Isa pala akong rich kid?!
Isa pala akong rich kid?!
Author: Two Ears is Bodhi
Kabanata 1
Alas nuebe ng gabi sa dormitoryo ng mga lalaki sa university campus.

“Gerald, puwede bang bumaba ka sa dormitory 101 sa first floor at kunin mo ang laptop ko?” Isang lalaking blondie ang buhok na nanggaling sa kabilang kwarto ang biglang nagbukas ng pinto ng kwarto ni Gerald, saka ito naglalag ng isang dolyar sa sahig at dire-diretsong tumalikod at naglakad papalayo.

“Tsaka pakikuhanan mo nadin ako ng bote ng mineral water sa supermarket sa baba!”

Muling humarap ang lalaking blondie ang buhok at naglaglag ng tatlong dolyar sa sahig—dalawang dolyar para sa bote ng tubig at isang dolyar na bayad para sa kanyang iniutos.

“Hoy Blondie! Bakit ba laging inuutusan ng mga tao sa dormitory ninyo si Gerald na parang isang katulong? Bakit ba napaka-bully ninyo?”

Galit na tinanong ng mga nakatira sa domitoryo kung nasaan si Gerald dahil hindi na nila ito matiis.

“Hahaha! Diyan sa dormitory niyo nakatira si Gerald pero di niyo parin siya naiintindihan? Kapag binigyan niyo ng pera yan, kahit tae kakainin niyan!”  Sarkastikong sinagot ni Blondie saka tumawa bago umalis ng dormitoryo.

Namula ang mukha ni Gerald dulot ng kahihiyan habang nagbingi-bingihan sa sinabi ng lalaking blondie ang buhok. Pagkatapos ng mga pangyayari, pinulot niya ang ilang dolyar sa sahig at inisip sa sarili, “Sa ganitong paraan, kikita ako ng dalawang dolyar at sapat na ‘yon para makabili ng tatlong siopao at isang bag ng pickles! Hindi nako magugutom.”

“Gerald…teka lang! Kung hindi sapat ang pera mo, papahiramin ka nalang namin at hindi mo kami kailangan bayaran!”

Hindi mapigilan ng namumuno ng dormitoryo ang kanyang sarili na maawa kay Gerald.

Napailing nalang si Gerald bago ngumiti at sinabing, “Salamat, pero okay lang ako…”

Pagkatapos magsalita, tumalikod si Gerald at naglakad papalabas ng dormitoryo. Sa sandaling iyon, nakatingin ang mga kalalakihan sa likod ni Gerald at napailing nalang sa awa.

Sa katotohanan, hindi ginusto ni Gerald ang maging utusan ng iba at gusto niyang maging masaya ang buhay niya habang nasa unibersidad.

Magiging maganda sana kung pag-aaral lamang ang kanyang inaalala at wala nang iba.

Ngunit, isa siyang pobre!

Kahit na maayos ang pakikitungo sa kanya ng ibang kalalakihan sa dormitory, hindi niya gustong kaawaan siya ng mga ito. Ngunit, natatakot si Gerald na sa kalaunan ay magsawa din sila sa kanya.

Maliban sa mga kasama niya sa kwarto, walang ibang kaibigan si Gerald sa buong unibersidad.

“Gerald, tama ba yung narinig ko kay Blondie na bababa ka daw?”

Sa sandaling ito, isang lalaki na may magarang pananamit ang lumabas mula sa kabilang kwarto.

Ang pangalan niya ay Danny Xanders at siya ang namumuno sa dormitoryo ni Blondie. Siya ang kinahahangaan ng lahat ng babae dahil maliban sa pagiging napaka-yaman, napaka-gwapo din niya!

Ngunit mababa ang tingin niya kay Gerald dahil sa tingin niya ay isang kakahihiyan si Gerald.

Hindi lubos maisip ni Gerald kung bakit makikipag-usap si Danny sa kanya.

Tumango lang si Gerald at sinabing, “Oo, papunta ako sa baba.”

