Kabanata 19
Alam ni Harper na si Gerald ay isang matapat na tao, ngunit may mga pagkakataon na hinding-hindi siya magpapatalo.

Maliban dito, alam niya na hindi magsisinungaling si Gerald sa kanyang mga kaibigan pagkatapos umalis ng mga dalaga. Ngunit hindi nila lubos na maintindihan ang mga nangyayari.

Talaga bang may kakayahan si Gerald na dalhin sila sa Wayfair Mountain Entertainment?

Paano iyon magiging posible?

Ngumiti si Gerald ng marinig ang katanungan ni Harper.

Malalaman niya ang kasagutan mamaya!

“Paumanhin na po mga Sir. Magpapatuloy pa po ba kayo na kumain dito?”

Sa mga sandaling iyon, isang magandang waitress ang lumapit sa kanilang lamesa at magalang na nagtanong.

Bagamat na magalang ang pananalita niya, hindi niya naitago ang paghamak na nararamdaman niya.

Alam niya kung sino ang magbabayad ng lahat ngayong araw.

Ngunit nakita niya din ang mga nangyari ilang sandali lang ang nakakalipas at alam niya na sinama nina Quinton at Harold na umalis ang mga magagandang dalaga.

Sa mga sandali din na iyon, ang iba pang mga tao na kumakain sa restaurant ay nakatingin din kay Gerald habang pinagtatawan nina Harold at mga kaibigan niya.

Ang sitwasyon na kinalalagyan nila ngayon ay katumbas ng maagaw ang kanilang mga girlfriend sa harap ng publiko.

Iyon din ang rason kung bakit lumapit sa kanila ang magandang waitress upang tanungin sila kung magpapatuloy ba silang kumain doon.

“Hindi, pakibalot nalang ang lahat ng pagkain. Dadalhin namin lahat sa Wayfair Mountain Entertainment at doon nalang namin kakainin!”

Nakikita ni Gerald ang pagkutya sa mga mata ng waitress.

Ngunit paano niyang hahayaan na magpatuloy na kumain sa restaurant na ito si Harper sa mga sandaling iyon?

Ngunit naisip niya na masasayang lang ang lahat ng pagkain sa lamesa.

Halos hindi mapigilan na tumawa ng magandang waitress ang ng mga tao sa paligid ng marinig nila ang sinabi ni Gerald.

“Siraulo ba ang lalaking ‘yon?”

“Sino ka ba sa inaakala mo? Nagbabalak ka na dalhin ang pagkain sa restaurant na ito sa Wayfair Mountain Entertainment bilang hapunan?”

“Hindi niya ba alam na may pagkain din sa Wayfair Mountain Entertainment? Hahaha…”

“Sa tingin ko ginagawa nalang nila ‘yan para isalba ang kanilang pagmumukha dahil sumama na umalis ang mga dalaga kasama ang dalawang lalaki kanina. Sa tingin nawalan na ng hiya ang mga kolehiyo sa panahon ngayon. Nagagawa na nila magyabang para lang hindi mapahiya.”

Patuloy silang kinukutya ng mga tao sa kanilang paligid.

Hindi mapigilan ni Harper na yumuko nalang dahil sa kahihiyan.

Inirapan ng waitress si Gerald bago sinabi, “Okay. Kung ganoon, pwede ko ba malaman sino sa inyo ang magbabayad ng lahat”

“Ako, ako, babayaran ko nadin agad,” agad na sagot ni Harper.

Nagkakahalaga ang lahat ng pagkain sa lamesa ngayong gabi ng mahigit sa walong daang dolyar.

Nagkakatumbas iyon ng mahigit sa walompung porsyento ng allowance niya para sa buwan na iyon.

Kinuha ni Gerald ang plastic bag mula sa waitress at nagsimulang ibalot ang mga pagkain sa lamesa.

Kahit na patuloy silang pinagtatawan ng mga kustomer sa mga sandaling iyon, hindi siya nagpatinag.

“Sob. Sob.”

