil mayroon na itong hindi bababa sa 30 million dollars na halaga ng mga ari arian. Kaya siguradong mamasamain ang sinumang babastos o makakaaway nito.“Anong ginagawa mo Mom?” tanong ni Lily habang naglalakad papalapit para awatin ang kaniyang ina.Kahit na kinaiinisan ni Lily si Darryl, nagawa pa rin nitong ipagtanggol siya at ibangon sa nararamdaman niyang kahihiyan.Hinawakan ni Darryl ang kaniyang muka kung saan makikita ang namumulang bakas ng kamay ni Samantha. Pero nagpakita pa rin siya ng kaunting ngiti. Matapos ng tatlong taon nilang pagsasama, ito ang unang beses na kampihan siya ni Lily. Tumalikod na lang si Darryl at nakangiting umalis.“Bumalik ka ritong basura ka!” kahit na nakalayo na siya kay Samantha. Narinig niya pa rin ang malakas nitong sigaw.Habang pinapanood ng lahat