Sabay ngumiti si Danny at iniabot ang isang kahon na puno ng kung anu-ano kay Gerald.

“Isa sa mga kaibigan ko ang maghihintay sa east grove ngayong araw. Paki bigay sa kanya ang kahon na ‘yan. Eto ang sampung dolyar para sayo.”

Si Danny ay isang playboy at alam ng karamihan kung gaano kadalas siyang makipagkita sa iba’t-ibang babae sa kagubatan.

Marami din mga kaibigan si Danny na katulad niya ang gawain.

Ngunit hindi ito pinag-isipan ng matagal ni Gerald dahil sanay na siya na inuutusan ng iba.

Kinuha niya ang kahon at ang sampung dolyar bago nagputuloy bumaba ng hagdan. Agad niyang narinig ang mahinang halakhak ni Danny pagkatalikod niya.

Bumaba si Gerald upang kunin ang laptop at bumili ng bote ng tubig bago siya nagdesisyon na ibigay ang kahon para kay Danny.

Sikat ang maliit na kagubatan sa labas ng unibersidad sa mga magkasintahan para patagong magkita sa gabi.

Ilang saglit lang, nakarating si Gerald sa lugar na sinabi sa kanya ni Danny.

Agad niyang nakita ang isang lalaki at babaeng nakaupo sa kagubatan habang nag uusap at nagtatawanan.

Subalit laking gulat ni Gerald nang makita niya ang mukha ng lalaki at ng babae sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Napatulala si Gerald.

Si Xavia ang kanyang nakita!

Agad namula ang mga mata ni Gerald at nabitawan niya ang mga bagay na kanyang hawak.

Si Xavia ang dating kasintahan ni Gerald at tatlong araw pa lang ang nakakalipas ng sila ay maghiwalay. At syempre, si Xavia ang nakipaghiwalay sa kanila.

Nang naghihiwalay sila, idinahilan ni Xavia sa kanya na kailangan niya ng oras pa sa kanyang sarili. Ngunit, tatlong araw pa lamang ang nakalipas at nakikipagkita na siya sa ibang lalaki sa kagubatan!

Agad din napansin ng lalaki at ng babae si Gerald at agad din makikita sa kanilang mukha ang kanilang nararamdaman.

“Gerald…anong ginagawa mo dito? Huwag mo sana akong pag-isipan ng masama. Kasama ko si Yuri dito kasi….”

Kita ang pagkataranta ni Xavia at ang matinding kahihiyan sa sandaling ito. Agad din niyang niyuko ang kanyang ulo nang hindi makahanap ng paraan upang harapin si Gerald.

Ang lalaki ay nagngangalang Yuri Lowell, isang second-generation rich kid. Napa halakhak siya ng malakas ng makita sa sahig ang kagamitan sa kahon na nabitawan ni Gerald.

“Buwisit na ‘yan! Kakaiba talaga si Danny pagdating sa pagpapahiya sa mga tao. Nakiusap ako sa kanya na ipadala sakin ‘yang kahon ngunit di ko inaasahan na uutusan ka niya na ipadala ‘yan dito! Magaling! Napakagaling talaga ni Danny!”

Alam ni Gerald na isang malapit na kaibigan ni Danny si Yuri, na isang second-generation rich kid. Nagmamamay-ari ng ilang mga restaurant ang kanyang pamilya at kadalasan ay BMW 3 ang kanyang minamaneho kapag pumapasok sa unibersidad.

Walang magawa si Gerald kundi mamuti ang kamao sa higpit nito nang marinig niya ang sinabi ni Yuri.

Tila sinasadya ni Danny ang pangyayaring ito.

Maliban dito, naniniwala si Gerald na may kinalaman si Danny sa paghihiwalay nila ni Xavia.

Kung hindi, sa anong kadahilanan magkasama si Xavia at Yuri pagkatapos lang ng ilang araw ng sila ay maghiwalay?

