Home / All / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 4 Mamayang gabi, pumunta ka sa kwarto ko
Kabanata 4 Mamayang gabi, pumunta ka sa kwarto ko
Author: Lemon Flavored Cat
Ngumiti ang dean na nasa tabi niya. "Mr. Tremont, tinutukoy mo ba si… Will Sivan? Narinig mo na siguro ang pangalan niya, isa siya sa tatlong young masters ng Sivan family. Nasa junior year na siya ngayon. Madalas na magkasama ang tatlong 'yan."

"Sa susunod, ayaw ko na siyang makita dito sa Southline University. Hindi, ayaw ko na siyang makita sa buong capital," walang bahala na sinabi ni Mark Tremont nang tumalikod siya para umalis.

Makalipas ang ilang hakbang, bigla siyang huminto. "Ako na ang mag-sponsor ng buo kay Arianne Wynn, paki-siguro na anonymous ito."

Mabilis na nag-bow ang dean. "Opo, opo. Ingat po kayo."

Pagkatapos ng klase, pinilit ni Arianne Wynn ang sarili niya na pumadyak sa kanyang bisikleta hanggang sa makaabot siya sa gate ng campus. Tumayo siya doon para hintayin ibalik ang scarf ni Will Sivan.

"Ari, hinihintay mo ba si Will? Umuwi na siya kaninang tanghali, may mga family matter raw siyang aasikasuhin." Lumapit si Tiffany Lane sa kanya at may nilabas itong maliit na bag sa kanyang purse.

"Kunin mo 'to, cold medicine. Sinabihan ako ni Will na ibigay ito sa'yo. May gamot rin para sa lagnat sa loob. Huwag mong kalimutan na inumin ito, okay?" Tiningnan ni Arianne ang bag na may medisina pero hindi niya ito tinanggap.

"Hindi ko ito kailangan. Ikaw na ang magbalik ng scarf niya, please? Uuwi na rin ako." Kailangan niyang umuwi sa tamang oras araw araw dahil bumalik na si Mark Tremont.

Pilit na binigay ni Tiffany ang maliit na bag kay Arianne. "Bakit ang tigas ng ulo mo? Kahit ako alam ko na gusto ka ni Will, hindi mo ba napapansin?" Biglang namula ang maputlang pisngi ni Arianne.

"Tama na ang kalokohan na ito! Bye!" Ilang hakbang lang sa harap niya ay huminto ng mabilis ang kotse ni Mark Tremont, wala pa sa isang metro ang layo ng kotse kay Arianne.

Magagalit na sana si Tiffany nang biglang takpan ni Arianne ang kanyang bibig. "Okay lang. Mauna ka na!" Nakita agad ni Arianne ang seryosong mukha ni Mark Tremont mula sa windshield ng kotse.

Walang pasensya si Mark kay Arianne. Sa isang busina ng sasakyan ay agad na ipinarada ni Arianne ang kanyang bisikleta sa gilid at mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse, agad din niyang sinara ang pintuan.

Nagulat si Tiffany Lane. May sasabihin pa sana siya nang biglang umandar palayo ang kotse na kanina'y nasa harap niya.

Nakayuko si Arianne habang nakaupo sa loob ng kotse, hindi na niya tinangkang magsalita pa. Ito ang unang beses na sinundo siya ni Mark Tremont sa school. Hindi na siya nasurpresa sa pangyayaring ito, ang nararamdaman niya lamang ngayon ay takot.

"May boyfriend ka na?" Casual na tinanong ni Mark. Kabadong umiling si Arianne nang maisip niya na si Will Sivan ang tinutukoy nito. "Wala."

Sa oras na iyon, mahigpit niyang hinawakan ang bag ng cold medicine sa kanyang kamay.

"Hindi na ulit magpapakita si Will Sivan." Makikita ang ngiti sa mga mata ni Mark Tremont habang nakatingin ito kay Arianne.

Tumingin si Arianne sa kanya at tila nagulat ang babae ng magtagpo ang kanilang mga mata. "Anong ibig mong sabihin?" Nagalit ang lalaki sa sagot niyang ito.

"Maliban sa pagtubos ng mga kasalanan mo, wala ka nang ibang gagawin sa buhay mo kundi 'yon. Kasama na doon ang being in love, kasal o pagbubuntis, naiintindihan mo?" Kinilabutan si Arianne sa malamig na tono ng boses ni Mark.

