Kabanata 6
Sa mga sandali ding iyon, sa pinaka-magarang silid sa manor, isang lalaking may edad na may kamangha-manghang aura ang nakikihalubilo sa isang grupo ng mga negosyante.

Siya ang may-ari ng Wayfair Mountain Entertainment sa Mayberry Commercial Street at ito ang dahilan kung bakit siya ang naging pinakamayaman sa Mayberry City.

Subalit, nagulat ang lahat sa mga sandaling iyon.

Ito ay dahil sa sandaling sagutin ni Mr. Lyle ang telepono, napatayo siya sa pagkagulat bago siya agad-agad na tumakbo palabas ng silid.

“Anong nangyari kay Mr. Lyle?”

Hindi maintindihan ng lahat ang mga pangyayari.

Sa may front desk, hindi pa nakakapasok si Sebastian sa kanyang kwarto ng makita si Gerald na muling pumasok sa manor. Hindi niya mapigilan na gumawa ng aksyon para paalisin si Gerald.

“Miss Jane, bakit hindi ka tumawag ng security? Wala ng ibang paraan para mapaalis ang ganitong klaseng tao!”

Ngumisi si Sebastian kay Gerald.

Tumango si Jane bago nag tawag ng ilang security guard.

“Teka!”

Sa mga sandaling iyon, agad agad lumabas si Zack patungo sa front hall.

Laking gulat ng lahat!

“Lyle...Mr. Lyle?”

Kitang-kita sa pagmumukha nila Jane at ng iba pang mga babae ang pagkagulat.

Agad na marespetong bumati si Sebastian kay Zack. “Hello, Uncle Lyle. Ako si Sebastian Lewis at si Jacob Lewis ang tatay ko. Nagkita tayo nung huling reception.”

Agad na naglakad si Sebastian upang batiin si Zack.

Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi man lang siya binigyan ng pansin ni Zack.

Subalit, nagdire-diretso siya ng lakad patungo kay Gerald.

Naitulak niya pa sina Jane at iba pa sa pagmamadali.

“Ikaw ba si Gerald?” Magalang na tinanong ni Zack.

Tumango si Gerald. “Oo, ako si Gerald.”

“So kilala mo si Jessica?”

“Kapatid ko siya!” Agad na sagot ni Gerald.

Yumuko si Zack sa harapan ni Gerald para magpakita ng paggalang.

“Hello, Mr. Crawford. Ako po si Zack!”

“Okay.”

Laking gulat ni Jane at ng lahat ng tao sa mga pangyayari.

Laking gulat din ni Sebastian sa mga sandaling iyon.

Nagpakita ng galang si Mr. Lyle sa harapan ng pobreng iyon?

Sina ba siya talaga?

Hindi din makapaniwala si Gerald sa mga sandaling iyon. Alam niyang ang kapatid niya ang boss ng commercial street ngunit walang siyang ideya na malakas ang presensya ng kanyang kapatid sa lugar na ito. Hindi siya makapaniwala na makapangyarihan ang kanyang kapatid upang mabigyan ng ganitong pag-trato mula kay Zack!

Sa katotohanan, hindi padin sanay si Gerald sa buhay ng isang second-generation rich kid!

At saka, hindi padin siya makapaniwala na siya ang nagmamay-ari ng commercial street na ito.

“Opo, Mr. Lyle. Inutusan ako ng kapatid ko na magpunta dito para pumirma,” sagot ni Gerald.

“Yes, Mr. Crawford, kailangan namin ikaw na pumirma sa renewal contract. Ang buong commercial street, kabilang na ang manor na ito, ay pagmamay-ari niyong magkapatid. Matagal na kitang gusto bisitahin pero hindi ako pinayagan ng iyong kapatid.”

Agad na pinunasan ni Zack ang pawis sa kanyang noo.

Masayang masaya siya na magalang si Gerald sa kanya.

Subalit, napatunganga sina Jane at Sebastian sa mga sandaling iyon.

Ano?

Ang pobreng iyon ang nagmamay-ari ng Mayberry Commercial Street?

Siya ang tunay na nagmamay-ari ng Wayfair Mountain Entertainment?

“Sabihin niyo sakin! Sinong nagtaboy palabas kay Mr. Crawford kanina?” Tanong ni Zack pagkatalikod niya habang tinitignan ang lahat ng tao sa paligid.

Ang pagkakakilalanlan ng tunay na nagmamay-ari ng Wayfair Mountain Entertainment na si Jessica ay napaka-espesyal at siya ang tanging rason kung bakit natamo ni Zack ang kanyang buhay ngayon!

Ngayon, halos ipagtabuyan ng kanyang mga tauhan ang ikalawang boss palabas ng sarili niyang building!

Kapag nalaman ito ni Jessica, siguradong babalik siya sa dati niyang miserableng pamumuhay!