“Xavia, alam ko naman na hindi mo na ako gusto pero hindi mo kailangan sumama sa ganitong klase ng tao pagkatapos natin maghiwalay. Alam mo ba kung ilang beses yan nagpalit ng girlfriend bago ikaw?” Sigaw ni Gerald.

Lubos niyang minahal ang babaeng iyon. Minahal niya ng tunay ang babaeng iyon.

Matinding pagkabalisa at pagkairita ang naramdaman ni Xavia nang marinig niya ang sinabi ni Gerald. “Sino ka ba sa tingin mo Gerald? Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na turuan ako kung ano ang dapat kong i-asta at kung ano dapat kong gawin? Hiwalay na tayo at ako lang ang may karapatan pumili kung sino ang gusto ko makasama!”

“At saka…” Nanggagalaiti si Xavia sa mga sandaling ito. Tumitig siya kay Gerald saka sinabi, “Pumunta ka ba dito para lang inisin ako? Lumayas ka!”

Slap!

Pagkatapos niya magsalita, lumakad paharap si Xavia at sinampal si Gerald.

Lalong lumakas ang tawa ni Yuri sa mga sandalling ito. “Hahaha. Xavia, bakit mo siya pinapaalis? Hayaan mong manatili siya at panoorin tayo!”

Agad namula ang mukha ni Xavia. “Yuri, nawala lahat ng interest ko pagkatapos makita ang lalaking yan! Siguro sa susunod nalang…”

Pagkatapos ay umalis si Xavia sa yakap ni Yuri.

Hindi alam ni Gerald kung paano siya nakaalis sa kagubatan at tila na-blangko ang kanyang pag iisip sa mga sandaling iyon.

Lahat ng ito ay dahil sap era. Nasa ganitong kalagay si Gerald dahil wala siyang pera!

“Hahaha…”

Pagkatapos niyang makabalik sa dormitory, sinalubong si Gerald ng tawanan ng kanyang mga kaklase sa pasilyo.

Hawak ni Danny ang kanyang tiyan habang tumatawa ng malakas.

Kita naman na sinabi niya sa kanilang mga kaklase ang mga nangyari.

“Hahaha. Gerald, anong nakita mo nang dalhin mo yung kahon kanina?” Tanong ni Blondie habang nakangiti.

“Hayop na yan! Ang ganda talaga ng katawan ni Xavia!” Sabi ni Danny habang nakangisi.

Hinigpitan ni Gerald ang kanyang mga kamao at namumula ang kanyang mga mata sa sandalling ito. Ninanais niyang patayin si Danny! Gustong gusto niyang pumanaw kasama si Danny.

“Bakit? Bakit mo ‘to ginagawa sakiin?” Nanggagalaiting tanong ni Gerald.

Tumawa muna si Danny bago siya sumagot, “Hoy, anong inaakala mo. Hindi ako natatakot sayo.”

“Sa lahat ng mahirap dito sa klase natin, ikaw ang pinaka ayoko! Napakaganda ni Xavia at saying lang kung mapupunta sa isang katulad mo! Mas Mabuti ng mapunta siya ng kaibigan ko at paglaruan ng mga ilang araw…”

“At saka Gerald, alam mo ba na nakuha ni Yuri si Xavia pagkatapos lang nila magtext ng kalahating oras habang inabot ka ng kalahating taon bago ka niya sinagot?”

Nagtatawanan ang lahat sa mga sandaling ito at walang may pake sa dignidad ni Gerald.

“Ginawa ko ‘yon para sayo!”

Agad na sumugod si Gerald patungo kay Danny.

Ang naging resulta, binugbog siya ng mga kaibigan ni Danny.

Sa huli, ang mga roommate ni Gerald ang nagligtas sa kanya at dinala siya sa kanilang dormitoryo.

Nagtalukbong si Gerald gamit ang kanyang kumot habang umiiyak sa kanyang higaan.

‘Bakit? Bakit nila ako kailangan pahirapan at tapak-tapakan ang aking dignidad? Bakit?’

‘Wala ba akong pakiramdam dahil lang mahirap ako? Hindi ba ako isang tao sa paningin nila?’