Nakaramdam siya ng galit sa lalaking nasa harapan niya. Bakit kailangan niyang tanggalin kay Arianne ang lahat ng gusto niya?

Dumating na sa Tremont Estate ang kotse. Pagkalabas ng kotse, nandilim ang mga mata ni Mark Tremont nang makita niya ang bag na hawak ni Arianne. "Tumayo ka diyan."

Nanigas ang buong katawan ni Arianne. Kinuha ang bag ng medisina na hawak niya at tinapon ito sa daan.

Nahulog ang kanyang mga balikat habang naglalakad siya papunta sa back door.

Hindi na matandaan ng kahit sino doon kung kailan ipinagbawal ni Mark Tremont na pumasok si Arianne sa front door.

Pinagbawal siya ni Mark dahil baka magkasalubong sila at ang gusto lang ni Mark ay lumabas si Arianne kapag inutusan siyang magpakita sa harapan niya.

"Pumunta ka sa kwarto ko mamayang gabi."

Utos ni Mark Tremont habang nagmamadali siyang pumasok sa front door. Kahit ang mga bodyguards ay natakot sa masungit niyang mukha.

Sa kabila ng mga pangyayari, lumapit pa rin sa kanya si Mary at Butler Henry. "Nakabalik ka na pala, Sir." Nag-hum lamang si Mark Tremont bilang konfirmasyon.

Habang paakyat ng hagdan, napahinto ulit siya. "Simula ngayon, sa bahay na kakain Arianne Wynn mula umaga hanggang gabi."

Sinasabi niya ba na pinapahirapan niya si Arianne dahil sa nanghihina niyang pangangatawan? Ngumiti si Housekeeper Mary. "Opo,sir. Sisiguraduhin ko na kakain ng maayos si miss Arianne."

Habang parehong naglilinis ng kusina sila Arianne Wynn at Mary, biglang kaawa-awang hinawakan ni Mary ang kamay ni Arianne.

"Tama na. Magpahinga ka na. Huwag mo na akong tulungan, tingnan mo ang sugatan mong mga kamay. Ari, mabait naman si sir sa'yo. Huwag ka nang tumanggi sa kanya. Hindi mo pa rin ba siya naiintindihan? Magiging maayos ang lahat kapag sinunod mo siya. Kasama niya ako noong bata pa siya at nakita ang pagtanda niya. Hindi siya masamang tao."

Walang sinabi si Arianne, ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya at paulit-ulit siyang nag lampaso ng lapag. Ayaw ng buong pagkatao niya na makitang si Mark Tremont bilang isang mabuting tao...

Malawak ang Tremont Estate, ngunit hindi masyadong marami ang trabaho ni Mary. May oras na nakatakda para tapusin ang mga trabahong nakalatag sa kanya.

Pasado eleven o'clock na, doon lang nakakuha ng lakas ng loob si Arianne na umakyat sa hagdan at maingat na katukin ang pintuan ni Mark.

Walang narinig na kahit anong tunog o galaw mula sa loob at nasa isip na niyang tumalikod para umalis.

Nagdalawang isip muna siya bago niya binuksan ang pinto at pumasok, malinaw sa kanya ang mangyayari kapag hindi siya nakinig.

Dahan-dahan siyang naglakad sa madilim na kwarto. "Tulog ka na?"

Sa isang saglit, maririnig ang boses ng lalaki sa kanyang likuran. "Sinabi ko ba na madaling araw ka pumunta dito?"

Napatalon sa gulat si Arianne, hinanap niya ang switch ng ilaw pero mukhang may natamaan ang kanyang paa kaya siya natapilok. Mangiyak-ngiyak siya nang humampas ang mukha niya sa lapag.