Sobrang nataranta si Jane sa mga sandaling iyon at nanatiling siyang nakayuko at nawalan ng lakas ng loob na tumingala o magsalita pa.

Sa mga sandaling iyon, nagdududa parin si Sebastian sa pagkatao ni Gerald. “Uncle Lyle, sigurado ka ba na hindi ka nagkakamali? Paanong ang pobreng iyan ang nagmamay-ari ng Mayberry Commercial Street?”

Slap!

Malakas na sinampal ni Zack si Sebastian ng marinig ang kanyang mga sinabi. “T*rantado! Anong sinabi mo?”

“Sorry Uncle Lyle. Wala akong sinabi...”

Ginamit ni Sebastian ang kanyang kamay upang takpan ang kanyang mukha at napuno siya ng poot sa mga sandaling iyon.

Kahit na nanggaling din siya sa isang mayaman na pamilya, hindi siya maikukumpara kay Zack.

“Men, palabasin niyo ang lalaking ito ngayon din!”

Agad na inutusan ni Zack ang mga security guard.

“Yes, sir!”

Isang grupo ng mga security guard ang agad lumapit bago itulak sina Sebastian pati na ang second-tier na aktres palabas ng manor.

Sobrang nakakahiya! Nakaramdam ng sobrang kahihiyan ngayong araw si Sebastian!

Pinanuod ni Gerald ang mga pangyayari ngunit nanatili siyang tahimik.

Hindi niya inaasahan na napaka-tapat ni Zack kahit na tila sobrang makapangyarihan niya!

Ahh!

Pagkatapos nito, sinundan ni Gerald si Zack papasok ng manor.

Agad na ipinakita ni Zack kay Gerald ang buong manor bago niya ipakilala ang kanyang sarili.

Sa mga sandaling iyon, naintindihan na ni Gerald na dating nagtitinda ng tinapay sa isang maliit na tindahan si Zack at kanyang asawa.

Katulad niya, napakahirap din ni Jessica ng mga panahon na iyon.

Noong mga panahong iyon, walang kapera-pera si Jessica at manglilimos na ng pagkain kina Zack at kanyang asawa nang bigyan nila si Jessica ng trabaho.

Pagkalipas ng ilang panahon, nang makaahon si Jessica sa kahirapan naging napakayaman, siya ang nagbigay kay Zack ng posisyon niya ngayon.

Kaya ang natatanging rason kung bakit naging napakayaman at makapangyarihan ni Zack sa Mayberry City ay dahil sa pamilyang Crawford!

Pagkatapos ay pinirmahan ni Gerald ang renewal contract at nalaman niya na ang karamihan sa mga negosyo sa Mayberry Commercial Street ay sa kanya nakapangalan. Kaya maaring masabi na siya ang nagmamay-ari ng buong Mayberry Commercial Street.

Hindi kailanman pinangarap ni Gerald na siya ay magiging isang makapangyarihan na indibidwal!

Pagkatapos ay dinala ni Zack si Gerald sa isang pribadong silid.

Dahil hindi pa kumakain si Gerald buong araw, nakaramdam siya ng gutom sa mga sandaling iyon.

Habang kumakain si Gerald, ngumiti si Zack at sinabi, “Mr. Crawford, please enjoy your meal. Pagkatapos niyo kumain, dadalhin ko po kayo para bisitahin ang iba niyo pang mga negosyo. Inutos po sakin ito ni Miss Crawford dahil gusto niya na maging pamilyar kayo sa mga industriya ng inyong pamilya sa lalong madaling panahon

Agad na may sumagi sa isip si Zack.

“Saglit lang po, babalik din ako kaagad Mr. Crawford.”

Pagkatapos noon, lumakad palabas ng silid si Zack upang tumawag at isang bagay lang ang kanyang sinabi, “Gusto ko na umakyat kayong lahat dito.”

Pagkatapos ay agad siyang bumaba.

Hindi alam ni Gerald kung anong pinaplano ng manager na si Zack. Ang alam niya lang ay nagugutom siya at agad niyang kinain ang malaking Australian abalone na inihanda sa kanyang mesa.

Walang iniintindi si Gerald kundi kumain ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang private room.

Pagkatapos ay may pumasok na anim na magagandang babae sa silid.

Iyon ay sina Jane pati na ang iba pang mga babae sa reception.

Sa mga sandaling iyon, ibang-iba na ang tingin nila kay Gerald.

Agad din ngumiti si Jane kay Gerald bago sabihin, “Mr. Crawford, patawad po sa mga nangyari kanina.”

“Patawad po Mr. Crawford!”

Agad na dugtong ng iba pang mga babae.

“Anong ginagawa niyo dito?”

Agad na pinunasan ni Gerald ang kanyang bibig pagkatapos kumain.

