Home / Romance / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 15 Isang Kahihiyan
Kabanata 15 Isang Kahihiyan
Sa isang saglit, bumalik ang manhid na tingin ni Mark Tremont. Totoo ba ang lungkot na nasa mga mata ni Mark Tremont kanina habang nakatingin siya kay Arianne?

"May masakit pa ba sayo?" Manhid na sinabi ni Mark Tremont.

Umiling si Arianne Wynn. Uminit ang mukha ni Arianne nang makita niya ang mainit kamay ni Mark Tremont na nakahawak sa kanya.

"Okay lang ako… hindi ko alam na pupunta ka pala sa campus. Naging pasakit pa ako sayo."

Naging pasakit sa kanya? Sumimangot si Mark Tremont. "Ayaw mong maging pasakit sa akin, pero okay lang na maging pasakit ka sa iba? Arianne Wynn, hindi mo kailangang mag mukhang nakakaawa sa harap ng ibang tao. Kailangan mo pa bang mamatay bago ka manghingi ng tulong sa akin?!"

Kinagat ni Arianne Wynn ang kanyang labi dahil natakot siya. Galit na naman si Mark Tremont…

Pagkalipas ng ilang saglit, tumayo si Mark Tremont nang makita niyang paubos na ang drip, kaya tumawag siya ng nurse para tanggalin ito kay Arianne.

Hindi niya tiningnan si Arianne at mahinahon niyang simabi, "Umuwi na tayo."

Agad na binaligtad ni Arianne ang kumot para tumayo, pero sa bawat galaw niya ay tumibok ang sugat sa likod ng kanyang kamay na mula sa IV drip.

Tinanggal ni Mark Tremont ang kanyang coat at tinapon niya ito kay Arianne, agresibo ang bawat galaw niya.

Gayunpaman, maingat siyang lumuhod para tulungan si Arianne na suotin ang canvas shoes ng dalaga.

Mabilis siyang umalis pagkatapos nito.

Tumulala si Arianne, gulat siyang nakatitig sa coat na nasa braso niya at sa sapatos na nasa mga paa niya. Si Mark Tremont ba talaga 'yon?

Ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ni Mark Tremont. Kahit na hindi siya mahinahon, naramdaman pa rin ni Arianne na parang handa nang matanggal ang tinik na nakatusok sa kanyang puso...

Pagkabalik niya sa tamang pag-iisip, lumabas siya sa ward at nakita niya si Mark Tremont na nakatayo sa dulo ng corridor.

Nag marinig ni Mark Tremong ang footsteps ni Arianne, nagpatuloy na siyang maglakad.

Umalis na silang dalawa sa ospital. Pagkaupo ni Mark Tremont sa upuan ng driver, hinila at binuksan ni Arianne ang pintuan ng passenger seat.

Nagsalita si Mark Tremont nang makaupo na si Arianne, "Sa harap ka umupo."

Hindi na nagdalawang isip pa si Arianne. Agad siyang tumayo at pumunta sa front passenger seat.

Pagkatapos niyang ilagay ang seatbelt, pinadyak ng malakas ni Mark Tremont ang accelerator.

Sobra siyang kinabahan sa bilis ng maneho ni Mark Tremont.

Pagkarating nila sa gate ng Tremont Estate, mabilis na lumabas ng kotse si Arianne at hinabol niya ang kanyang hininga sa gilid ng daan.

Nakita niya na pumasok na sa loob ng bahay si Mark Tremont. Pumasok siya sa back door, at bigla siyang tinawag ni Mary.

"Ari, kasama mo ba si sir? Anong meron sa kanya? Galit na galit siya ngayon. Kaya niya sigurong sirain ang upuan sa sobrang galit niya."

Walang sinabi si Arianne. Lagi namang galit si Mark Tremont kahit sa mga maliliit na bagay.

Two o'clock na ng hapon, tapos na ang tanghalian at naramdaman ni Arianne na sumasakit ang kanyang tiyan.

Maingat siyang pumunta sa kusina para magluto ng pasta, habang si Mary ay naglilinis sa ibang parte ng bahay.

Naisip ni Arianne na baka hindi pa kumakain si Mark Tremont, kaya para sa dalawang tao ang ginawa niya.

Kumatok si Arianne sa pintuan ni Mark Tremont, habang hawak niya ang pasta. "Gusto mo ng pasta?"

Wala siyang narinig mula sa loob ng kwarto. Nawala ang kaba ni Arianne at naghahanda na siyang bumaba nang biglang bumukas ang pintuan sa likuran niya.

Tumalikod siya at nakita niya ang lalaking galit ang itsura. "Gusto mo?"

Tahimik lamang si Mark Tremont at hindi niya masyadong tiningnan si Arianne. Hindi maipinta ang nararamdaman niya sa kanyang magandang mukha.

Kapag hindi sumasagot si Mark Tremont, ang ibig sabihin nito ay hindi siya tumatanggi.

Dinala ni Arianne ang pasta sa loob at pinatong niya ito sa coffee table. Sa isang saglit, narinig niyang sumara ang pintuan.

"Ayoko nang makita ulit ang nangyari ngayong araw. Sa susunod, sisiguraduhin ko na mawawala sayo ang mga taong tutulong sayo. Sa akin lang manggagaling lahat ng kailangan mo!" Patuloy na umalab ang galit sa kanyang puso.

"Oo, naiintindihan ko…" mahinhin na sinabi ni Arianne.

Hindi naniniwala si Mark Tremont sa sinabi ni Arianne, kaya pinagalitan niya pa rin ang dalaga.

"Naiintindihan mo? Talaga ba? Malinaw ko nang sinabi 'to sayo, 'di ba? Tinago mo sa akin na nag part-time ka nung wala ako dito sa bansa, nakita ng lahat na nakakaawa ka!" Siya lang ang hindi nakakaalam tungkol dito. Kaya ngayon, gusto niyang malaman kung gaano katagal bago magmakaawa sa kanya si Arianne...

"Sorry, pinahiya kita…"

Hinimatay si Arianne sa mga kamay ni Mark Tremont. Maraming tao sa campus ang nakakita sa kanila, naisip niya na baka alam na ng lahat ng relasyon nilang dalawa.

Habang nag-iisip si Arianne, inakala niya na kahihiyan ang tingin sa kanya ni Mark Tremont.

Sa mata ng publiko, si Mark Tremont ang tipo ng tao na walang bahid ng pagkakamali.

Anong rason para hahayaan niya lang ang pagkakamali na dinulot ni Arianne?

Napakunot si Mark Tremont nang marinig niya ang sinabi ni Arianne.

Bigla niyang hinila sa gilid ng higaan si Arianne at agad na napahiga ang dalaga.

Related Chapters

Latest Chapter