Related Chapters

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 5 Hintayin mo ako

    Binalot si Arianne ng dalawang malakas braso at bigla siyang hinugot nito. Halos maramdaman ni Arianne ang tubig na nasa katawan na katatapos lang maligo, naamoy rin niya ang mabangong body wash na gamit ni Mark. Nakasuporta ang katawan ni Arianne sa kamay niyang nakahawak sa dibdib ni Mark, hindi niya napansin na nanginginig na pala ang mga kamay niya. Agad na tinanggal ni Mark ang mga kamay niyang nakabalot kanina kay Arianne. "Umalis ka dito."May pagka-paos ang boses ni Mark. Walang ideya si Arianne kung bakit galit na naman ang lalaking ito sa kanya, kaya agad siyang umalis mula sa kwarto na 'yon. Sobra siyang nagsisi pagkarating niya sa storeroom. Nakalimutan niyang tanungin si Mark tungkol kay Will Sivan. Habang iniisip niya ang nangyari kanina, tila nawala na ang lakas ng loob para kausapin niya ulit si Mark. Pagsapit ng umaga, pumasok si Mary sa storeroom na dala ang isang baso ng tubig."Ari, inumin mo ang cold medicine na ito." Nagtaka si Arianne Wynn. Hindi na

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 6 Hanggang sa Huli, Magkasama Tayong Tatanda

    May isang saglit na parang nakita ni Arianne ang anino ni Will sa likuran ni Tiffany.Kilalang-kilala nila ang isa't-isa kaya naman nagawa ni Tiffany Lane na gayahin ang boses ni Will Sivan. Napahinto ng saglit ang puso ni Arianne. Bumukas ng kaunti ang kanyang bibig na parang may sasabihin siya pero hindi niya alam kung paano ito sasabihin.Sa isang saglit, nakangiting kumaway sa kanya si Tiffany."Ayos, tapos na ang misyon ko. Kung ano man ang sasabihin mo, ikaw na mismo ang magsabi niyan kay Will! Mag-ingat ka pauwi, magkita na lang tayo bukas!"Pumasok si Tiffany sa kanyang kotse at umalis, iniwan niyang nakatulala ng matagal si Arianne sa kanyang kinatatayuan. Paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi sa kanya ni Tiffany...Pasado eight o'clock na ng gabi nang makarating si Arianne sa Tremont Estate.Maingat niyang binuksan ang regalo na binigay ni Tiffany at sa loob nito ay isang necklace. Bracelet naman ang binigay sa kanya ni Will.Napansin niya na may note sa regalo ni

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 7 Akin na ang Kamay mo

    Lumaki ang mga mata ni Arianne Wynn sa sobrang takot.Doon niya lamang napagtanto na bago pa siya makarating sa kwarto na iyon, marami nang nainom na alak si Mark Tremont.Hindi maikukumpara sa alak na ininom ni Arianne ang amoy nanggagaling sa bibig ni Mark Tremont. Malakas at madiin ang mga halik sa kanya ni Mark Tremont, unti-unting nauubos ang hininga ni Arianne sa bawat saglit na lumilipas. Hahanap na sana ng oportunidad na huminga si Arianne nang biglang nilayo ni Mark Tremont ang kanyang labi. "Malamig na yung pagkain mo!" Sigaw ni Arianne.Kumpara sa normal niyang ugali, ibang tao si Mark Tremont kapag siya ay lasing.Unti-unting lumalabas ang tunay niyang pagkatao kapag lasing siya at gentleman siya kapag hindi siya lasing. Alam ni Arianne na ganito si Mark Tremont. Habang nanginginig siya sa sobrang takot, paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi Tiffany na mensahe ni Will Sivan sa kanya – 'Gusto kita. Hintayin mo akong makabalik. Kailangan mo akong hintayin."Ti

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 8 Isang Tao na Malaki ang Impact sa Buhay mo

    Nakasimangot na hinawakan ni Arianne ang kanyang leeg.Nakalimutan niya na hinalikan pala siya ni Mark Tremont sa leeg at mukhang nag iwan din ito ng marka.Habang natataranta si Arianne, makikita sa mukha ni Mary ang saya na nararamdaman niya."Ari, magkatuluyan na kayo ni sir kung gusto ka niya. Habang buhay mong makakain ang paborito mong buttered bread at gwapo pa si sir. Sa tingin ko, wala ka nang dapat ayawan pa kay sir dahil sampung taon din naman kayong nagsama."Lumayo na si Arianne ang topic na iyon, kaya sinabi niya kay Mary, "Nay Mary, baka ma-late na ako sa klase ko. Mauna na po ako, bye!"Tumakbo siya ng mabilis sa labas ng pintuan. Maging asawa ni Mark Tremont? Gagawin niya 'yon kung sobrang bored na siya sa buhay niya. Pagkarating ni Arianne sa school, lumapit si Tiffany sa kanya ay pinaglaruan ang kanyang scarf."Babe, ang unique naman ng taste mo. Parang 70's ang style? Maganda ka naman sa lahat eh, kaya bagay sayo. Maganda ka pa rin siguro kahit na janitor'

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 9 Bumalik na si Mark Tremont!