Nagpatuloy ang paghihinagpis ni Gerald at hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi niya makalimutan ang mga nangyari sa kanya ng gabing iyon.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatalukbong ng kumot habanghanggang sa siya ay nakatulog sa kakaiyak.

Marahil dahil ang gabi ay napaka dilim at napaka tahimik, nakatulog ng mahimbing si Gerald ng gabing iyon.

Nang magising siya kinabukasan, wala ng tao sa dormitory. Alam ni Gerald na hindi siya ginising ng namumuno ng dormitory dahil sa tingin niya ay mas makakabuti kay Gerald na manatili sa dormitory kaysa pumasok sa klase pagkatapos ng mga nangyari ng nakalipas na gabi.

Nang tingnan ni Gerald ang kanyang cellphone, nadiskubre niya na napakarami niyang natanggap na mga mensahe at tawag.

Sa pagkagulat ni Gerald, lahat ng numero ay hindi pamilyar.

Nakatanggap din siya ng isang mensahe na nagsasabing may isang taong nagpadala sa kanyang bank account!

“[Daxtonville Bank] Nineteen years. The balance of your account ending in **107 is USD 1,500,000.00.”

Laking gulat ni Gerald ng makita niya ang mga numero.

Isa’t kalahating milyong dolyar?

Sinong magpapadala sa kanya ng isa’t kalahating milyong dolyar?

Agad tinawagan ni Gerald ang banko upang kumpiramhin ang padala at mas lalo siyang nalito ng kumpirmahin ito ng banko.

Sa mga sandaling iyon, muling tumunog ang kanyang cellphone. Isa itong tawag mula sa isang international phone number at agad itong sinagot ni Gerald.

“Gerald, natanggap mo ba yung pera na ipinadala ko? Ako ang iyong ate!” Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig sa telepono.

“Ate! Anong nangyayari? Hindi ba’t nagta-trabaho kayo sa ibang bansa pati na ang magulang natin upang kumita ng pera? Saan kayo nakakuha ng ganitong klase ng pera?”

Hindi makapaniwala si Gerald sa mga pangyayari.

“Ah, balak pa itago sayo ng ating ama ang katotohanan ng mga dalawa pang taon pero hindi ko na kinaya dahil alam ko na palagi kang binubully sa school. Kaya nagdesisyon ako na sabihin agad sayo. Mayaman talaga ang pamilya natin. Ang Pamilyang Crawford ay may malaking negosyo sa iba’t-ibang parte ng mundo. Alam mo ba na eighty percent ng gold mine, minerals, at petrolyo sa Africa ay pagmamay-ari ng pamilya natin?”

“Hindi pa kasama dito ang iba pang industriya sa Daxtonville at abroad.”

Ano!

Agad napalunok si Gerald. Kung wala pa sa kanya ang isa’t kalahating milyong dolyar sa kanyang account, hindi siya maniniwala sa kanyang mga narinig.

Inakala niya talaga na binibiro lang siya ng kanyang ate!

“Alam ko na hindi kapani-paniwala ang mga sinabi ko, ngunit Gerald, kailangan mo dahan-dahang tanggapin ang katotohanan. Nung umpisa, pinalaki din ako sa isang mahirap na environment pero dahan-dahan din ako naging pamilyar na mamuhay bilang isang mayaman. At saka, may pinadala ako sayo at dadating na siguro ‘yon ngayong umaga. Mula ngayon, wala ka ng magiging problema pagdating sa pera.”

“Hindi ko alam kung magkano ang mga bilihin sa Daxtonville sa panahon ngayon pero wag ka mag-alala, gamitin mo ‘yang isa’t kalahating milyong dolyar sa ngayon. Tatawagan ulit kita sa susunod na buwan!”

Pagkatapos matapos ng tawag, hindi padin lubos na makapaniwala si Gerald.

Buong buhay niya siyang namuhay bilang isang mahirap.

Ngunit…

Isa pala siyang second-generation rich kid?
Next Chapter

Related Chapters

Latest Chapter