Sa katotohanan, kahit na mababa ang tingin sa kanya ng mga babae sa front desk, hindi nagtanim ng sama ng loob si Gerald sa kanila.

Sa halip ay ginusto niya lang na tapusing ang mga inutos sa kanya ng kanyang kapatid sa lalong madaling panahon.

Pagkatapos ay aalis na agad siya.

Ngunit, tila pinagalitan na ni Zack ang mga babae.

“Nandito kami para pagsilbihan ka Mr. Crawford. Gagawin namin ang lahat para sayo mapatawad mo lang kami Mr. Crawford,” sagot ni Jane.

Isa lang ang rason kung bakit nagtatrabaho ang mga magagandang babae sa Wayfair Mountain Entertainment, at yun ay makapangasawa ng isang mayaman.

Kaya hindi nila palalampasin ang oportunidad na binigay sa kanila ni Mr. Lyle upang mapatawad at upang magkaroon ng relasyon kay Gerald.

Bagama’t hindi taos-puso ang paghingi nila ng patawad, agad agad parin sila nag presenta.

Ano ba ang isang mayaman?

Ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan ngayon ang isang tunay na mayaman! Siya ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa lugar na ito!

Nagulat si Gerald ng marinig ang kanyang paliwanag.

Silang anim?

Sobrang nakakagulat ang mga pangyayari.

Napatunganga si Gerald. Sa mga sandaling iyon, naglabas si Jane ng isang remote control bago niya ito itapat sa pader.

Pagkatapos ay naghiwalay ang buong cloth wall na parang kurtina at ang bumulaga kay Gerald ay isang malaking indoor swimming pool.

May isa pa palang sikreto sa silid na ito!

Pagkatapos ay hinubad ng lahat ng babae pati na si Jane ang kanilang mga palda.

Inalis din ni Janes ang kanyang suot-pantaas habang umupo sa tabi ni Gerald.

Bago mawalan ng kontrol si Gerald at bumigay sa pang-aakit, tumunog ang kanyang telepono.

Tumatawag ang kanyang kapatid.

Nahimasmasan si Gerald at sinabi, “’Dear ladies, lalabas lang ako saglit.”

Pagkatapos ay agad-agad tumakbo palabas ng silid si Gerald.

Natuklasan niya na tumawag ang kanyang kapatid upang magtanong tungkol sa renewal contract. Pagkatapos sinabi din ni Jessica kay Gerald na masanay na mabuhay na isang mayaman at kalimutan na ang pagiging isang mahirap.

Pagkatapos ibaba ang telepono, inisip ni Gerald kung dapat ba siyang bumalik sa silid.

Habang nag-iisip, bigla niyang naalala ang mga araw na sila pa ni Xavia. Noong mga panahong iyon, mahal na mahal niya si Xavia at iyon ang rason kung bakit nirespeto niya si Xavia at walang sekswal na nangyari sa pagitan nila.

Hindi mapigilan ni Gerald na masaktan ng maisip si Xavia.

Kung malaman ni Xavia na mayaman na siya ngayon, magbabago kaya ang kanyang isip at makipagbalikan sa kanya?

Ugh!

Bigla niyang naisip ang mga sandaling magkahawak ang kanilang kamay habang naglalakad sa cafeteria, sa library, at sa lahat ng pagkakataon na magkasama silang dalawa.

Sa mga sandaling iyon, nawalan ng sigla si Gerald dahil hindi niya gusto na mawalan ng rason ang kanyang ‘first time’.

Pagkatapos ay nagpasya si Gerald na hindi na bumalik sa silid at tinawagan niya si Zack upang ipaalam na mauuna na siyang umalis.

Pagkatapos umalis sa manor, naglakad-lakad si Gerald palibot sa Mayberry Commercial Street ng magisa.

Lahat ng naglalakad sa commercial street ay mga kabataan na may magagarang pananamit o mga boss na lumalabas-pasok sa iba't-ibang gusali.

Siya ang nagmamay-ari ng Mayberry Commercial Street! Hindi na dapat mas mababa ang tingin niya sa sarili niya kumpara sa ibang mga tao!

Kinailangan ni Gerald na ipaalala ito sa kanyang sarili.

Sa mga sandaling iyon, nakarinig siya ng isang pamilyar na boses.

“Gerald!”

Nang tumalikod si Gerald, nakita niya si Naomi at Alice na nakatayo sa harapan ng isang karaoke bar.

Bukod dito, nakita niya din sina Danny, Blondie at iba pang mga kalalakihan.

“Gerald! Ikaw nga talaga! Akala ko ba sabi mo babalik ka na sa dormitoryo? Bakit nagpunta ka sa Mayberry Commercial Street? Niloloko mo ba ako?”

Nagmadaling lumapit si Naomi kay Gerald bago galit na nagtanong.

Napatunganga nalang si Gerald.

Related Chapters

Latest Chapter