    Pinasa na nila ang kanilang mga assignment, napangiti ang instructor habang tinitingnan ang drawing ni Arianne."Si Mark Tremont ang drawing mo, huh? Mahinhin ka pero pareho ka rin pala sa ibang mga babae. May mga kaklase ka na si Mark Tremont rin ang drawing nila, pero sa'yo ang pinakamaganda. May reference photo ka? Gusto kong makita."Papunta na sa 30's ang edad ng babaeng instructor. Walang siyang asawa at mainitin ang ulo nito, may gusto rin ito kay Mark Tremont, araw-araw niyang pinag-uusapan si Mark Tremont sa ibang mga estudyante.Umiling si Arianne Wynn. "Wala akong reference photo…" Nagulat ang instructor."Ang linis pagkaka-drawing mo sa kanya. Base ito sa imagination mo? Nakita mo na ba siya ng personal? Dali na, ibigay mo sa akin ang photo. Yung drawing mo… nakaupo lang siya sa bahay niya? Wala akong nakita na litrato na ganito sa internet. Saan mo 'to nakuha?"Hindi na kaya ni Tiffany na pigilan ang sarili niya. "Anong kaguluhan 'to? Sinabi niya na nga na walang si

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 10 Sa Kwarto sa Taas ka Matutulog

    Kinilabutan si Arianne Wynn sa balitang ito. Natapos na ba ang business trip niya? Bakit nakabalik na agad siya?Namuo ang takot sa kanyang puso.Mabuti nalang at hindi siya sumama na mag-ice skating kasama si Tiffany. Malas lang siya dahil nasira ang bike chain niya...Pumunta si Arianne sa kubeta, nababalisa siya habang naliligo dahil alam niyang hahanapin siya ni Mark Tremont.Pagkalabas niya ng kubeta, habang naglalakad siya sa sala ay may nasulyapan siyang anino na nakaupo sa sofa. May suot itong light grey loungewear, mas casual ito kumpara sa kanyang full suit attire, nakakatakot ang itsura niya kapag suot niya ang kanyang suit. –Makikita sa kanyang mga mata na malayo ang iniisip niya habang nakatingin siya kay Arianne. "Halika dito."Nakayukong lumapit at tumayo ng diretso si Arianne sa tabi ni Mark Tremont. "Nakabalik ka na pala.""...Nilalamig ka?" Tatanungin sana ni Mark Tremont kung bakit late nang umuwi si Arianne, pero nag-iba ang kanyang tanong nang maki

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 11 Huli Ka

    Nanigas ang buong katawan ni Arianne."Okay lang sa akin na sa storeroom ako matutulog!" Tiningnan siya ni Mark Tremont, makikita sa mga mata niya na ayaw niya ang sagot ni Arianne."Hindi kita tinatanong kung gusto mong matulog sa kwarto ko. Tutulungan ka ni Mary na ayusin ang guest room sa tabi ng kwarto ko."Nahiya si Arianne dahil napahiya siya sa kanyang inakala...Pagkatapos nito, dinala ng mga katulong ang pagkain sa dining room. "Sir, miss, oras na para kumain."Tumayo at isinara ni Mark Tremont ang magazine na hawak niya."Kumain ka."Niyaya niyang kumain si Arianne. Gaano katagal noong huling sumabay kumain si Arianne kay Mark Tremont? Hindi na niya matandaan.Nakayuko at tahimik na kumain si Arianne Wynn sa dining table. Kinain niya lamang ang mga pagkain na malapit sa kanya. Habang si Mark Tremont ay dahan-dahang kumakain, walang maririnig na tunog mula sa kanya. Nakakabingi lalo ang katahimikan sa malawak na dining room dahil sa inaakto ng dalawa ito. Bum