Sa sandali din na iyon, tatlong mamahaling sasakyan ang dumating sa restaurant.

Pagkatapos ay tumigil ang tatlong mamahaling sasakyan sa harapan ng restaurant.

“Wow! Tatlong Rolls-Royce Phantom!”

“Grabe? Sino kaya ‘yun? Ang isa sa mga kotse na ‘yon ay nagkakahalaga ng one and a half million dollars!”

“Diyos ko po! Tignan niyo yung plaka ng sasakyan!”

Ang mga plaka ng tatlong mamahaling sasakyan ay 689. Ang numero palang na iyon ay nagkakahalaga na agad ng ilang daang libong dolyar!

Hindi mapigilan ng lahat ng nasa restaurant na tumingin sa labas pati na ang waitress ay napatunganga ng oras na iyon.

Kung nagpunta dito sa restaurant para kumain ang may-ari ng mga mamahaling sasakyan, agad siyang lalabas para salubungin at baka sakaling makuha niya ang pabor nito.

Madaling inayos ng waitress ang kanyang kasuotan bago siya naglakad papunta sa pintuan.

Gusto niyang malaman kung nagpunta ba dito ang may-ari para kumain.

Sa mga sandaling iyon, tatlong tao ang lumabas sa mga sasakyan. Ang tatlong lalaki ay nakasuot ng itim na suit at pare-parehas silang may suot na salamin at Bluetooth headset sa kanilang tenga. Mukha silang mga bodyguard na madalas na nakikita sa mga pelikula.

Sobrang tahimik ng restaurant sa mga sandaling iyon.

“Gentlemen, maari ko ba malaang kung…”

Agad na lumapit sa kanila ang waitress para batiin sila.

Ngunit, hindi man lang siya tinignan ng tatlong lalaki at nagdire-diretsong maglakad patungo kay Gerald na abala na magbalot ng pagkain sa sandaling iyon.

“Mr. Crawford!”

Binati ng tatlong bodyguard si Gerald habang yumuko sa harapan niya upang magbigay respeto.

“Ano? Mr. Crawford?”

“Tama ba ang narinig ko? Tinawag na Mr. Crawford ng tatlong bodyguard ang mokong na ‘yon?”

Labis na nabigla ang lahat ng nasa restaurant.

Mas lalong nagulat sina Harper at mga kaibigan niya ng oras na iyon.

Anong nangyayari?

Talaga bang si Gerald iyon?

Sa sandaling iyon, natapos na din na magbalot ng pagkain si Gerald.

“Pre, bakit hindi pa kayo sumakay sa mga sasakyan para makapunta na tayo sa manor?”

“Mr. Crawford, kami na po ang magbubuhat ng pagkain para sa inyo.”

Agad na lumapit ang mga bodyguard at pagkatapos ay kinuha nila ang nakabalot na pagkain mula sa kamay ni Gerald.

Sinundan nina Harper at mga kaibigan nila si Gerald palabas ng restaurant, at para bang nananaginip lang sila.

“Mr. Crawford, dahan dahan lang po sa paglalakad…”

Namumutla na ang mukha ng magandang waitress sa mga sandaling iyon habang magalang na binati si Gerald, at tumango lang si Gerald bilang sagot.

Sa mga sandali ding iyon, nakaramdam ng hiya si Gerald. Hindi siya sanay na may nakatitig sa kanyang mga tao.

Agad silang dumeretso siya mga mamahaling sasakyan at nagsimula na silang magtungo sa manor.

Habang patungo sa manor, hindi mapigilan ni Harper na tanungin si Gerald tungkol sa nangyari.

“Gerald, ano… anong nangyayari?”

Naisip ni Gerald na masyado pang maaga para sabihin niya ang lahat ng katotohanan sa kanila. Kaya ang sinabi niya lang, “Brother Harper, ipapaliwanag ko sayo ang lahat sa susunod. Lagi mo lang tatandaan na magkaibigan tayo at kahit anumang problema mo ay problema ko din. Sisiguraduhin ko na hindi ka mapapahiya ngayong araw!”