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 12 Itapon mo

    Madalas itong nangyayari nung bata palang si Arianne, pero hindi niya masyadong matandaan ito dahil awkward ito para sa kanya.Dahil malapit siya kay Mark Tremont, naamoy ni Arianne ang tobacco na bumabalot sa kanyang katawan at naamoy niya rin ang bakas ng… alak– nakainom na naman siya! "Wala na si Will Sivan, sino na naman 'to? Hanggang sa huli, magkasama tayong tatanda… sabihin mo sa akin kung sino ang nagbigay nito sayo." Nakakasindak na sinabi ni Mark Tremont.Hindi makasagot si Arianne Wynn sa sobrang takot. Si Mark Tremont mismo ang dahilan kung bakit umalis si Will Sivan. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kung sasabihin ni Arianne na galing kay Will Sivan ang regalo? Kaya naisip ni Arianne na hindi sabihin kay Mark Tremont na si Will Sivan ang nagbigay nito sa kanya."Hin… hindi ko alam…""Hindi mo alam? Bakit mo tinatago kung hindi mo alam? Ari… pasaway ka na naman…" Nakahawak ang kamay ni Mark Tremont sa balakang ni Arianne at humigpit ang hawak niya dito nang mag

Latest Chapter

  • Kabanata 1901 Ang Ilaw Sa WAKAS Ng Walang Hanggan

    Matagal nang hindi narinig ni Arianne ang pangalang iyon, ilang segundo siyang napaatras sa pagkataranta bago tuluyang naalala ang kanyang mukha.Shelly-Ann Leigh... Siguradong ginugol niya ang lahat ng mga taon sa mental na institusyon, tama ba? Alam ng Diyos kung ang buhok ng babae ay kulay-abo na at puti na sa kabuuan.Kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay, ang isang tao ay maaaring tumayo upang patawarin ang lahat ng kasaysayan sa pagitan nila—kahit ang mga madilim, kahit na ang ledger ay punong-puno—para sa kabutihan. Kaya, sagot ni Arianne, “I’ll go with you. Kahit anong mangyari, nanay mo pa rin siya."Hindi inaasahan ni Mark ang sagot na iyon mula sa kanya. Sa gulat niya ay napayuko siya at nag-iwan ng halik sa labi nito. “Alam kong pinili ko ang tamang babae bilang asawa ko. Akala ko hindi ka papayag na samahan ko siya sa mga huling araw niya…”Walang sinagot si Arianne. Hindi siya masyadong makulit na susubukan niyang manalo sa isang babae na ang mga araw ay bilang

  • Kabanata 1900 Lumipad Papalayo Sa Dilim Ng Gabi Ang Uwak At Naiintindihan Na Hindi Siya Kailanman Nabibilang Sa Mga Puti At Ginto

    Ngumisi si Arianne. “Nakakaawa ka naman, parang isang basang sisiw. Hindi ako ganoon ka-tanga para galitin ang ina ng lalaking gusto ko kung ako ikaw, girl. Lalo na hindi ako magsasabi ng kahit anong kasing baba ng IQ niyan. Hayaan mo akong maging tapat sa iyo: walang sinumang may apelyido na Leigh ang makahihigit sa akin—nabigo lang ang huling sumubok. At Nabigo siya ng matindi. Nakakasiguro ako na iiwan mo kami sa loob ng tatlong araw. Kapag mali ako, pwede kang manatili dito magpakailanman. Gusto mong makipagpustahan? Hinahamon kita."Iniwan niya ang kanyang pananakot na nakabitin at ibinalik ang kanyang wheelchair, naiwan ang hinamak na dalaga.Ang galit ay lumabas kay Raven habang ang mga alon ng lindol sa kanyang buong katawan. Malapit na siyang mag-hyperventilation, ngunit bago pa man ito naging imposible, lumapit siya at pinilit ang sarili na kumalma. She had a feeling na kahit na himatayin siya doon at pagkatapos, walang makakadiskubre sa kanya, hindi ba?Ngayong bumalik si

  • Kabanata 1899 Hindi Pala Ako Lumilipad Kasama Nila Bumabagsak Pala Ako Mag-isa

    Si Melissa ang tipo na palaging nagtutulak sa mga bagay na maging maligaya hangga't makatwiran. Tumalon siya sa kanyang mga paa at itinaas ang kanyang tasa, “Yo, everyone! Mag-toast tayo dahil magiging cousin-in-law ko na si Cindy!"Ang mga tao ay masigasig na sumagot sa kanilang mga tasa sa hangin at isang dagundong—maliban kay Raven, na nanatiling nakaupo. “Mayroon akong sickly constitution. hindi ako makainom. Ako ay humihingi ng paumanhin."Napaka-mechanical ng kanyang ngiti, masyadong mapula ang kanyang mukha. May kung anong kumislap sa mga mata ni Arianne bago siya sumagot, "Oo naman."Matapos mawala ang pagsasaya, inihatid ni Arianne ang kanyang wheelchair patungo sa courtyard. Ang panlabas na anyo ng Tremont Estate ay tila nagyelo sa oras, kung kaya't ang pagpunta rito ay nagparamdam sa kanya na... ligtas.Siyempre, iyon ay sa kabila ng pagpanaw nina Henry at Mary. Sa huli, lumipas ang oras at nagbago ang mga bagay, dumarating at umalis ang mga karakter at bagay, at lahat n

  • Kabanata 1898 Talagang Naiiba Na Parang Isang Uwak Sa Gitna Ng Mga Puting Sisne

    Hinawakan ni Arianne sa kamay ang dalawang dilag at ngumiti. "Salamat! Sus, para sa akin… para kayong dalawa ay tumanda sa isang kisap-mata! Ang ganda niyong dalawa! Cindy, nasaan ang kapatid mo? Hindi pa umuuwi si Plato?"Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang mahal na kapatid ay napa-pout si Cynthia. “Sabi niya uuwi siya kalahating buwan na ang nakalipas—yun ang sabi niya. Sino ang nakakaalam kung ano talaga ang kanyang ginagawa, bagaman? Anyway, who cares about that no-good. Palagi naman siyang ganito. Ah, medyo mainit ang panahon. Dapat siguro pumasok na tayo sa loob."Tumango si Arianne at binigyan ng maikling, hindi mapakali na tingin kay Aristotle. Ni minsan ay parang gusto niya itong kausapin... Hindi kaya binibilang ng bata ang kanyang mga hinaing sa kanyang isipan? Si Mark at Arianne ay nanatili sa Switzerland nang napakatagal; Mahirap siguro ang buhay para sa kanya nang mag-isa.Hanggang sa makarating siya sa sala ng mapansin niya si Raven. "Millie, ito ba ang iyong nakabab

  • Kabanata 1897 Ang Pagbabalik Ng Reyna

    Napatigil ang buong pagkatao ni Aristotle.Labing-siyam na taon niyang hinintay ang balitang ito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namatay ang mga apoy, lalong namamanhid ang puso, hanggang sa mismong pag-iisip ay wala na itong pinagkaiba sa panaginip na tubo. Ngunit ngayon, nakarating sa kanya ang balitang nagkatotoo at nagdulot sa kanya ng agos ng damdamin.Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay bumulong siya, "Kailan... Kailan sila babalik?"Isinara ni Jackson ang distansya sa pagitan nila at binigyan ang binata ng magaan, nakakaaliw na tapik sa mga balikat. “Not so soon, I bet; hindi kapag kakagising lang ng nanay mo at nangangailangan ng oras para gumaling. Labinsiyam na taon siyang natutulog, alam mo ba. So maybe after she’s recuperated enough for a while…” sagot niya. “Labinsiyam na taon na nating hinintay ito, di ba? Ano ang naghihintay para sa kaunti pa lamang kumpara doon? Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ay ang pamahalaan ang kumpanya sa abot ng iyong ka

  • Kabanata 1896 Nagising Na Ang Mama Mo

    Hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon si Cynthia kaya hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Gustung-gusto niya ang pakiramdam na kasama si Aristotle at kung paano siya pinrotektahan nito mula noong mga bata pa sila. Kahit na si Aristotle ay naging medyo dominante at "makulit", hindi siya nabigla sa kanya. Sa halip, nakaramdam pa siya ng kaunting paggalaw, na nakakamangha.Hindi alam kung paano sila napadpad sa kama, na magkasabay ang kanilang mga hininga. Bukod sa huling hakbang, nagawa na nila ang halos lahat ng maaaring gawin.Nang malapit na silang tumama sa huling hakbang, biglang huminto si Aristotle at tinulungang hilahin ang mga saplot sa ibabaw ni Cynthia. "Matulog na tayo, good night."Naliligaw pa rin si Cynthia kanina. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Aristotle, at hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. Matagal na siyang nagpumiglas bago niya nakumbinsi ang sarili na sumabay sa agos...Kinabuka