Tumango si Harper at hindi na tinanong pa si Gerald.

Pagkatapos ng ilang sandali, nakarating din sila sa manor.

Noong umpisa, inatasan din ang mga bodyguard na dalhin si Gerald at kanyang mga kaibigan sa paligid at siguraduhin na mag-e-enjoy sila sa lahat ng pagkain at mga aliwan sa Wayfair Mountain Entertainment.

Ngunit alam ni Gerald na hindi sila magagawang mag-enjoy kapag kasama ang mga bodyguard.

Sa katunayan, hindi din komportable si Gerald na napapalibutan ng mga bodyguard.

Kaya nang makarating sila sa harapan ng manor, sinabihan ni Gerald ang mga bodyguard na ibaba na lang sila doon at na gusto nila na magikot-ikot at magsaya ng hindi kasama ang mga bodyguard.

“Grabe! Ikaw na talaga Gerald! Hindi ako makapaniwala na magagawa talaga natin na makapasok dito sa manor ngayong araw!”

Napakasaya ni Benjamin habang nagiikot-ikot sila sa manor.

“Kilala ko kasi yung boss dito! Ano na ang gusto niyong gawin ngayon? Sabihin niyo lang sakin kung anong gusto niyong gawin!”

Sabi ni Gerald habang nakangiti.

“Ahh! Gerald, yung boss ba na sinasabi mo ay yung taong nagbigay sayo ng shopper’s card noong nakaraan?”

“Ah, siguro masasabi na may kaugnayan iyon dito…”

Meron itong katunayan dahil ang kanyang kapatid na si Jessica ay ang nagbigay sa kanya ng mga card at siya din ang nagpakilala sa kanya kay Zack.

Agad na tumango si Harper.

Sa mga sandaling iyon, iniisip ng mga kalalakihan kung ano ang gagawin nila sa manor.

Malaking malaki ang buong manor at sinasakop nito ang kalahati ng bundok. Kahit na napakaganda ng tanawin sa labas ng manor, walang nakaka-aliw na gawin sa labas.

Ang hot spring at ang kainan ang sentro at kilalang pinupuntahan sa manor.

Dahil medyo pamilyar na si Gerald sa lugar, sinabi niya, “Tara na, pumasok na tayo sa manor at kumain muna tayo bago tayo magpunta sa hot spring.”

“Uhm, Gerald, nakita ko sa internet na may bayad sa pagpasok ng manor at sa paggamit ng hot spring ‘diba?” Tanong ni Benjamin sa mga sandaling iyon.

Sa katunayan, masayang-masaya na siya na makapaglibot sa labas ng manor.

Bonus na kung magagawa nilang makapasok ng manor!

“Wag mo ng intindihin ‘yon!”

Ngumiti si Gerald. Kahit na ang kanyang kapatid ang nagbukas ng manor, si Gerald ay isa para sa mga nagmamay-ari ng manor.

Agad na kumalma ang lahat.

Maliban dito, kinailangan nila dumaan sa isang kakaibang tulay bago sila makarating sa inner periphery mula sa outer periphery.

Nakita nina Gerald sina Alice at mga kaibigan niya habang naglalakad sila sa loob ng manor.

Lahat sila ay kumukuha ng litrato nila sa loob ng manor sa mga sandaling iyon.

“Tingnan niyo! Si Gerald at mga roommate niya! Paano sila nakapasok?” Laking gulat ni Jacelyn nang makitang papasok sina Gerald at mga kasama niya.

Sa mga oras na iyon, abala si Alice na makipag-usap kay Quinton. Nang marinig ang sinabi ni Jacelyn, sumimangot si Alice bago siya tumalikod upang tignan ang direksyon na pinagmulan nina Gerald at kanyang mga kaibigan.

Walang alinlangan, sila nga talaga.

“Paano nilang nagawang makapasok dito?” Gulat na tinanong ni Alice.

Related Chapters

Latest Chapter