  • Kabanata 1895 Hindi Mo Ba Ako Mahal

    Narinig ni Cynthia ang sinabi ni Aristotle, ngunit hindi tumigil ang kanyang mga kamay sa ginagawa nila. Napakagulo ng ulo niya. “Wala... hindi na kailangan. Magagawa ko na ang mga ito ngayon. Sige na matulog ka na muna. Nga pala, saan ako matutulog ngayong gabi? Napakaraming kwarto dito, hihilingin ko kay Agnes na tulungan akong maglinis."Lumapit si Aristotle sa kanya at nag-squat. Hinawakan niya ang braso niya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay isinara ang bagahe. "Dito ka na lang matulog at itigil mo na ang pag-aayos."Naghinala si Cynthia na baka nagkamali siya ng narinig. Napatulala siyang napatingin sa malaking kama sa likuran niya at biglang naramdaman ang pag-aapoy ng palad niya na hawak niya. “Y… Nagbibiro ka, di ba, Ares? Bagama't madalas kaming natutulog sa isa't isa noong mga bata pa kami, lahat kami ay malalaki na ngayon, kaya hindi ba iyon ay medyo hindi naaangkop?"Sinabi ni Aristotle na may tuwid na mukha, "Hindi ako nagbibiro."Bahagyang nataranta si Cy

  • Kabanata 1894 Nasa Iisang Kwarto Silang Dalawa

    Alam ni Melissa na hinalikan ni Aristotle si Cynthia, kaya alam niya kung ano ang nangyayari. Hence, she very naturally boasted, “Siyempre, engaged na sila sa isa’t isa since they were born. Kung nagkataon, pareho ang naramdaman nilang dalawa sa isa't isa sa kanilang paglaki, kaya hindi ba ito magpapaganda? From the way I see it, hindi na gagaling ang sakit mo sa buong buhay mo at malamang na maghihintay silang dalawa hanggang sa makapagtapos si Cindy bago sila ikasal. Kaya, mas mabuting bumalik ka sa France nang maaga hangga't maaari. Huwag kang mag-alala, nailigtas mo na ang buhay ni Aristotle noon, para hindi siya maging maramot sa iyo sa pananalapi."Gustong pigilan ni Raven ang kalungkutan na nasa puso niya, ngunit ayaw sundin ng kanyang emosyon ang kanyang kalooban. Kaya naman, pilit niyang pinilit na makawala sa pagkakahawak ni Melissa. Saglit na nagulat si Melissa. "Baliw ka ba?"Pagkatapos noon, bumalik sa katinuan si Raven at huminga ng malalim. “I’m sorry... medyo masama a

  • Kabanata 1893 Hindi Ba Magseselos Ang Fiance Mo

    ‘Hindi ka ba nag-aalala?’ Galit na galit si Melissa kaya natawa siya. "Ako lang ba ang nag-aalala sa wala? Akala ko ba mahal mo ang kapatid ko? Ang lalaking pinapangarap mo araw-araw ay bumalik mula sa France ngunit may dalang babae, ngunit hindi ka naman nag-aalala? Isantabi muna natin sandali ang intensyon ng iyong mga magulang. May lakas ng loob ka bang sabihin na hindi mo siya mahal? Tinutulungan lang kita dahil matalik kong kaibigan, kaya hindi ka ba masyadong maluwag, na para bang tinutulungan kita nang walang dahilan?"Umiling si Cynthia at hininaan ang volume habang sinasabi, “He... might have confessed to me. Kami rin… ginawa na rin namin iyon. Kaya, sa tingin ko hindi niya nararamdaman iyon kay Raven. It's purely because she saved his life once. Nagtitiwala ako na kakayanin ni Ares nang maayos ang sitwasyon."Nanlaki ang mga mata ni Melissa. "Ano? Ilang araw lang siyang bumalik, nag-sex na kayong dalawa? Ganun kabilis?! Hindi ko alam ito, ngunit talagang nakuha mo ito sa iy

Scan code to read on App